Agad kong kinausap si Edward para makapagpasalamat ako sa kanya.I owe them my life. Kung hindi sila dumating ni Kent, malamang dead na ako ngayon sa kamay ni Dylan.
"You don't need to thank me, Ran. Ginawa ko yun dahil yun ang dapat." hindi ko talaga akalain na masasabi niya yun. I mean, I really believe that he's kind but I think I don't deserve it since nasaktan ko naman siya noon
"Kahit na, Edward. Kailangan kong sabihin yun. Isa pa, masaya ako na kasama mo si Kent." hindi ko ata inisip ang sinabi kong yun. I shouldn't told him that, nawala tuloy ang ngiti niya
"I'm sorry." I apologize
"No, it's nothing Ran." he answered and smile again. Inayos niya rin yung buhok ko. While doing that, tumingin lang ako sa kanya pero nahagip ko si Kent na nakatingin saken. Nakakunot ang noo niya.
After ng usapan namin, nag decide ako na umuwi na. Si Edward naman, pumunta muna sa office ni Teacher Mary. Hindi naman ako kasali sa banda kaya hindi nalang ako sumama sa kanya. Isa pa, nalaman ko din na may meeting lahat ng staff ngayon para sa preparation ng program for the School President.
"Are you sure, hindi ka na talaga magpapahatid bes?" tanong saken ni Karyll habang nasa hallway kami.
"Okay lang ako. Isa pa, may dadaanan din ako." I lied and did my best to smile
Wala naman talaga akong dadaanan eh. Ayoko lang munang umuwi ngayon sa bahay. Nandun si Dad, isa pa ayoko muna siyang makita ngayon.
"We will go, then. Text mo nalang kami mamaya, okay?" sambit ni Kleah bago pumasok sa kotse niya kasama ang driver. Pati si Karyll, umuwi na din. May date daw kasi sila ng parents niya.
Nakakainggit. Sana ayain din nila ako ni mom at dad ng ganun. But I know it's impossible. Lalo na sa relationship namin ni Dad sa isa't isa.
Pagkaalis nila, akmang maglalakad narin ako nang biglang may humablot sa braso ko. May nilagay din itong panyo na pinaamoy saken kaya nawalan ako ng malay.
Eto na naman. Mapapahamak na naman ba ako?
Mr. Mendoza's POV
Dahil sa tulong ni Mr. Sy, nakabangon ang kompanya ko. Kahit ganoon, hindi parin ako kompletong masaya dahil hindi parin kami nag-uusap ni Kent hanggang ngayon.
Inikot ko ang swivel chair para makita ko ang mga naggagandahang buildings sa labas. Tumayo nalang ako at bumuntong hininga.
I'm still thinking on what really happened para muntikan na akong bumagsak ng ganoon kadali.
Saan ako nagkulang?
Bigla kong naalala si Secretary Jane. Siya lang naman ang may alam ng halos lahat ng documents ko patungkol sa kompanya.
Speaking of Sec. Jane, where is she?
After a while, the door suddenly opened kaya agad akong humarap doon. Iniluwa nun si Kent at Florens.
"Hi Tito, kumusta po?" bati ni Florens saken
Kent is still silent. He looks at me seriously. Well, he's doing that after their break up at ako ang dahilan nun.
"Son, why are you h--" hindi niya ako pinatapos at agad nagsalita
"We're here to investigate. Si Florens ang tutulong saken since siya naman talaga ang may interest sa mga business things na ganito." he explained
He put his hands on his pocket and eyed seriously to Florens. Nag uusap sila gamit ang tingin at hindi ko yun maintindihan.
"May mali lang kasi akong nakikita Tito. I think you are being betrayed and all of this was planned, carefully. Ang laki ng perang nawala sa inyo so I guess, this is not just about business matters." matagal kong pinag-isipan ang sinabi ni Florens pero sino naman ang maglalakas loob na traydorin ako? Hindi basta-basta ang kompanya ko, nangunguna ito kaya imposible.
