Mayyang 'Ganda' Pov
"Ano namang plano mo aber?"taas kilay na sabi ni Nikki.
Sinabi ko sa kanya na nagpaligaw na ako at binigyan ng tsansa si Jiminne. Nagulat nga siya dahil ang akala niya yung simpleng ligaw lang ang gagawin na magpapakipot ako kay Jiminne ganon.
Pero nunka! May plano ang magandang si Mayyang sa panliligaw ni Jiminne.
Tignan natin kung hanggang saan ang makakaya ng lalaking iyon kapag pinahirapan ko siya.
Gusto niya ng hindi easy to get ? Edi ibibigay ko sa kanya.
"Basta! Tignan mo nalang."
Napaatras siya sa akin. "I don't like that smile Mayyang. It's creepy."
Natawa naman ako ng bahagya. Nasa kama kasi kami at nagkwekwentuhan. Gabi narin at kakatapos lang naming kumain.
Syempre ako na ang nag boluntir na magluto at pipili ng kakainin dahil kapag si nanang na naman, ay baka bukas na bukas paglamayan na ang mga kaibigan ko sa dami ng kilawen.
" Sa tingin mo aatras siya kapag pinahirapan ko siya?" nag aalalang tanong ko.
"Duh! Anong malay ko. Pero kung gusto ka talaga niya at he wants you back, then he must do everything for you." nagtataas babang kilay na sabi niya. Ngumuso naman ako.
"Paano nga kung hindi niya kaya."
Umasim ang mukha niya. "Kung sagutin mo na lang kaya siya ano? Ang dami mo naman palang alinlangan diyaan. Bwisit ka!May pasabi sabi ka pang ayaw mong maging easy to get. Tsk."
Aish! Kung gusto talaga niya ako gagawin niya lahat! Peryod Mayyang!
Wag kang oa.
Kung aatras siya edi umatras. Pinapatunayan lang talaga niyang hindi ka niya ganun kagusto.
Pero gusto kaya ako nun? Wala naman siyang sinasabi diba? Sinabi lang naman niya an manliligaw siya.
Pagkagising na pagkagising ko ay minandaran ko na agad si Jiminne. Bagong gising din siya at pipikit pikit pa ang mata niya.
"Bilisan mo! Kailangang maaga ako ngayong maligo." nakahalukipkip na sabi ko.
"Really? It's raining Ow. Pwedeng mamaya na?" ah ganun! balikan na sa pangalan. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Ah ganun! ayaw mong gawin ngayon?" nilakihan ko siya ng mata. Napalunok siya at agad kinuha ang damit niya.
Natutulog pa si Gregorio at mukhang hindi basta basta nagigising. Kanina pa ako talak ng talak dito pero hindi man lang gumising.
Buti na nga lang at napagnasaan ko na kanina ang pandesal ni Jiminne kaninang tulog pa siya kaya hindi na ako tumitingin doon. Pinindot pindot ko pa nga eh. Ehe! antigash niye.
" Gagawin na syempre basta ikaw."nagmamadali siyang lumabas at nasa pintuan ako kaya naman naamoy ko ang bango niya.
Aba! Kagigising lang nito pero ang bango parin habang ako mukhang napanis na kanin na ako dito habang ang baho pa ng hininga ko.
Naglakad narin ako palabas at sinundan siya pero hindi ako lumabas dahil umuulan nga. Tsaka ang putik na ng daanan.
"Asaan si Jiminne, Mayyang??" napalingon ako kay Nikki na gising narin pala. Nasa alas sais palang ang oras.
"Pinakuha ko ng tubig." nagmamalaking sabi ko.
Lumaki ang mata niya. Mas malaki ang mata ko ulol.
"Mayyang! It's raining outside. Pwede namang mamaya na kaapg tumila ang ulan." ngumuso ako at naglakad ng inosente na parang walang ginawa.
Sinundan naman niya ako." Mayyang.."
"Hayaan mo nga siya Nikki. Baka naman gusto mo ring magbuhat ng tubig? Okay lang sa akin." sinamaan niya ako ng tingin.
"Dzuh~ as if! Ayaw ko ngang maputikan eh." sabi ko nga maarte parin siya.
