Kabanata 31

584 12 2
                                    


Yey, finally we reached Kabanata 31 !! Few chapters to go...

After a few days passed, nagdesisyon narin si Ran na umuwi na sa bahay nila. Nakapagpalamig narin naman siya at okay na ang loob niya ngayon.

"Salamat po sa tulong niyo, Manang." sabay yakap dito

"Thank you din po. Ang sarap rin po ng luto niyo, promise!" singit naman ni Kleah sabay lagay sa supot nung pinabaon sa kanya ni Manang

"Thank you po sa pag aasikaso niyo samin. Walang halong kaplastikan, ang sarap niyo pong pakisamahan." sambit naman ni Karyll sabay bigay ng yakap kay manang

Pagdating nila sa labas, hinabol pa sila ni Denden para makapagpaalam.

"Bye po sa inyo mga magagandang prinsesa, ingat po sa biyahe!" napangiti nalang silang tatlo

Napakamasiglang bata niya. Mahilig din itong ngumiti at nakakadagdag yun sa ganda niya.

Nang nasa biyahe na sila, magkatabi silang tatlo sa upuan. Nasa gitna si Kleah at nakanganga pa ito habang nakasandal kay Karyll. Tulog na ito kaya hindi narin nila ginising. Tahimik lang sila at ayaw Karyll ng ganun.

"Uhm, yung kagabi nga pala." medyo nag aalangan pa siya

Kagabi kasi, inamin na niya yung tungkol sa ugnayan niya kay Dylan at yung plano nila kay Kent.

Nilingon naman siya ni Ran at nginitian.

"Ang tungkol dun? Forget it, bes. Kalimutan na natin yun, hindi naman nangyari, diba? At yun ang mahalaga." nakangiti nitong sambit sa kanya

Hindi mapigilan ni Karyll na mapangiti dahil sa sagot na yun ni Ran sa kanya. Mabuti nalang at mayroon siyang kaibigan na tulad niya. Madaling kausap, mabait, madaling magpatawad at marunong makinig.

Maling mali siya nang pinili niyang traydorin ito.

Kahit kailan, hindi niya naisip na ginusto niyang maging kaibigan si Ran. Hindi niya rin akalain na sa sama ng ugali niya ay nakisamahan siya ni Ran at natiis.

"Thank you, Ran." nakangiti siya at nakatitig sa mga mata nito. She wanted Ran to see her sincerity

"For what?" tanong nito na nakakunot ang noo

"For being a good friend."

Matapos nilang mag usap, mga ilang minuto lang ay nakatulog narin si Ran. Dahil hindi naman nakakaramdam ng antok, tinawagan muna ni Karyll si Edward.

"We're on our way."

Tuluyan lang na nagpahinga sina Ran at Kleah. Si Karyll, hindi na nag abala pang matulog dahil gusto niyang ma enjoy ang pagtingin tingin sa mga lugar na nadadaanan nila.

Masaya namang lumabas si Warren ng ospital dahil finally, makakauwi narin siya. Sinamahan parin siya ni John pauwi dahil baka mabinat daw ito lalo na't kalalabas pa.

Matapos nilang magpaalam kina Kent ay dumiretso na sila sa bahay ni Warren.

"Uy, miss mo 'ko no?" pang aasar ni Warren kay John habang nasa sala

"Tumigil ka nga diyan! Kadiri oh!" sagot sa kanya ni John sabay lipat dun sa kabilang sofa

"Eto naman, naglalambing lang eh."  kunwari pa nito na nagtampo sabay simangot

"Gago, mukha kang bakla niyan!" sigaw ni John at tumawa ng malakas

Nagtawanan lang silang dalawa. Nililibang na muna nila ang sarili sa panonood ng basketball habang hinihintay ang parents ni Warren

Stupid Mistake (WILL BE EDITED SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon