Mayyang 'Ganda' Pov
Sumakay na ako sa bus. Buhat buhat ko ang maliit na back pack na puno ng damit ko at isang abaniko na lagyanan naman ng......alam nyo na yung gagamitin ng babae na pang baba at pang itaas haha.
Umupo na ako sa upuan at nagsimula ng umusad ang bus. Mamimiss ko sila Nanang at Tatang lalo na ang mga kalaro kong mga bata at sa huling pagkakataon tinignan ko ang bayan namin.
Kumuha ako ng tinapay sa bag at kinain iyon habang nakamasid ako sa daan. Isinandal ko ang aking ulo sa bintana.
___
Sinundo ako ng tiyahin ko sa terminal at agad kaming pumunta sa bahay nila.
Mas malaki ang bahay nila kaysa bahay namin. At ng pumasok kami sa bahay nila napanganga ako dahil ang sahig nila ay semento samantalang sa amin ay lupa lang ito at ang itaas ng bahay namin ay kahoy lamang.
"Ilagay muna ang mga gamit mo sa kwartong yan" sabay turo ni Tiya Isabel sa isang kwarto."Diyaan ka muna sa kwartong yan at kapag dumating ang anak kong isa mag-kakakwarto na kayong dalawa dyaan ha?"paliwanag ni Tiya kaya tumango ako.
"Salamat Tiya Isabel hayaan nyo po at kapag may nakita po akong paupahan na bahay ay aalis rin po ako"
"Ayyy nakung bata ka wag na.....dito ka na lang hanggang sa makapagtapos ka sa iyong pag aaral hindi ka na iba sa amin" pagtanggi ni Tiya kaya napangiti ako at niyakap sya.
"Salamat po....hayaan nyo at tutulungan ko po kayo sa mga gawaing bahay kapalit naman po ng pagtira ko dito" kumalas na ako sa pagkakayakap. Ngumiti rin sya.
"Ang bait mo talagang bata ka mana ka sa iyong Ama"
"Hehe salamat po" kamot batok kong sabi....kapatid ni Tiya Isabel si Tatang.
"Oh sige na at magpahinga ka siguradong pagod ka sa iyong byahe " tumango ako sa sinabi ni Tiya at binitbit ko na ang aking mga gamit papunta sa sinabi ni Tiya na kwarto.
Pinagmasdan ko ang loob ng silid at napangiti ng makita ko ang kutson agad akong tumalon papunta doon at dumapa dito.
Ang lambot lambot.
___
dO_Ob
"Wooooaaahhhh p*kshet! ang laki!" yan ang nasabi ko ng makatapak ako sa gate ng isang naaaapaaakaaaalaaakiiingg skwelahan.
"Iha papasok ka ba hinde?" Natatawang sabi ng guard sa gilid kaya natauhan ako. Hala nakita kaya ni Manong guard yung pag-nganga ko......naku naman nakakahiya.
"A-ahmm papasok po Manong Guard....ang ganda po ng skwelahan ninyo" may halong paghangang sabi ko natawa lang sya at pinapasok na ako.
Ng makita kong rumarami na ang mga studyante agad akong lumapit sa kanila.
"Hi ako si Mayyang" sabi ko sa isang nagkukumpulan ng mga babae at ng makita nila ako tinaasan nila ako ng kanilang kilay.
"Excuzzee meh?" Maarteng sabi ng may makapal na pula sa labi nya "Do we know you?"
"Pwedeng tagalog nalang ?" kamot batok kong tanong "Ke aga aga kasi ingles kayo ng ingles" medyo mahinang sabi ko.
d>_<b
"Ahggg your soooo....." Tinignan naman ako ng babaeng may makapal na pula sa pisnge "....Jologs haha" sabi nya at nagtawanan silang mga babae dito.
Nakitawa rin ako kaya napatigil sila at tinaasan ulit ako ng kilay.
"Why are you laughing?"
"Ahhh kase tumatawa kayo hehe" sabi ko tsaka ngumiti. Napamaywang naman nila akong tinignan....parang nawe-weirduhan sa akin haha.
BINABASA MO ANG
Mahal kita, alam mo ba...(Mayyang)
Teen Fiction[Completed] (First to read.) "Know your worth, and stop giving discounts to others."