Kabanata 3

1.5K 36 0
                                    

Kahit na masakit parin ang kaloob-looban ko, pinilit ko paring pumasok sa school.

Pinanindigan ko ang sinabi ko sa sarili ko na last na yung ginawa kong pag-iyak noong Friday.

Oo, masakit parin pero nakaya ko pala lahat.

Monday ngayon.

Schedule ng third quarter exam.

I don't know kung papasa ako sa mga subjects. Hindi kasi ako nakapag focus sa lessons noong nakaraang araw.

Kahit papano, nakapag scan naman ako ng notes kahit konti lang yung naaalala ko.

Pagpasok ko sa room, masigla kong binati sina Kleah at Karyll.

Syempre, pinilit kong ngumiti sa harapan nila para ipakita na okay na ako.

Hindi ko pa nakikitang dumating ang tropa ni Kent kaya pasimple nalang akong umupo sa tabi ni Karyll.

"You okay?" nagdadalawang isip niyang tanong

"Of course, I am." pagsisinungaling ko at pinakita pa talaga sa kanya ang ngiting normal kong ginagawa noon

"Buti naman ayos ka na. Ang unfair mo ha, hindi mo man lang kami kinakausap." pagtatampo ni Kleah

Ang unfair ko nga. Alam kong nasaktan ko sila sa pambabalewala ko pero hindi ko kasi sila nabigyan ng pansin dahil busy ako sa paghahabol kay Kent Luis.

Bago dumating ang Prof, nakarating na sina Kent kasama ang mga tropa niya. Nagpanggap akong hindi siya nakikita at kunwari may binabasa ako dun sa board at nagta-take notes.

Narinig ko ang pagsinghap niya pati nina Karyll at Kleah.

Parang hindi sila makapaniwala sa ginawa kong pag ignore sa presensya ni Kent.

Lumingon ako sa kanila at nagkunwaring naguguluhan.

"C'mon girl, it's Kent. You're boyfriend." medyo may panggigigil sa boses ni Kleah

"Nah. Ex-boyfriend to be exact." tama ang narinig ko kay Karyll

He's now my ex-boyfriend.

Pagkatapos ng exam namin sa Chemistry ay yung trigo naman ang sumunod then break time na.

This is what I'm waiting for.

"Tara sa canteen?" pag aaya ni Kleah

Agad akong tumango at nagligpit na ng gamit.

Habang naglalakad papunta sa canteen, nagkunwari akong parang nag iisip.

No more thoughts about Kent muna.

Nakakapagod nadin kasing umiyak at masaktan.

"Ryl, do you think papasa tayo sa exam?" parang isang rebelasyon ang narinig nilang dalawa mula saken. Kung makatitig sila, parang matsutsugi na ako

"Okay ka na nga talaga, Ran. I thought you're just kidding kanina eh." si Kleah at tumatawa ng mahina

Napangiti narin ako pero sa gitna ng ngiti ko, nahagip ng atensyon ko si Kent. Siyempre hindi pweding mawala sina  Warren at Adrian pati na ang bago niyang babae.

May bago na agad siya.

As expected, a playboy will always be a playboy.

Binalewala ko siya kahit ang gusto talaga ng puso ko ay tumakbo papunta sa kanya at yakapin siya ng mahigpit.

Damn! I can't deny myself from missing him so much!

Stupid Mistake (WILL BE EDITED SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon