Chapter 40

1 0 0
                                    

Mayyang 'Ganda' Pov

"Mag usap tayo."sabi ko kay Nikki ng mag isa na lang syang pumunta sa parkingan.

Hinintay ko talaga na magkakahiwalay na sila at makauwi yung dalawa para masolo ko si Nikki.

Kailangan kong maliwanagan sa mga nangyari na ginawa nya na hindi naman maganda. Hindi ko na rin alam kung sino papaniwalaan ko kaya kailangan ko talaga syang makausap.

"Ahmm tungkol saan?"nakangiting sabi nya. Agad ko naman syang hinila at pumasok sa kotse nya. Mamaya may makarinig lagot ako kay dean.

"Ano yung sinabi sa akin ni dean ha."nangunot ang noo nya.

"Ano bang sinabi nya? Eh diba nga kayong dalawa lang naman naiwan doon ikaw talaga Mayyang patawa ka haha. Hindi rin naman ako manghuhula para alam ko yang sinabi sayo ni dean."napakamot batok naman ako.

Oo nga ano haha ketanga mo talaga Mayyang kahit kailan. Pero okay lang yan hindi naman mababawasan yang kagandahan ko.

"Pasensya na hehe. Yung tungkol sa anak ni dean na teacher daw dati dito bakit mo sya pinatanggal.."ang ngiti nya ay agad nawala dahil sa sinabi ko.

Nakita ko rin na kumuyom ang kamao nya. Siguro dahil naalala nya na binasted sya ng lalaki? Pero kasi diba sabi nya may relasyon sila ni Emjey? Baka matagala na siguro yun.

Tumango tango ako. Siguro nga matagal na itong isyung toh.

"Sinabi ni dean yan?"

"Ahmm oo eh. Pero wag mong sabihin na sinabi ko sayo ah malalagot ako doon."sabi ko.

"Kung malalagot ka bakit mo pa sinabi sa akin kung ganon."bakit nga ba? Ah alam ko na.

"Kase nga hindi ako naniniwala na kaya mong gawin iyon."umiwas naman sya ng tingin sa akin.

"You don't know me that much Mayyang..."ayan! napa ingles na tuloy.

Langya!

"Pero..kasi alam kong hindi mo yun kayang gawin dahil alam kong may busilak ka paring puso. Siguradong sinabi lang sayo nila Jenevie na gawin mo yun kaya mo ginawa..."pagpapaintindi ko pa. Alam kong wala syang kasalanan....

"Mayyang... ginawa ko yun dahil gusto ko. Hindi ko yun ginawa dahil inutusan ako nila Jen.."napanganga naman ako sa sinabi nya.

Hindi!!

"Hindi maaari. Nikki tinatakpan mo na naman ba sila. Nikki naman tayong dalawa lang naman ang andito-----"

"Mayyang.."

"--hindi mo na kailangan pang magsinungaling---"

"Mayyang stop it......"

"--alam mong naniniwala ako sayo. Kaya sige na sabihin mo na yung totoo. Mabait kang tao Nik---"

"I SAID STOP MAYYANG!!! STOP IT!! HINDI KA BA NAKAKAINTINDI!!"

dO_Ob

"Nikki...."halos pabulong na sabi ko dahil hindi ko inaasahan na sisigawan nya ako.

"Im so sorry Mayyang...im so sorry. Nataranta lang ako."nakayukong sabi nya at tumingin sa akin.

Hinawakan nya ang dalawa kong kamay na nasa hita ko at nagmamakaawa ang mukha na tinitignan ako.

"Hindi mo naman kasi kailangan na sumigaw pa. Tayong dalawa lang andito Nikki. Mamaya masira pa ang maganda kong tainga dahil sayo."natawa naman sya at natawa rin ako.

Edi ayos na hehe.

"Ikaw talaga kahit kailan."

"Basta hindi parin ako naniniwala na ginawa mo yun dahil ikaw ang may gusto."

Mahal kita, alam mo ba...(Mayyang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon