Mga ilang oras lang ang binyahe nina Kleah at Karyll kaya agad rin silang nakarating sa probinsya kung saan temporary na namamalagi si Ran."Hoy, babae ka! Miss na miss na kita!" sigaw ni Kleah habang tumatakbo palapit kay Ran na naka heels pa
Todo tuloy ang pag iingat niya dahil baka matapilok pa siya. Nakakahiya pa naman dahil andaming nakatingin sa kanila.
Nakangiti naman silang sinalubong ni Ran sabay yakap sa mga ito.
"I miss you more." sambit niya tapos nag group hug silang tatlo
Panay ang pag nguso ni Kleah sa kanya dahil bakit hindi man lang daw siya nagpaalam.
"Alam mo bang iniwan naming hindi tapos yung project para makapunta dito?! Hmmp, nakakainis ka ha? Di ka man lang nag text!" kunwaring galit at may pa rolled eyes pa si Kleah
Si Karyll naman, pormal lang. Wala pa siyang lakas ng loob na maging bitchy ulit hangga't hindi niya pa nakakausap si Ran tungkol sa pagkakamali niya.
Abala naman si Manang para makapaghanda ng makakain nila at para makapagpahinga narin.
"Mga mahal na reyna, handa na po ang hapunan." bigla namang sumingit sa usapan nila yung apo ni Manang na babae sabay yuko na parang prinsesa
Na amaze naman si Kleah sa kanya dahil bukod sa isa itong magandang bata ay napaka cute pa.
"Maraming salamat. Maaari bang sabayan mo kami?" sinabayan narin lang ni Kleah ang sinabi nung bata at yumuko rin
Nagtawanan narin silang tatlo
Pagkatapos nilang maghapunan ay inihanda narin ni Manang ang mahihigaan nila.
"Naku, pagpasensyahan niyo na itong bahay namin ha? Eto lang talaga yung maibibigay ko sa inyo. Pagpasensyahan niyo narin dahil wala akong maihahandang kama pero mayroon naman akong makapal na kumot tsaka bagong laba pa yan." medyo nahihiya pa si Manang bago iabot ang kumot sa bagong dating na bisita
Pinaghandaan niya naman talaga ang pagdating nito kaya nilabhan niya agad ang bagong kumot na dala niya. Nakakahiya naman dahil anak mayaman ang mga ito.
"Si Manang talaga oh, ang others. Hindi naman po kami maarte kaya okay lang po yan. Don't ya worry po." nakangiting sambit ni Kleah
"Oo nga po. Anyway, thanks po pala para dito." sambit naman ni Karyll
Nakangiti lang si Ran habang nakatingin sa dalawa. Hindi niya akalain na pupuntahan siya ng mga kaibigan niya lalo na sa ganitong lugar.
"Magpahinga na kayo diyan, ha? Siguradong napagod kayo sa biyahe. Pag may kailangan kayo, sabihin niyo lang saken. Nasa kabilang kwarto lang ako ha?" sambit nito bago umalis
Kinabukasan, agad pinapuntahan nina Kent sa mga pulis ang lungga nina Dylan pero wala na silang inabutan doon. Base sa mga pulis, mukhang maaga itong umalis para tumakas.
"Bakit hindi niyo nireport agad?" tanong ng Dad ni Kent habang sinusuot ang jacket nito
Ngayon na kasi siya ilalabas sa ospital at sa bahay nalang tuluyang magpagaling.
"We can't, Dad. Hawak nila si Maurice that time." sagot ni Kent habang nakasandal sa pader malapit sa pinto
"Maureen." Pagtatama ni Florens sa kanya
"I mean, Maureen."
"Okay. Mag iingat nalang kayo, anak. Siguradong gaganti ang mga yun." pag reremind sa kanya ng Dad niya sabay tapik sa balikat niya
Pag alis ng Dad niya, pinasama niya lahat ng pulis just in case na makasalubong nila ang mga tauhan ni Jane.
Si Warren naman, naka confine siya dahil baka daw ma impeksyon ang sugat niya. Nakabantay lang sa kanya si John at hindi siya iniwan dun ng mag isa.
BINABASA MO ANG
Stupid Mistake (WILL BE EDITED SOON)
Teen FictionTHIS STORY DO NOT FOCUS ON FAIRY TALES BUT ON DECISIONS, ACTIONS AND SURVIVAL. Alamin ang patutunguhan ng kanilang kwento. Kent Luis Mendoza and Raniella Dela Cruz's story P.S: This story is UNEDITED so expect some errors.