Two days nang naka confine sa ospital si Mr. Ken at ganun din si Florens. Si Adrian na ang bahalang nag asikaso ng mga dapat asikasuhin at madali lang para sa kanya yun since ang pamilya niya ang may ari.Sa private room niya pina confine ang dalawa at nag assign din siya ng doctor at nurses na tutingin sa kanila.
Si Warren at John naman, abala sa pagbabantay kay Kent dahil siguradong tatakas ito anumang oras. Ni hindi na nga sila makatulog dahil focus ang atensyon nila sa binata.
May kasama naman silang pulis pero hindi sila kuntento na pulis ang magbabantay sa kanya.
Sa kabilang banda naman, sikretong nakipagkita si Karyll kay Dylan. Ang dahilan kung bakit dumidistansya sa mga kaibigan si Karyll ay dahil sa desperada na siyang mahalin ni Dylan pero sa isang kondisyon.
She must kill Kent as early as possible.
Dapat walang ibang makakaalam na gagawin niya yun.
"Kill him for me and I promise, I'll try to love you back with all my heart."
Tinatak niya sa isipan niya ang mga salitang yun ni Dylan.
Habang naglalakad, palingon lingon si Karyll sa paligid. Gusto niyang makasigurado na walang ibang makakakita sa kanya. Sinigurado niya rin na walang ibang makakakilala sa kaya kaya nagsuot siya ng cap, jeans at hoodie na puro black.
Hindi narin siya nag abala pang gamitin ang sasakyan na bigay sa kanya ng Dad niya.
Papunta siya ngayon sa parking lot ng Kingdom Towermall. Dun ang lugar na napag usapan nila ni Dylan para sa plano nilang dalawa pero habang naglalakad siya, biglang may humablot sa braso niya at kinaldkad siya papasok ng mall. Agad siyang hinila ng lalake papunta sa loob ng private elevator.
"What do you think you're doi--" hindi siya nakatapos sa sasabihin nang makilala ang lalakeng kumaladkad sa kanya
"You two, planned to kill me huh? What the fuck is this, Karyll?" malamig na sambit ni Kent sa kanya
Napatakip ng bibig si Karyll sa sobrang gulat niya na makita si Kent. Hindi niya akalaing masusundan siya nito. She knows that she tried to be very careful. How come na nasundan parin siya?
Nang magbukas ang elevator, pumasok sila sa opisina dun at nandun si Edward.
Mahigpit ang hawak ni Kent sa braso ni Karyll kaya nasasaktan na ito.
"You're hurting me!" she whispered to Kent pero tinapon lang siya nito sa sofa
"Edward? Bakit ka nandito?" pasigaw na tanong niya habang masamang nakatingin kay Edward na katabi ni Kent ngayon
"I've heard you and Dylan talk, Karyll. Kasabwat ka niya." biglang kinabahan si Karyll sa mga salita ni Edward
Mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya nang masulyapan si Kent na masamang nakatingin sa kanya habang nakacross arm
"So anong plano niyong dalawa ha? Ipakukulong niyo ako?"
"No, definitely not Karyll. Common, you still have the chance to make things right." sumandal si Karyll sa sofa pero hindi na nag abala pang tumingin kay Kent
"I don't think so, Edward. Pag nalaman ni Dylan ang tungkol sa usapan nating to, he will surely kill me, gets mo ba yun?" sarkastikang sagot niya
"I know you, Karyll. Being selfish is not your attitude. Think of Raniella, you've been friends for a long time. Sisirain mo lang dahil sa pansariling interes? Common, look at me. You know how much I love your friend." panimula ni Edward sabay sulyap kay Kent na nakatingin din pala sa kanya. Nakinig lang si Karyll
BINABASA MO ANG
Stupid Mistake (WILL BE EDITED SOON)
Teen FictionTHIS STORY DO NOT FOCUS ON FAIRY TALES BUT ON DECISIONS, ACTIONS AND SURVIVAL. Alamin ang patutunguhan ng kanilang kwento. Kent Luis Mendoza and Raniella Dela Cruz's story P.S: This story is UNEDITED so expect some errors.