Matapos ang klase nina Ran ay dumiretso na sila sa canteen para kumain. Parang dati lang nilang ginagawa. Parang walang masamang nangyari sa mga nakaraang araw.
"Excuse me, mauna na ako." walang ganang sambit ni Karyll at tumayo na
Nagkatinginan lang sina Ran at Kleah. Ni hindi man lang sila nakapagsalita pa dahil dire-diretso itong naglakad palayo
"Ran, napansin mo rin ba?" tanong ni Kleah sa kanya and she looks so serious
"What?" biglang niyang sagot pero inirapan lang siya ni Kleah. Para bang na disappoint ito sa sagot niya
"Tsk! Ang slow mo rin nuh? Can't you notice how she's doing lately? She's acting strange!" sigaw niya
Napapaisip lang si Ran sa mga nasabi ng kaibigan at hindi na nagtangkang magsalita. Habang papunta na sila sa locker ay nakasalubong nila sina Pinky pati na ang magkapatid na Maurice at Maureen.
"Let's go forward, ayoko ng away. Baka masira ang mood ko ngayon girls." walang ganang sambit ni Pinky sabay flip hair. Nagkatinginan naman ang magkapatid
"Himala ah, umiwas siya." nakangiting sambit ni Kleah habang nilalagay sa locker yung mga dala niyang libro
"Yeah, himala nga." walang ganang sagot ni Ran sabay sara sa locker
Napansin din ni Ran na hindi na masyadong lumalapit si Pinky sa kanila at hindi narin ito nang-aaway.
"Ano kayang nangyari kay Pinky?" sa isip ni Ran
Pati ang presensya ni Dylan, tumahimik din. Three weeks na pero wala parin itong paramdam.
Sina Kent naman pati ang tropa ay hindi masyadong pumapasok. Ang sabi ni Kleah kay Ran ay sa opisina daw ng Daddy ni Kent ang tambayan nila ngayon. At kung anong dahilan? Yun ang hindi alam ni Ran.
"Bes, hatid na muna kita." suhestyon ni Kleah sa kanya
"Wag na, you've done enough Kling. Kaya ko ng umuwi mag-isa. Okay lang ako."
"Wag ka na ngan--" Edward cut her off kaya pareho silang napatingin dito
"Edward? Anong ginagawa mo dito? May klase ka pa, diba?" Ran's forehead knitted as she asked him
"Oo nga. Wag mong sabihing hindi ka pagpasok sa last subject mo?" with high eyebrows, kleah asked him
"It's okay. Kaya ko namang habulin agad ang klase." sagot nito sabay kindat sa dalawa
Napatango lang si Ran.
"Okay ah, matalino ka naman kaya ayos lang." pag sang ayon ni Kleah
Nauna nang umalis si Kleah kaya sumunod narin sina Ran. While on their way, they're both silent. Walang nagtangkang magsalita.
"Ran, can I take you for dinner?" biglang tanong ni Edward at inihinto ang sasakyan sa tapat ng restaurant
Tumingin lang si Ran sa kanya at ngumiti.
"Okay lang." sabay ngiti
Agad na silang pumasok sa restaurant at umorder. Kumain lang sila ng tahimik.
"Kumusta ka na?" hindi tumitingin sa kanya si Edward kaya hindi nito napansin na nakatingin siya sa kanya
"I'm okay. I feel safe kahit paano." nakangiting sagot niya
After nun, natahimik na naman sila. Pagkatapos nilang kumain, naglabas ng pera si Ran para sa bill pero pinigilan siya ni Edward.
"I won't let you pay for this. Just let me, okay?" tapos binayaran na niya ang bill
BINABASA MO ANG
Stupid Mistake (WILL BE EDITED SOON)
Teen FictionTHIS STORY DO NOT FOCUS ON FAIRY TALES BUT ON DECISIONS, ACTIONS AND SURVIVAL. Alamin ang patutunguhan ng kanilang kwento. Kent Luis Mendoza and Raniella Dela Cruz's story P.S: This story is UNEDITED so expect some errors.