Kabanata 9

1K 22 0
                                    


Bago natapos ang klase, ipinaalam ng teacher namin sa Music and Arts na specifically nina Kent na may performance daw sila next week.

Para yun sa pag welcome sa pagdating ng President ng school para bumisita. Since minsan lang daw nakakadalaw ang President dito, naisipan ng mga staff na aliwin ito gamit ang mga talents ng mga estudyante.

"Umaasa ako sa inyo kaya wag niyo sana akong bibiguin." sabi ng guro

Pagkatapos ng klase, dumiretso ako sa locker para ilagay dun ang ibang gamit na dala ko.

Nakasabay ko sina Pinky at ang mga alalay niya. Nilalagay din nila yung mga gamit nila sa kani-kanilang locker.

Hindi ko nakasabay si Edward dahil pinapapunta siya ng school Principal.

"Hay naku, may naaamoy ba kayo girls?" pasingit ni Pinky at kunwaring may inamoy amoy

Alam kong ako ang pinariringgan niya. Wala naman kasing ibang tao dito.

"Oo nga no? Mukhang nabubulok na basura. Yan ata yung tinapon ni Papa Kent eh." sabi ni Maurice tapos sabay silang tumawa

Yung isa sa kanila na si Maureen, kapatid na Maurice ay parang wala lang. Naka headset lang ito at nakikinig ng music.

Napansin ito ni Maurice kaya binatukan niya ito at sinamaan ng tingin. Sinasabi ng mga mata ni Maureen na sabayan sila sa pagtawa.

Napatawa nalang din si Maureen. Halata naman na nakikisabay lang sila sa trip ni Pinky.

Hindi ko pinansin ang mga sinabi nila. Sinara ko nalang yung locker ko at tatalikod na sana nang hawakan ni Pinky ang buhok ko ng mahigpit.

"A-aray! Bitawan mo nga ako, ano ba!" napahawak ako sa ulo ko habang hinihila iyon ni Pinky

Napapansin ko rin na parang nagui-guilty yung magkapatid sa nakikita nila pero agad nagbabago ang ekspresyon ng mga mukha nila kapag nakatingin sa kanila si Pinky.

"Bastos kang babae ka! Kinakausap kita kaya wag mo'kong tatalikuran!" tinulak niya  ako sa locker kaya tumama dun ang likod ko

Pakiramdam ko nabali yung spinal cord ko dun ah.

"Ano bang problema mo, Pinky? Nanahimik ako kaya pwedi ba wag kang panira ng moment?!" mas lalo ko pa siyang inasar

Nakakainis narin ha? Matagal-tagal narin na hindi kami nagtatapat ni Pinky. Simula kasi nung sinagot ko si Kent, wala nang nakakalapit saken para saktan ako.

"Aba, san mo hinuhugot yang tapang mo? Ang lakas ata ng loob mong sagut-sagutin ako? Tandaan mo, hiwalay na kayo ni Kent kaya wala ng magtatanggol sayo!" sigaw niya saken

Langya! Pinapamukha pa talaga saken. Alam ko naman yun eh. Wala na kami kaya hindi niya na yun kailangan pang isigaw. Isa pa, hindi naman ako bingi para sumigaw pa siya at dahil narin sa pag sigaw niya, nakuha nun ang atensyon ng ibang estudyante.

Nakatingin sila sa direksyon namin. Nanonood at nagbubulungan.

Nakakahiya. Bumibilis ang tibok ng puso ko. Mabilis ko silang tinapunan ng tingin. Yung iba naaawa saken, yung iba naman nakangisi lang.

"Uhm Pinky, tama na siguro yan. Umalis nalang tayo." suhestyon ni Maureen sa kanya

Napatingin naman sa kanya si Pinky na kunot ang noo habang sinamaan naman siya ng tingin ni Maurice.

"Ako na'ng aalis. Wala rin namang magandang patutunguhan ang usapan na to." mahinahon kung sabi at inayos ang suot ko

Hinaplos haplos ko rin yung buhok ko dahil baka habulin na ako ng suklay nito. Siguradong bubulyawan na naman ako ng Kleah na yun pag magulo tong buhok ko.

Stupid Mistake (WILL BE EDITED SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon