Chapter 31

2 0 0
                                    

Mayyang 'Ganda' Pov

"Pero wag ka hindi siya yung tipong mabunganga..hindi porket nagpapapansin na siya ay nawawalan na siya ng poise. Yung tipong kahit habol siya ng habol eh maganda parin siya...maayos parin ang buhok, damit, at mukha niya. Si Jeane din yung nagpapapansin na nahihiya. Hindi makatingin ng deretso sa Kuya mo."

" Iniinis na nga sya ng mga kasamahan nya dahil parang sya yung babae sa kanila at eto namang si Dave napikon kaya kinausap nya si Jeane. Nagtaka noon si Jeane dahil hindi naman sya kinakausap ni Dave na sya ang nauunang magsalita sanay kasi si Jeane na sya lagi ang nauuna. Sa araw na iyon ang hindi makakalimutan ni Jeane dahil sa mga katagang sinabi ni Dave sa kanya na mas lalong nagpahulog ng puso nya dito---"

"Nay Edna kain muna kayo."biglang sulpot ni Utol kaya nabitin ako.

Napaka talaga ng lalaking ito! Kung kailan na e-eksayt na ako sa mga kinukwento ng nanay ni Ate Jeane tsaka sya sumusulpot. Ang sarap nyang katayin at ibitin patiwarik!

"Oh? bat ganyan ka makatingin ha?"sabi nya ng mapansin nya atang iba tingin ko sa kanya. Inirapan ko lang sya at sinundan si Nanay Edna papunta sa loob ng bahay.

Pero bago ako makapasok ay agad hinila ni Utol ang buhok ko sa likod kaya napatigil ako at napahiyaw dahil sa paghila nya sa gahibla ng buhok ko.

"Aray! Ano ba!"inis na sabi ko.

"Alam kong kinuwento na sayo ni Nay Edna ang tungkol sa amin ni Jeane. Kung pwede lang sana wag mo ng pag kwentuhin pa ng mas mahaba si Nay dahil alam kong nahihirapan syang balikan ang ala ala ng anak nya. Lalo na ako dahil masakit at sariwa parin lahat sa akin"napayuko nalang ako dahil sa salita palang ni Utol may dinadamdam narin sya.

Ngumiti ako sa kanya." Wag kang mag alala Kuya andito lang ako."tsaka ko sya niyakap ng mahigpit. Gusto kong iparamdam sa kanya na hindi sya nag iisa.

"Salamat kapatid ko."napapikit ako at dinamdam ang pagkakayakap namin sa isa't isa.

"Lagi mong tandaan Kuya na hindi kita iiwan at tandaan mo rin na andito lang ako susuportahan ka sa lahat ng gusto mo. Mahal na mahal kita Kuya kaya kung may problema ka sabihin mo sa akin at dadamayan kita. Dahil kapatid mo ako lagi akong makikinig sa iyo."naramdaman ko na lang na may tumulo sa aking mata at gayundin kay Utol dahil naramdaman kong basa na ang damit ko.

"S-salamat."napapikit ako ng mariin ng narinig ko syang humagulgol sa aking mga bisig. Alam kong ngayon palang nya nailalabas lahat ng iyak nya dahil lagi ko syang nakikita na nakatulala lang minsan malalim ang iniisip.

"Iiyak mo lang yan Utol."mas lalo syang umiyak na halos yumugyog na ang balikat nya at mas lalo nya akong niyakap.

___

Pinagmasdan ko si Utol habang natutulog sa kama. Napakahimbing ng kanyang tulog at namamaga rin ang kanyang mga mata tanda na umiyak sya.

Pagkatapos nyang umiyak kanina agad ko syang niyaya na magpahinga muna na hindi naman nya tinanggihan.

Hinaplos ko ang kanyang pisngi.

"Kaya mo yan Utol ikaw pa."

Tumayo na ako sa pagkaka upo at lumabas muna ng kwarto para maka usap muna si Nanay Edna.

Pagkalabas ko nakita ko syang nakikipag usap kay Tiya kaya lumapit ako sa kanila. Lumingon naman sila sa akin ng mapansin nila ako. Naupo ako sa tabi ni Tiya dahil doon ay may pag uupuan pa.

"Kamusta na ang kuya mo?"bungad sa akin ni Tiya kaya ngumiti ako ng mapait at napatingin sa banda ng kwartong pinag tutulugan ngayon ni Utol.

"Ayos na po sya. Mukhang na-i-iyak na nya lahat kanina."

