Kabanata 41

586 7 0
                                    


I'm sorry for this ugly cover. Wala pa talaga akong mahanap na book cover maker eh. So, kailangan kong magtiis sa cover na yan.

Akala ko noon, wala ng mas sasakit pa sa nalaman ko na hindi ko pala totoong ama si Daddy. Akala ko wala na talagang mas sasakit pa.

Oo, nasaktan ako ng sobra sa mga oras na yun. Pakiramdam ko sasabog ang puso ko sa sobrang hirap at sakit. Pero, as days passes by, unti-unti ko yung natanggap. Pinatawad ko si mommy dahil sa paglihim niya saken sa bagay na yun at pinatawad ko rin si Daddy sa malamig na trato niya saken.

Inalis ko lahat ng galit sa puso ko that time. With the help of my friends- Kleah and Karyll. Also, sa mga words of wisdom rin saken ni Manang.

Sinabi niya saken na magpatawad ako.
Hindi ko raw makikita ang totoong kaligayahan kung galit at poot ang ipaiiral ko.

Akala ko talaga magiging okay na ang lahat pero hindi pala.

Akala ko lang pala yun.

Mula nung na coma si Dylan, naging miserable ako. Mula pagkagising hanggang sa pagtulog, naaalala ko yung araw na niligtas niya ako mula sa putok ng baril.

I blame myself.

Araw-araw kong sinisisi ang sarili ko. Ni hindi ako makatulog na hindi umiiyak. Nakakaramdam lang ako ng antok kapag napagod na.

Minsan nga, hindi ko maiwasang i-ignore ang presensya ng ibang tao kahit nandyan sila sa paligid ko. Hindi ko namamalayan na unti-unti ko na pala silang binabalewala.

It's been two weeks nang na comatose si Dylan and within that weeks, tinuon ko ang atensyon ko sa pagbabantay sa kanya.

Ni hindi ako lumalabas dun sa kwarto. Kahit anong sabihin nila saken at pagpilit na lumabas muna, hindi ko pinapakinggan until one day, nagkausap kami ni Kent.

"Bakit ka ganyan? Wag mo naman sana akong kalimutan, Ran. Dapat nga wala ka dito eh dahil sa mga ginawa niya sayo pero pinayagan parin kita.... Mahal kita kaya kung ano man ang desisyon mo, susuportahan ko. Pero shit! Ang sakit pala kapag nasa kanya nalang palagi ang atensyon mo...."

Yan ang mga salitang narinig ko sa kanya. Napaka lungkot ng mga mata niya. Nasasaktan ko na pala siya.

Nang isarado na niya ang pinto, I let my tears fall. Hinayaan ko lang ang sarili ko na umiyak.

Napaupo ako dun sa tabi ng kama ni Dylan at tinitigan siya.

Totoo bang nasa kanya nalang ang buong atensyon ko?

Shit! Ngayon ko lang na realize na ganun na nga ang nangyayari. Nandun si John ng mga oras na yun. He look at me with his sad eyes at ramdam ko yun. Tumayo siya at lumapit saken.

"Follow him. Wag mong hayaan na pati siya ay mawala sayo, Raniella. He loves you so much kaya kahit nasasaktan siya ng sobra ngayon, hinayaan ka niya dito. Sundan mo siya at mag-usap kayong dalawa."

Stupid Mistake (WILL BE EDITED SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon