Chapter 11

18 0 0
                                    

Mayyang 'Ganda' Pov

"Eh kinindatan ka ni Pader eh" nakangusong sabi ko.

"Tss wala 'yun halika na nga" tsaka nya ako hinila. "Father doon muna kami" paalam pa nya kaya tumango si Pader.

Pinaupo nya ako sa isang upuan at dumiretso sya sa mga bata na nag-uusap yata. Parang may sinasabi si Jiminne dodong ko at may itinuturo turo pa paminsan minsan tumitingin din sa akin yung mga bata kaya nginingitian ko nalang sila.

Pinagmasdan ko ang buong simbahan at ang masasabi ko lang malawak sya at maganda. Sa harap merong rebulto ni Papa Hesus na malaki at sa bawat gilid ng simbahan merong mga bintilador,para hindi siguro mainitan yung mga tao lalo na at ang dito ako ...talagang maiinitan sila dahil I'm hot!oh ingles yan ah?haha.

Habang nag mumuni muni ako may biglang humila sa laylayan ng damit ko,ng tignan ko si Antonia pala at may kasama pang ibang batang babae."Bakit?"

"Sama po kayo sa amin Ate Mayyang" hindi na nila ako pinagsalita dahil hinila na nila ako papunta sa isang pintuan at agad isinara iyon ng makapasok na kami.

"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko.

"Ilalagay lang namin sayo ito Ate" sabi ng isang batang babae na ang cute ng ngiti.

May bigla silang kinuha sa isang aparador na parang puting kulambo?anong gagawin nila dyaan?

"Dali Ate suot mo" sabi ni Antonia .

"Teka nga lang ...ano bang nangyayari?"awat ko sa kanila ng ilalagay na nila sa ulo ko ang puting kulambo.

"Basta Ate sigurado magugustuhan mo ito" tsaka sila na ang naglagay ng puting kulambo sa ulo ko...ewan ko kung anong pangalan eh.

Hinila na nila ako papalabas,bale nasa harapan na kami ng nakasara na pintuan ng simbahan. At bakita nakasara na ito?

Unti unting bumukas ang pintuan na ang nagbukas pala eh yung mga batang lalaki. Tumingin ako sa harapan ng altar ng maaninag ko si Jiminne dodong ko?nakangiti?owwwkkaayy....ano ng nangyayari?!

"Ate lakad kana" sabi ng mga batang babae kaya kahit nalilito naglakad nalang ako patungo kay Jiminne dodong ko. Parang.....parang kinakasal kami?...wait ??ano??kinakasal?!

Ng makarating ako sa pwesto nya agad akong nagtanong."Anong nangyayare Jiminne dodong ko?"nginitian nya lang ako at pinaharap sa isang pare?pare na bata?!eh isa ito kanina sa mga batang kasama ni Antonia ah?

"Don't worry it's a fake wedding. Naisip ko lang kung ano ang mararamdaman ko kung ikaw ang bride....ang wife ko for the rest of my life" sabi nya na nakatingin sa akin kaya napalunok ako.

"A-no yung naramdaman mo?"

Ngumiti sya tsaka humarap sa batang pare. Aba't bastos toh ah kinakausap yung tao eh.

Nagsimulang magsalita yung batang pare at kahit isa wala akong naintindihan dahil t*ngina ingles!dinaig pa ako ng batang ito ah!!

Habang nagsasalita sya at nakatuon sa kanya ang pansin ko may isang kamay na humawaksa kamay ko kaya napalingon ako kay Jiminne dodong ko.Parang biglang nag-slow mo ang paligid ng bigla syang humarap sa akin at unti unting itinaas ang puting kulambo sa mukha ko.

Inilapit nya ang mukha nya sa akin at doon lang ako natauhan na ang sinabi pala nung batang pare kanina ay 'You may now kiss the bride'putragis ngayon ko lang na-realize yun ah!

"Sandali" tsaka ko tinakpan ang bibig nya na lumalapit na sa akin."Bakit?"tanong nya.

"Ang daming bata nahihiya ako" nakayuko kong sabi natawa naman sya ng bahagya.

Mahal kita, alam mo ba...(Mayyang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon