I really want this story to reach 60 chapters but I think 30-35 chapters nalang.. ✌
Kinukulit na kasi ako ng isa kong idea hihihiNamulat ko ang mga mata ko dahil sa naramdaman kong tubig sa katawan.
Madilim ang paligid. Tanging ilaw lang na nakatapat saken ang nagbibigay liwanag.
"Oh, it's good that you're awake, honey!" boses babae
Siya ata ang bumuhos saken ng tubig.
Meron siyang kasamang limang lalake na puro nakamask. Lahat sila ay nakatingin lang sa akin."Anong kailangan niyo saken?" naglakas loob na akong magtanong sa kanila kahit na parang kinakain na ako ng sobrang kaba ko. Pambihira, apat na araw palang nung nakaligtas ako kay Dylan, paano na naman ako tatakas ngayon?
"Actually darling, wala naman talaga akong kailangan sayo pero ang mga Mendoza, meron." malamig na sambit nung babae habang lumalapit saken
Napaka-familiar ng mga mata niya. Hindi ko naman kasi nakikita ang mukha niya dahil nakasuot siya ng kulay itim na mask.
"Sino ka? Ba't kailangan mo tong gawin saken?" tumutulo na ang mga luha ko
Hindi ako papayag na malaman na naman to nina Kent. Ayokong mapahamak sila ng dahil saken
"Hay naku, ang slow mo naman. Kakasabi ko lang kanina, diba?" medyo nairita niyang sagot sabay hikab
Parang nabo-bored lang siya sa lagay na yan.
Habang nagtititigan kami sa isa't isa, biglang lumapit sa kanya yung isang lalake tapos may binulong.
"Anyway, I need to go Darling. Mag behave ka lang dito, understood?" sambit na naman niya sabay pisil sa mga pisngi ko
Hindi yung pisil dahil nanggigigil ka pero pisil na puno ng lakas. Hindi ko naman mahawakan ang mukha ko dahil nakatali ang dalawa kong kamay sa upuan. Nakaposas ang mga ito kaya pag nagpumiglas ako, siguradong masusugatan ako.
Pati ang mga paa ko, nakatali rin kahit bewang ko hindi pinalagpas.
"Do it! Just don't kill her!" bilin nung babae sa kanya kaya pag Ali's nung babae kasama ang tatlong lalake ay lumapit naman yung dalawa saken.
"A-nong g-ggagawin niyo?" pilit kong inaatras yung upuan ko dahil papalapit na sila ng papalapit saken habang may dalang cutter. Inilabas nila ang matulis na parte noon at itinuon sa ilaw.
"Wag kang mag-alala miss, madali lang ito. Parang nagpapa tattoo kalang, ganun!" malamig niyang sabi. Nakita ko ang mga mata niyang nanlilisik
Kahit naman nakasuot siya ng mask, na iimagine ko yung mga ngiti niyang malademonyo.
"Sabi ni Boss, wag daw natin patayin to." paalala nung isa sa kasama niya
"Gago! Siyempre, alam ko! Anong akala mo saken, malilimutin?!" sigaw naman nung isa
Habang nagtatalo silang dalawa, unti-unti ko nalang inaatras yung upuan na pinagtalian saken. Kailangan kong makatakas dito bago nila to malaman. Ayokong pumunta pa sila dito para iligtas na naman ako sa kapahamakan. Nakakainis na! Pabigat lang ako kung ganun! Tama si Dad, I'm just a burden for them!
As I expected, useless din ang ginawa ko. Hindi naman ako ganon kalayo kaya ilang hakbang lang ay makakalapit na sila sa akin.
"At anong ginagawa mo ha! Tatakas ka!?" sigaw nung lalake saken
BINABASA MO ANG
Stupid Mistake (WILL BE EDITED SOON)
Teen FictionTHIS STORY DO NOT FOCUS ON FAIRY TALES BUT ON DECISIONS, ACTIONS AND SURVIVAL. Alamin ang patutunguhan ng kanilang kwento. Kent Luis Mendoza and Raniella Dela Cruz's story P.S: This story is UNEDITED so expect some errors.