Mr. Ken's POVMatapos ang mga nangyari, finally ay nabalik narin sa dati ang takbo ng Kingdom Towermall. Napa renovate ko narin yung building and thankful ako sa tulong na ibinigay ni Mr. Sy.
I can't really imagine how Jane- I mean Diana did that in my company. Hindi ko rin maisip na nakipagsabwatan rin sa kanya ang nasa auditing para lang maisakatuparan ang plano.
Ganun paman, I still have the guts to seek for truth. Pinuntahan ko siya sa presento para kausapin.
Nang makalabas siya, hindi siya agad nakakilos nang makita ako. She looked surprised or may shocked to see me in front of her.
"Maupo ka." just like before, I tried to calm down every time na nagkikita kami
For God's sake, she almost got me killed in the building.
"Secretary Jane, why are you here? Wala ka nam--" hindi ko natapos ang sasabihin nang biglang sumulpot sa likuran niya ang tatlong lalake
Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya na nakangisi. Taas ang kilay habang nakatingin saken.
"What's this? Anong ibig sabihin nito? napaatras ako at akmang bubuksan ang compartment ng table nang bigla na lamang niya akong barilin sa braso
"It's time to pay your debts, Mr. Ken." malamig niyang tugon
Napapaungol ako sa sobrang sakit ng balikat ko. Napatingin ako rito at kita ko ang pagragasa ng sarili kong dugo sa sahig. Laglag ang balikat ko at hindi ko man lang ito kayang iangat dahil pakiramdam ko, namamanhid na ito dulot ng natanggap kong tama.
"What debts? Ano bang pinagsasasabi mo Sec--" hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko nang bigla na lamang akong hilahin nung dalawang lalake
"Let me go! I said, let me go!" sigaw ko at pilit na nagpupumiglas
Hawak nila ang magkabila kong braso at inilagay ito sa likod ko. Pagkatapos, sinipa nung isa ang likuran ng tuhod ko kaya napaluhod na ako ngayon sa kanya
"Grabe Mr. Ken, nakalimot ka na agad? Ang bilis ah!" tapos tunatawa siya ng mahina
I can't still get it. Ano bang sinasabi niya?
Maya-maya, may kung ano siyang hinugot sa bulsa niya at iniharap ito sa akin. Bahagya akong napanganga sa nakita ko.
"Oh ano? Naaalala mo na ba siya? Naaalala mo na rin ba ang kagaguhang ginawa mo sa kanya?!" singhal niya saken na halos idikit na ang litrato ni Desiree sa mukha ko
Oo, naaalala ko siya. Siya yung babaeng mas piniling magparaya. She's been my friend way back in college. Sa bawat oras na magkasama kami, akala ko wala lang yun pero nag confess siya saken ng feelings niya.
"Ayos lang kahit hindi mo rin ako magustuhan Ken. Hayaan mo lang akong maramdaman to sayo. Promise, hindi ko ipipilit." nakangiting sambit niya saken noon pero nakangiti man, alam kong nasasaktan siya
"Secretary Jane, I know her pero matagal na kaming hindi nagkikita." sa sinabi kong yun, bigla na lamang siyang napangisi habang tinitingnan ako
"Natural, hindi na talaga kayo magkikita dahil wala na siya. Nag suicide siya dahil sayong hayop ka!" matapos sumigaw, nakita kong umagos ang mga luha niya
"Secretary Jane, what do y--" hindi ko na naman natapos ang sasabihin nang bigla niya akong sinampal at tumalikod siya.
Naramdaman ko ang hapdi sa mukha ko pero mas nangingibabaw ang sakit na nasa kalooban ko ngayon.
BINABASA MO ANG
Stupid Mistake (WILL BE EDITED SOON)
Teen FictionTHIS STORY DO NOT FOCUS ON FAIRY TALES BUT ON DECISIONS, ACTIONS AND SURVIVAL. Alamin ang patutunguhan ng kanilang kwento. Kent Luis Mendoza and Raniella Dela Cruz's story P.S: This story is UNEDITED so expect some errors.