Naglakad na kami patungo sa bintana. Yun kase nag deretso sa tanawin kay Jiminne. Pagbukas na pagbukas ko ng bintana ay agad sumalubong sa amin ang ulan. Hindi naman malakas at hindi rin mahina yung sakto lang.
Napatingin ako sa paligid at mga nagsasayawang mga dahon sa hangin ang nakikita ko habang ang lupa ay maputik na ngayon na isang apak mo lang didikit na talaga sayo.
Walang katao tao sa labas at mga nakasarang bintana at pintuan lang ang makikita mo dahil maaga pa naman.
Nakita ko si Jiminne na may hawak na ngayong dalawang timba na medyo may kalakihan. Buhat buhat ito na parang wala lang sa kanya ang bigat nito.
Ibang klase maliit nga siya pero malakas naman.
Napatingin siya sa gawi namin,ang walang ekspresyon na mukha niya ay biglang nagbago ng dumapo ang paningin niya sa akin. Ngumiti siya.
"Aray!"reklamo ko ng kinurot ako sa tagiliran ni Nikki na nasa tabi ko. Malamang nakita niya ang ginawa ni Jiminne.
"Asus! Kung ako yan sasagutin ko na siya. Ang gwapo gwapong lalaki. Akalain mong susuung talaga siya sa ulan para sa PANGLIGO MO." nang aasar na sabi niya. Tumingin naman ako sa kanya.
"Sumbong kaya kita kay Emjey." pananakot ko kaya tinignan naman niya ako ng nakanguso.
"Wag naman ayos kami eh. Wag mo kaming idamay sa sawi mong pag ibig."
"Anong sawi? Gaga may nanliligaw nga oh?"tsaka ko tinignan si Jiminne na bumalik na naman sa balon para kumuha ng tubig.
"Nanliligaw nga pero sinabi na ba niya na gusto ka?"
"Kapag nanligaw Nikki syempre matik ng gusto ka. Ang tanga nito."
"Kahit na! Kapag ako nagpaligaw kailangan ko muna ng kasiguraduhan ano. Babae ako hindi sapat para sa akin ang gawa." nilingon ko siya at hinampas sa braso.
"Tumigil ka nga diyaan. Magkaiba tayo gaga! Mas malaki ang dede ko kesa sayo." napa 'O' naman ang bibig niya at tinignan ang dibdib niya tsaka dibdib ko.
"Wala namang ganyanan gaga ka! Hindi ka naman inaano ng dede ko ah." nakabusangot na sabi niya.
Parang tanga pa niyang hinawakan ang magkabilaang dibdib niya.
"Don't worry babies lalaki rin kayo. Ipapalamas ko kayo kay Daddy Emjey okay?" napakurap kurap ako sa sinabi niya.
"Bibig mo Nikki!" hindi ko na nakayanan at sinigawan ko na siya. Humagalpak naman siya ng tawa ng makita ang mukha ko ng hindi makapaniwala.
"Bakit ha? Atleast ako may manglalamas na, eh ikaw? Wala pa. Hahaha. Sagutin mo na kase para may manglamas na." sasagutin ko na sana siya ng biglang may narinig akong kalabog galing labas.
Napabaling agad ako doon at nakita kong nakaupo na sa putikan si Jiminne habang ang mukha'y naka busangot na dahil natapon ang tubig na bitbit niya samahan pana na naputikan siya.
Nagpipigil na tawa rin ni Nikki ang narinig ko habang ako naman ay hindi na napigilan at humagalpak na ako ng tawa.
Napatingin naman sa gawi namin si Jiminne at mas lalong bumusangot ang mukha dahil sa pagtawa ko sa kanya.
"Friend nadapa siya oh. Tulungan mo dali." nagpipigil paring tawa na sabi ni Nikki.
"Hayaan mo siya. Buti nga sa kanya." tinignan ko si Jiminne at sumigaw. "Bilisan mo! Gusto ko ng maligo!"
BINABASA MO ANG
Mahal kita, alam mo ba...(Mayyang)
Teen Fiction[Completed] (First to read.) "Know your worth, and stop giving discounts to others."