"Maaayyyyaaaannnggg!!!" Sigaw ng kanyang ina na nagpa alingawngaw sa loob ng munti nilang bahay.
"Bakit po nanang?" Hingal na sabi nito at nakahawak pa sa tuhod nya . Ikaw ba naman tumakbo hindi ka ba mapapagod?
"Tattay ka pela pukpukawan. Saan ka ba nagsusuot ha?!" Muryot na sabi ng kanyang ina.
(translation: kanina pa kita tinatawag)
"Ahm- eh kasi po-eh ano..." Sabi nito at parang kinakabahan dahil sa titig ng kanyang ina na parang mangangain ng buhay.
"Nakipaglaro ka na naman ba sa mga bata?!!" Sigaw parin nito kahit nasa malapit na sya kaya napatakip sya ng tainga.
"Nanang naman ang dito lang naman ako makasigaw ka naman" aniya "Alam mo nanang?ang ganda ganda mo lalo na kapag hindi ka galit."pambobola nya sa ina nya na nakapagpangiti dito.
Pinaipit pa ng ina nya ang gahibla ng buhok nya na nakatabing sa mukha nya sa likod ng tainga nito at nakangiti pang pabebe.
" Ayy! Maliit na bagay--"nang parang naproseso nito ang pangbobola ng anak ay agad nya itong piningot.
dO_Ob
"Ikaw na bata ka!!!wag na wag mo kong bobolahin" muryot nito habang hila hila parin ang tainga ni Mayyang at walang tigil rin ang pag hiyaw nito dahil sa paghila sa tainga nya.
"Dalaga ka na at hindi bata kaya wag na wag ka ng makikipaglaro sa mga bata" sabi pa nito tsaka tinanggal na ang pagkakahawak sa tainga nya kaya nakahinga sya ng maluwag.
Malapit sa bata si Mayyang makakita lang sya nito ay walang pag iisip na lalapitan at makikipagkaibigan agad. Kahit masungit ang bata kaya nya itong paamuhin at makalipas lang ang ilang sandali ay naglalaro na sila.
Sa halip na kapwa dalaga't binata ang kasama nito ay hindi kundi mga bata pa. Kahit minsan pinipintasan na sya dahil isip bata raw ito. Nasasaktan naman sya pero hindi nya ito pinapahalata at tuloy lang sa ginagawa.
"Ihhh nanang naman" reklamo nito sa ina "Kapag umangal ka kukurutin ko singit mo"
"May sinabi ba akong hindi?wala ah nanang ikaw lang yata ang nag i-ilusyon" palusot nito at ng akmang kukurutin na sya ng ina ay syang pagdating ng kanyang ama kaya tumakbo ito patungo sa kanya at yumakap.
"Tatang oh si nanang pinapagalitan na naman ako" nakangusong pagsusumbong nito sa kanyang ama.
"Oh?ano na naman ginawa mo sa anak natin mahal?" Sabi ng kanyang ama kaya sinamaan sya ng tingin ng kanyang ina kaya nagtago sya sa likod nito.
"Eh yang anak mo mahal!!!naku nakikipaglaro na naman sa mga bata"
"Hayaan mo na mahal" paglalambing ng kanyang ama sa kanyang ina at niyakap ito. Kaya napangiti si Mayyang.
"Yan ka na naman Rohelyo kinakampihan mo na naman yang anak mo kaya hindi yan nakikinig sa akin eh." Sermon ng kanyang ina na tinawanan lang ng mag ama.
d^_^b
"Hayaan mo na mahal konting araw na nga lang natin syang makakasama ganyan ka pa" mula sa pagtawa ay agad napawi ito sa labi ni Mayyang sa narinig.
dO_ob??
"A-ano po tatang?" Parang ayaw maniwala nito sa narinig. Napabuntong hininga ang kanyang ama at ina "Mag aaral ka na raw sa manila anak. Nakapasa ka sa bord eksam nyo."paliwanag ng kanyang ama kaya para syang nabato sa kinatatayuan.
Ang akala nito ay doon parin sya mag aaral kapag nakapasa sya ang kaibahan lang ay libre ang tuition fee pero nagkamali sya.
" P-pero po pwedeng dito lang naman ako ah?"sabi pa nito pero ngumiti lang ang kanyang magulang at niyakap sya.
BINABASA MO ANG
Mahal kita, alam mo ba...(Mayyang)
Teen Fiction[Completed] (First to read.) "Know your worth, and stop giving discounts to others."