Kabanata 45

868 12 0
                                    

Whole week na naghanda ang school para sa arrival ng anak ng may ari ng school na to.

Kaya pala hindi ko masyadong nakikita sina Kent dahil puspusan daw ang practice nila para sa kanilang performance.

Gaganapin ang isang party celebration sa mismong gym. Well, it's big enough para magkasya lahat ng mga estudyante dito.

Specifically, birthday party kasi yun. Hindi lang naman sina Kent ang magpe-perform kundi pati narin ang dance group, glee club, theatre at iba pa. Sina Kent ang nag-iisang banda na nabuo so sila talaga ang paniguradong center of attraction mamayang gabi. Aside sa puro sila gwapo, cool din ang mga boses nila.

Si Dylan, hindi namin pinayagan na pumunta dahil baka mabinat lang yun. Nagmatigas pa talaga ang mokong nayun at nagpumilit pero hindi naman yun umobra saken.

"Bes, tara na! They're outside!" sigaw saken ni Kleah

"Wait! I'm not yet done with my hair!" sigaw naman ni Karyll

"Guys, stop screaming okay? Hindi naman milya ang layo natin para magsigawan pa kayo!" balik sigaw ko nalang din sa kanila habang nililigpit ko yung gamit ko

"Wow, nakapagsalita ang hindi sumisigaw." malamig na tugon ni Karyll sabay irap saken

Pasalamat siya, beshy kami.

Matapos mag-ayos sa sarili, agad na kaming bumaba para magtungo sa sasakyan ni Kleah. Nandun narin ang driver niya , naghihintay samin. Buti nalang hindi nainip.

Hindi narin kasi kami nagpasundo pa kay Kent dahil alam kong busy siya. Ganun rin naman si Adrian kay Kleah. Anyway, speaking of Adrian. Sila na kaya ni Kleah?

"Kling, may tanong ako." saad ko habang nakatingin sa kanya na naglalagay pa ng blush on sa mukha

Hindi pa ba siya tapos?

"Yup, ano yun?" sagot niya sabay lagay nung blush on sa maliit niyang bag

"Kayo na ba ni Adrian? Don't you dare na magsinungaling." pagbabanta ko sa kanya

Nagkatinginan naman kami ni Karyll na nasa tabi ko. Napapagitnaan kasi ako ng dalawang to eh.

"Ano na? Kayo na ba?" tanong sa kanya ni Karyll na parang excited rin

Mas lalong kumunot ang noo namin nang hindi man lang umiimik si Kleah.
Pero kahit ganun, nakatitig parin kami sa mga mata niya.

Akmang sasagot na siya nang biglang nalang nag brake si Manong dahilan para masubsob yung mukha namin.

"Manong, yung blush on ko! Sira na!" sigaw ni Kleah

Wow! Sa blush on niya talaga siya concern!

"Manong, ano ho bang nangyari?" tanong naman ni Karyll habang sapo ang noo

Buti nalang talaga hindi kami nagkabukol. Si Manong talaga, napaka careless jusko!

"Ma'am, pasensya na. Andito na po kasi tayo. Muntikan ko na po kasing mabundol tong nasa unahan natin kaya napa brake ako agad." pagpapaliwanag niya habang nakakamot sa ulo

Irap lang  ng irap si Kleah. Minsan, nagmumura pa. Kami pa tuloy tong napagbubuntungan eh pareho naman kaming muntikan nang magkabukol.

Teka, mukhang si Kleah na ata ang bitchy ngayon! Pansin ko lang!

Agad na kaming pumasok hanggang sa makarating narin kami sa gym. Andami nang mga estudyante dito. Napaka ganda din nung desenyo sa stage.

Big applause para diyan!

"Girls, dito!" sigaw samin ni Warren

Nakangiti akong tumingin sa kanila hanggang sa magkatinginan kami ni John. Ngumiti lang din siya pabalik saken.

Stupid Mistake (WILL BE EDITED SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon