Agad kaming pumunta sa ospital. Habang nasa biyahe kami papunta dun, puno ng kaba ang dibdib ko. Pakiramdam ko, may kung anong gustong kumawala mula sa kaloob looban ko.Almost ten minutes pa kaming natigil dahil sa nakakainis na traffic.
Ghad!
Kung kailan ka pa nagmamadali, saka ka pa iinisin ng tadhana.
"Relax ka lang, everything will be okay." saad naman ni Kent na para bang nababasa niya ang iniisip ko
Hindi ako umimik. Ang nasa isip ko lang ngayon ay ang sitwasyon ni Dylan.
Is it true?
Pagdating namin dun, halos madapa na ako sa katatakbo pero wala akong pakialam. Nakasunod lang saken si Kent na lakad-takbo rin ang ginagawa para pumantay sa akin.
"Hey, be careful." nag aalalang saad niya
Huminga ako ng malalim at sumulyap lang sa kanya. Bakas sa mukha ko ang pag-aalala at hindi ako magiging kalmado hangga't hindi ko nakikita si Dylan.
"Kinakabahan ako. Kinakabahan ng sobra." halos pabulong ko ng sagot sa kanya
Agad namang hinawakan ni Kent ang kamay ko. Hinawakan niya ito ng mahigpit. Hindi ko ipagkakaila na kumalma ako ng kaunti.
Sa kanya ko talaga natatagpuan ang safest place para saken. Kahit ano pa ang pakiramdam ko, agad yung naiibsan kapag siya na ang humahawak saken.
Maya-maya pa, nasa tapat narin kami ng kwarto ni Dylan. Dinig namin ni Kent dito sa labas ang ingay na nagmumula sa loob.
"Tara, pumasok na tayo." bulong niya saken
Agad niyang pinihit ang pinto na agad nagpalakas ng heartbeat ko. Nang tuluyan niya na itong mabuksan, tumambad samin si Dylan habang nakatingin samin.
Hindi agad ako nakakilos nang makita ko siyang nakaupo sa kama niya. Nagtama ang mga mata naming dalawa sa mga oras na yun kung saan unti-unting namumuo ang mga luha ko.
Is this a dream? Finally, he's...... he's awake!
Bakas sa mga mata niya ang lungkot habang nakatingin saken. Sandali kong inilibot ang paningin ko at nakita ko si John, Pinky, Andrew, Florens at Adrian. Tahimik lang sila sa sulok habang seryosong nakaupo at nakatingin rin saken. Katabi na niya ngayon si Kent na sumenyas saken gamit ang mga mata niya na lapitan ko na si Dylan.
Ibinalik ko ang tingin ko kay Dylan at dahan-dahang humakbang papalapit sa kanya. Hanggang sa hindi ko na mapigilan ang sarili ko't niyakap ko na pala siya.
Naramdaman ko ang braso niya na nakakulupot narin saken habang hinahaplos ang buhok ko.
"Dylan....." ang tanging saad ko
Wala ng ibang lumabas sa bibig ko kundi yun lang at humagulhol na ako.
Hindi ako makapaniwala na talagang totoo nga ang sinabi ni John na gising na si Dylan. Sobrang kaba ang naramdaman ko nun dahil akala ko nagbibiro lang siya.
"Shhh, tahan na. Sampalin mo muna ako, pwedi ba?" pabirong saad ni Dylan habang mahinang tumatawa
Humihikbi pa ako nang kumalas ako sa kanya. Tumingin ako sa mga mata niya at hinwakan ko rin ang mukha niya. Hindi na ito yung mukhang nanakit saken dun sa gym. Bumalik na sa dati ang mukha niya at hindi na ito nakakatakot.
"Eheem, I'm jealous." pasingit ni Kent kaya napalingon ako sa kanya na papalapit na pala samin
Sinamaan ko lang siya ng tingin na bigla namang ng peace sign.
BINABASA MO ANG
Stupid Mistake (WILL BE EDITED SOON)
Teen FictionTHIS STORY DO NOT FOCUS ON FAIRY TALES BUT ON DECISIONS, ACTIONS AND SURVIVAL. Alamin ang patutunguhan ng kanilang kwento. Kent Luis Mendoza and Raniella Dela Cruz's story P.S: This story is UNEDITED so expect some errors.