"We'll be back next week para sa imbestigasyon. For now, let's just draw some plans." dagdag ni Kent at tumalikod na
"Sige po, Tito. We really need to go. Bye po." he said after ng shakehands
Hanggang ngayon, hindi parin nagbabago ang pakikitungo saken ni anak ko. Alam ko naman na kasalanan ko rin to. Hindi ko naman kasi alam na sa dami ng pweding kapalit ay ang kaligayan pa niya.
I love my son and I love my company.
"I think you are being betrayed and all of this was planned, carefully."
What is really happening? Talaga bang may nagtraydor saken? Sino? At kung meron man, anong dahilan?
Bumalik nalang ako sa pagkakaupo at tumingin-tingin sa mga papeles na dapat kong pirmahan.
I thought of Secretary Jane. Hindi man lang nagpaalam na liliban siya ngayon.
Tinawag ko nalang yung Assistant Secretary para tanungin.
"Where's Secretary Jane? Do you know where is she right now?" I asked her calmly
Well, I'm doing that as always. Ayokong katakutan ako ng mga empkeyado ko.
"U-uhm, h-hindi k--ko po alam, Sir." medyo nauutal niyang sagot
Do I really look intimidating?
"Okay. Hindi kasi siya nagpaalam saken na liliban siya ngayon. Anyway, you can go." matapos kong sabihin yun ay umalis agad siya nang hindi man lang ako nililingon
Napailing nalang ako.
Pinagpatuloy ko nalang ang pagpirma ng mga papeles hanggang sa matapos ako. Inunat ko muna ang leeg ko bago tumayo at inayos ko rin ang suot kong business suit.
Agad na akong lumabas ng opisina at dumiretso sa kotse. Bago ko napaandar yung engine, nakita ko si Secretary Jane na may kausap na dalawang lalake habang nakasakay sa motor.
Sinigawan niya ito pero hindi ko naman masyadong marinig. Anong pinag uusapan nila? Maya-maya pa, may inabot siya sa mga ito at agad naman itong kinuha nung may hawak ng manibela.
Naka helmet sila kaya hindi ko makita ang mga mukha nila. Napapamasahe pa si Secretary Jane sa sentido niya.
Siguro mga kapatid niya yan. Baka humihingi ng tulong.
Sa pagkakakilala ko sa kanya, matulungin kasi siya. Una ang pamilya kesa sa sarili niya.
Hindi ko na tinapos pa ang pakikinig sa usapan nila. Pinaharurot ko nalang ang sasakyan papuntasa isang restaurant. Hindi na ako nagsama pa ng bodyguards para makakilos nama ako ng gusto ko.
Pagdating ko sa restaurant ay agad na akong umorder. Hindi ko naman talaga akalain kung sino ang makikita ko dito.
Si Victoria, ang malandi kong asawa kasama ang kabit niya.
Agad nalang uminit ang dugo ko kaya bago pa nila makita ay lumabas na ako. Sayang ang order ko pero ayoko silang makita ng mas matagal. Hanggang ngayon, kinamumuhian ko parin siya.
Hindi paman ako nakakapasok sa kotse ay nahabol na ako nung crew.
"Sir, nakalimutan niyo pong bayaran yung orders niyo." sambit niya
Kumuha ako ng 5k sa wallet sa binigay sa kanya na agad namang ikinalaki ng mga mata niya.
"Sir, sobra p--" hindi ko na siya pinatapos
"Keep the change. I'm on a hurry." malamig kong tugon sa kanya at pumasok na sa kotse
Agad ko iyong pinaharurot. Lumayo ako sa restaurant na yun dahil kung hindi ko gagawin, baka kung ano pa ang magawa ko sa kanilang dalawa.
Ang saya-saya ng malanding yun samantalang ang miserable ng buhay namin ng anak ko.
Walanghiya siya!
....
BINABASA MO ANG
Stupid Mistake (WILL BE EDITED SOON)
Teen FictionTHIS STORY DO NOT FOCUS ON FAIRY TALES BUT ON DECISIONS, ACTIONS AND SURVIVAL. Alamin ang patutunguhan ng kanilang kwento. Kent Luis Mendoza and Raniella Dela Cruz's story P.S: This story is UNEDITED so expect some errors.