"Buti nga at umiyak na ang batang iyon. Nag aalala na kasi ako noong nalaman naming wala na si Jeane hindi ko sya nakikita na umiyak man lang lagi syang nakatulala. Kaya nagpapasalamat narin ako sayong kapatid nya dahil sayo nya na-i-iyak lahat. "sabi ni Nay Edna kaya naman tumango ako.

"Asaan na po pala yung anak nila Nay?"tanong ko.

"Nasa asawa ko, si Tatay Edgar mo. "

"Asaan po sila?"

"Nasa labas lang. Puntahan mo na."

Tumango ako at nagpaalam na sa kanila at lumabas na ako ng bahay at nagderetso ako sa harap ng bahay nila. Nakita ko naman agad si Tatay Edgar na sinasabi ni Nay Edna.

Nakilala ko sya dahil sya lang naman ang may hawak ng bata dito. Wala ng iba pang sanggol dito. Lumapit ako sa pwesto nila.

Napalingon naman sa akin ito at ngumiti. Mukhang kilala na nya ako.

"Ikaw si Mayyang hindi ba?"malumanay na sabi nito.

"Opo ako nga po. Kayo naman po si Tatay Edgar ano?"tumango din sya at napadapo ang tingin ko sa hawak nyang sanggol.

"Siya si Massie. Ang kyut nya no? nagmana sa magulang."

"Pwede po ba syang pakarga?"tanong ko kay Tay Edgar ngumiti naman aya at tumango at ingat na ibinigay sa akin si beybi Massie.

"Doon muna ako iha ha? Tutulungan ko lang sila sa paghahanda sa loob. Ikaw muna ang bahala kay Massie."habilin sa akin ni Tay Edgar kaya tumango ako.

"Opo."

Ng mawala na sa paningin ko si Tay Edgar nabaling ang tingin ko sa mukhang anghel na karga karga ko ngayon.

Nakatingin lang sya sa akin at parang nagulat sa mukha ko.

"Nagagandahan ka ba sa Tiya mo ha? Ang ganda ganda ng Tiya mo ano?Parang ikaw---"

"Tiktilaookk!"narinig kong sabi ni Psst na nasa harapan ko na pala ngayon. Nakaupo kasi ako sa upuan.

"Anonh piling ka jan! Hindi ako piling dahil totoo lahat iyon."sabi ko tsaka sya inirapan.

"Tilaok."patingin ng beybi raw.

"Huwag mong tukain ah. Mamaya magaya pa sayo na pangit."pang aasar ko sa kanya ka napatingin sya sa akin ng masama.

"Tiktilaokk!"ako raw ang pangit! Aba! Animal to ah.

"Pasalamat kang manok ka may hawak akong bata kundi kanina ka pa luto."

"Tiktilaork!" aba! wat eber daw!

"Wag mo nga akong ini ingles. Pag ako nag ingles hu yu ka sa akin."umirap lang sya at tumalon sa tabi ko at tumingin kay Massie kaya naman tumagilid ako ng kaunti para makita nya si beybi.

"Ang kyut nya ano? Mana talaga sya sa akin."

"Tiktilaookk!" sabi nya ako raw ba ang magulang at kamukha ko sya?

"Langya ka! Sakyan mo na nga lang mga trip ko. Panira ka pa eh."reklamo ko na tinawanan lang nya at tinignan ulit si beybi.

"Tilaok.."malumanay na sabi ni Psst kay Massie.

"Ngayon ka lang nag hay eh kanina ka pa putak ng putak dito."tinignan naman nya ako at tumingin ulit kay Massie. Aba! Akala mo kung sino hindi ba naman ako pansinin.

"Tilaok....."angkyut kyut daw ni Massie katulad na katulad sa kanya kaya natawa naman ako.

"Pfftt!"

"Tilaok???"ano raw ang nakakatawa.

"Wala. Sige kausapin mo lang si Massie HAHA."inirapan lang nya ako at salita na ng salita kay Massie akala mo naman maiintindihan ng bata eh sanggol palang naman.

Pero halata naman kay Massie na naaaliw sya sa manok na putak ng putak sa harapan nya. Akala mo naman kung sinong dalagang manok itong si Psst.

Kung makapag salita sa harap ni beybi Massie ang hinhin hinhin samantalang pag kami ang magkasama daig pa nya ang  nakalunok ng mekropono.

Nilaro laro lang namin si Massie kasama ko na doon si Psst at tawa naman ng tawa at aliw na aliw ang bata. Kaya napangiti ako dahil hindi ko maitatangging kamukha nya ang kanyang ina at ama.

Nagkombinasyon ang mukha ng magulang nya kaya halatang maganda ito kahit sanggol palang.

Mahal kita, alam mo ba...(Mayyang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon