Chapter 56

1 0 0
                                    

Mayyang 'Ganda' Pov

Pagka alis na pagka alis nila nanang ay agad na akong naglinis sa loob ng bahay. Maaga silang umalis para pumunta sa kirida ni tatang.

Tulog pa sila Nikki kaya ako lang ngayon ang andito. Mamaya pagkatapos kong maglinis sa bahay ay ibinilin ni nanang na maglaba muna raw ako dahil nakaligtaan niya noong isang araw kaya pumayag na ako.

Hindi narin ako maglilinis sa bakuran dahil tapos na raw ni nanang.

Nakapagkape narin ako at sinamahan ng pandesal kaya solb na solb na ako.

Kinuha ko na ang mga lalabahan at pumunta sa labas,sa gilid ng bahay dahil ang doon ang balon. Medyo may karamihan ang mga lalabhan kaya sisimulan ko na.

Kinuha ko na ang balde at agad inilusob sa balon para makakuha ng tubig para sa paglalaba.

Bukas nalang siguro ako mag i-igib para sa paghugas at pangligo dahil meron pa naman tubig sa loob.

"Maglalaba ka?" muntik ko ng mabitawan ang tali dahil sa biglaang sulpot ni Jiminne.

Sinamaan ko siya ng tingin at ipinagpatuloy ang paghila sa balde.

"Hindi ba halata?" pasiring na sabi ko at wala pang ilang segundo ay tinutulungan na niya ako sa paghila sa balde. Medyo may kalakihan kase.

Natabunan ng kamay niya ang kamay ko dahil ang hinahawakan kong tali ay siyang hinahawakan din niya. Agad bumilis ang tibok ng puso ko at pinagpawisan na ninenerbyos kaya agad akong kumalas doon para siya na ang humila.

"M-maglalaba na ako."tsaka ako dumeretso sa mga palanggana para ilagay na doon ang mga labahan.

Naglalagay na siya sa palanggana ng tubig kaya umupo na ako sa isang bangkito at nagbanlaw na para malabahan. Tahimik lang ako habang tinitikom ang bibig para hindi makapagsalita.

Pagkatapos banlawan ay naglagay na ako ng powder para makapaglaba na. Siyempre pinaghiwalay ko ang mga itim,puti at mga dekolor.

"I'm sorry." natigilan ako sa pagkukuskos sa sinabi niya.

"Para saan?"

"For everything.  Alam kong masasakit ang salitang binitawan ko sayo dahil siguro ang alam ko'y pineperahan mo lang ako at hindi talaga gusto." tsaka siya kumuha rin ng bangkito at umupo doon.

Gusto ko ngang matawa dahil ang laki laki ng katawan kaya halos konti lang ang naupuan niya.

"Ayos na yun. Pinatawad na nga kita diba." nakangiting sabi ko.

"Wag kang ngumiti kung napipilitan kalang." napawi naman ang ngiti sa akin mg labi at bumuntong hininga.

"Can you still give me a chance?"

"Tsans? Saan?"

"To be with you."

"Kasama na nga kita dito diba. Naglalaba pa nga tayo." gusto ko ngang mamangha dahil alam pala niya maglaba akala ko kasi puro masasakit lang na salita alam niya eh.

"No, that's not what I mean. Tayo. Tayong dalawa pwede pa ba?" napatigil ako sa pagkukuskos at tinignan siya sa mata.

Nakikita kong nababalisa ang mga mata niya habang nakatingin sa akin kaya agad niya itong iniiwas.

Natawa ako na parang may nakakatawa talaga. "Hindi na."

Napaawang ang labi niya at napatingin sa akin ng hindi makapaniwala.

"Mayyang...What do you mean?"

"Kaya kitang patawarin Jiminne."diniinan ko ang pangalan niya."Pero ewan ko kung kaya pa kitang bigyan ng tsansa."

Hinawakan niya ang kamay ko kahit na may bula ito. Parehas din naman kaming may bula ang kamay.

"Please. Please. Mayyang give me one more chance promise lahat lahat gagawin ko para sayo kung anong gusto mong ipagawa gagawin ko."

"Layuan mo ako. Yun ang gusto ko."

"No. No Mayyang. Wag lang yan please."

"Akala ko ba gagawin mo lahat ng gusto ko?"

"Yes I can do anything you want pero wag lang ang layuan ka. Hindi ko na kaya yun." nagmamakaawang sabi niya.

Malungkot narin ang kanyang mga mata na parang nahihirapan na. Wala pa nga akong ginagawa nahihirapan na...

Oh!

Sandale!

Hahaha may naisip ako.

"Talaga bang gagawin mo lahat ng gusto ko?"ngingising ngising sabi ko.

Nakita niya ang mapaglarong mata at labi ko kaya napalunok siya. Mukhang nag aalinlangan kung o-oo ba siya o hindi.

"Ahmm."

"Okay kung ayaw---"

"No no no. Yes gagawin ko lahat ng gusto mo."

Tinaasan ko siya ng isang kilay."Napipilitan ka yata eh."

"H-hindi ah. Ano bang gagawin ko?"

"Bukas."

Pagkalipas ng ilang minutong katahimikan ay nagsalita siya.

Nagpapatuloy narin kasi kami sa paglalaba. Lalo na't medyo marami nga.

"Tayo na ba?"

"Mukhang nakakalimutan mo na. Hindi ba't ayaw mo sa easy to get ?Kaya ibibigay ko sayo kung gaano kahirap ang manligaw ng isang katulad kong probinsyana. " napapalunok siya tumingin sa akin.

Akala niya maiisahan niya ako. Uy! Mas malinaw pa sa kabayo ang memorya ko ulol.

Pagkatapos naming maglaba ay magsasampay na.

Tumayo na ako ganon din siya. Agad akong kumuha ng mga hanger at ipit para sa mga nalabhan.

Hu!

Napagod ako doon ha!

Habang abala kami sa pagsasampay at medyo naiirita na ako sa sobrang tahimik inis akong lumingon kay Jiminne.

Halos lumuwa ang malalaki kong mata sa hawak hawak niya ngayon at pinagmamasdan niya ito at hindi pa nakuntento hinawakan niya pa ang garter nito at in- stretch !!!

Walang pakunda kundangan akong lumapit sa kanya at inagaw ang salawal ko.

"Napaka bastos mo!" inis na sabi ko.

"Sayo pala yan? Ang kyut ha kulay pink." nakangising sabi niya. Habang ako halos mangamatis na ang mukha dahil sa sobrang kahihiyan.

"Wag mo ngang pakialaman ang mga salawal ko! Yang mga damit ang isampay mo." tsaka na ako tumalikod sa kanya dahil nasisigurado kong mapapansin niya ang mukha kong mapula.

"Okay po. Gusto mo bilhan kita ng isa pang panty na barbie ang print?"

Agad ko siyang binato ng hawak kong ipit dahils a sobrang inis.

Siya naman ay humagalpak ng tawa dahil alam niyang naiinis na ako. Ito talaga ang kilala kong Jiminne laging nang iinis bwisit!

Kasalanan ko bang barbi ang nakasulat sa likod ng salawal ko. Si nanang ang bumili niyan at hindi naman ako nagrereklamo sa mga ibinibigay niya. Pero ngayon gusto kong batukan si nanang dahil alam naman niyang maganda akong dilag barbi pa ang kinuha niyang salawal ko.

Naririnig ko pa ang tawa ni Jiminne kahit nagsasampay na kaya agad ulit akong lumapit sa kanya.

At doon ko natantong hawak niya ulit ang isa pang salawal ko na may nakasulat namang dora!!!

"Jiminne!!!!" sigaw ko at akmang kukunin na ay tumakbo siya kaya naman ay padabog kong ibinaba ang hanger na hawak at hinabol siya.

"Ibigay mo yan animal ka!"

"Hindi mo naman sinabi na mahilig ka sa mga pambata na pati panty mo ganun din." hinihingal na tumatakbong tumatawang sabi pa nito kaya mas binilisan ko pa ang takbo ko.

"Jiminne sabing ibigay mo yan eh!"

Mahal kita, alam mo ba...(Mayyang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon