Kabanata 20

814 15 0
                                    

Raniella's POV

Just what mom told me yesterday, pinuntahan nga ako ng mga pulis sa bahay. I told them everything that had happened. Oo, natakot ako na baka balikan nila ako ulit pero kung mangyari man yun, wala nang ibang sisisihin kundi sila pa rin. Pinakita ko rin sa mga pulis yung sugat ko dahil baka makatulong sa imbestigasyon nila.

During sa interview, nag stay lang si mommy sa gilid ko while nasa sala naman sina Dad, Kent kasama ang tropa pati narin si Edward.

"Ano pang na aalala mo, hija?" tanong saken nung babaeng pulis habang nagsusulat naman sa notebook yung isang kasama niya

Ano pa nga ba? Maliban sa naka mask yung mga lalake, wala na akong iba pang pweding sabihin. Pero teka, yung isang kasama nilang babae, pakiramdam ko nakita ko na siya dati eh. Hindi ko lang maalala kung saan.

"May sasabihin pa po ako, ma'am." bumuntong hininga ako bago nagsalita. Pakiramdam ko kinakabahan ako.

"Ano yun, anak? May naaalala kapa ba?" tanong saken ni Mommy habang hinahaplos niya yung likod ko

Maybe she can also feel what I feel. Kinakabahan ako, oo!

"Yung kasama po nilang babae, pakiramdam ko kilala ko siya. Hindi ko lang po maalala kung saan ko siya nakita." yan ang mga huling linyang nasabi ko sa mga pulis

Sa mga detalyeng nasabi ko, halos mapuno na nga yung notebook nung secretary nila eh. Imposible naman na hindi nila mahuli ang may gawa nun.

Sa tingin ko rin, may malaking contribution tong sinulat nila sa braso ko. Naku, baka magkapeklat pa ako neto huhu

"SJ"

What could it possibly mean?

Makalipas ang ilang linggo, wala parin kaming nakukuhang progress sa imbestigasyon. Si Kent naman pati ang tropa ay tumulong narin sa imbestigasyon. Yung dalawang bodyguards ko ay tinanggal na sa trabaho pagkatapos nung nangyari saken. Sobrang galit si mommy sa kanila dahil bakit hindi raw nila nako nabantayan. Alam kong wala silang kasalanan nun. Ako naman kasi ang may kagustuhan na dumistansya sila saken habang nasa school ako.

During school days, lagi na akong sinasamahan nina Kleah at Karyll. Hatid sundo nga ang peg ng dalawa kong best friends. Daig ko pa ata ang isang prinsesa nito.

Minsan, sina Edward at Kent ang sumusundo at humahatid saken pero hindi ko masyadong pinagbibigyan ang mga gusto nila.

Hindi parin pala sila bati at nag aaway pa talaga sa harap ko. Nakaka stress din pala pag doble ang boylet no?

Sina Adrian naman at Kleah, parang nagkakamabutihan na. Oo nga pala, si Karyll wala pang planong mag boyfriend dahil sa nangyari kay Dylan.

Wait, speaking of Dylan nasaan na kaya siya?

Pagkatapos ng klase namin, hinintay ko na muna sina Kleah at Karyll sa parking lot tulad ng bilin nila saken. Baka mag transform na naman bilang tigre yung si Karyll dahil sa galit at manok naman tong si Kleah dahil sa kadaldalan niya. Sesermonan na naman ako nun panigurado.

Karyll's POV

Nang mahatid na naming dalawa ni Kleah si Ran ay naghiwalay na kami ng daan ni Kleah.

I don't know kung saan pupunta si Kleah but as what I can remember, mukhang may date silang dalawa ni Adrian ngayon. Sayang lang dahil ang taong gusto ko ay parang wild animal na ngayon, mailap sa ibang tao at laging nagtatago.

Habang nakasakay sa kotse, nasa labas lang yung paningin ko. Malayo naman ako sa disgrasya kahit saan ako tumingin dahil may driver ako.

"Ma'am, okay lang po kayo?" nang marinig ko ang boses si Manong ay tumingin ako sa kanya dun sa rear mirror

Stupid Mistake (WILL BE EDITED SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon