Kabanata 8

1.2K 41 0
                                    

Pagkatapos ng dinner namin, agad na akong inuwi ni Edward dun sa bahay.

Tahimik lang kami habang nagda-drive hanggang sa makarating na kami.

"Thanks for tonight, Ran. Nag-enjoy ako" kita ko ang malapad niyang ngiti

Ngayon ko lang napansin na gwapo din pala si Edward tulad ni Kent.

Teka, bakit ko ba sila kinukumpara?

Kahit kailan, hindi deserve ni Edward ang pagkukumpara ko sa kanya kay Kent. Mula pa noon mabait na ito at wala yung pinagbago habang si Kent naman, bigla nalang nagbago nang hindi ko namamalayan.

Tss!

"I hope we still have next time, Ran" sabi ni Edward sa kanya sabay ngiti.

"Siyempre naman, Edward." ngiti rin ang ginanti ko sa kanya

Pagkatapos ng usapan, bumalik na si Edward sa sasakyan niya at umalis na. Nang mawala na siya sa paningin ko, bigla kong nakita si Kent sa malayo.
Teka, is it really him? Sinusundan niya ba kami? Imposible, wala na siyang pakialam saken. Tinapos niya na anuman ang meron kami.

Baka namalikmata lang ako.
Hindi siya yun.

Pagpasok ko sa loob, napansin ko si Dad habang na umiinom ng kape. May hawak siyang magazine. Parang may binabasa ata. Napakaseryoso ng mga mata niya eh.

Pumasok nalang ako sa loob ng kwarto para magbihis na. Napagod din ako ngayong araw na ito.

Pagkahiga ko sa kama, naisip ko si Kent kanina.

Bakit parang may kirot akong naramdaman? Bakit ganun? Wala nadin dapat akong pake sa kanya.

Tumitig nalang ako sa kisame at bumuntong hininga. Bigla na naman napasok sa utak ko yung biglaang pagbitaw saken ni Kent nung dumating si Edward sa room. Ayaw niya ata kaming makita na ganun ang posisyon.

"Are you two dating?"

Naalala ko rin yung tanong niya saken. Napansin ko ang lungkot ng mga mata niya habang sinasabi niya yun.

Tss. Ano naman ngayon kung magdate man kami ni Edward?

Hay! Ang gulo talaga.

Pipikit na sana ako nang biglang bumukas yung pinto ng kwarto ko.

"Manang? Anong ginagawa mo dito?" napabangon ako at napaupo sa kama

"Hindi ka pa naghahapunan kaya dinalhan kita ng sandwich para di ka magutom." sabi niya sabay lapag nang plato sa mini table

Napangiti nalang ako. Maswerte ako dahil nagkaroon ako ng taong katulad ni manang. Yung andyan palagi sa tabi ko. Ni minsan hindi niya ako binigo. Kilalang kilala niya narin ang ugali ko. Alam niya kung kailan ako lalapitan at kausapin. Alam niya kung kailan ako malungkot at masaya at kung kailan ako nagseseryoso.

"Thanks po."

Agad ko siyang niyakap para sa pagpapasalamat.

"Sa susunod, wag kang matulog hanggat hindi ka pa kumakain ha? Baka magkasakit ka pa." sabi niya ulit

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at ngumiti.

Paglabas niya, agad ko ng kinain yung dala niyang sandwich. Kahit kailan, masarap talaga ang mga gawa niyang pagkain para saken.

Matapos kong kumain, sakto naman na bumalik si Manang para kunin yung pinagkainan ko.

Sabi ko sa kanya ako na ang magdadala nun sa baba pero nagpumilit siya.

Stupid Mistake (WILL BE EDITED SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon