Epilogue

3 0 0
                                    

Napangiti ako habang pinagmamasdan siya at malamyos na hinawakan ang kanyang pisngi. Ang lambot.

Habang nakaupo ay isinandal ko muna ang ulo ko sa pader sa likod at pumikit muna. In-alarm ko na rin yung selpon ko ng dalawang oras para magising ako at mapainom ko sa kanya itong gamot.

Nagising nalang ako ng umalingawngaw nga ang selpon ko. Daglian ko yung pinatay at napatingin sa tabi ko.

Hindi ako masyadong makagalaw dahil nakayakap ang kamay niya sa binti ko at natanggal narin ang kumot niya. Ang likot pala nitong matulog.

Unti unti kong tinanggal ang kamay niya pero bago pa ako makaalis ay mas lalong humigpit lang ang yakap niya sa akin.

"Stay."paungol na sabi niya. Halata parin sa boses niya na nanghihina siya.

"Kukunin ko lang yung kumot mo nahulog oh." tsaka ako tumingin sa kanya pero nakapikit pala siya.

"No. Stay." bumuntong hininga nalang ako at pinabayaan siya.

Inabot ko na lang ang gamot at binuksan iyon tsaka siya niyugyog ng kaunti.

"Uminom ka muna ng gamot mo." nakapikit lang siya at binuka ang bibig.

Bumusangot ang aking labi dahil doon.

"Jiminne umupo ka. Hindi ka makakainom ng tubig ng nakahiga." mahinang pagdaing lang ang isinagot niya sa akin.

"Jiminne  isa."banta ko pero wala parin.

"Dalawa...wag mo ng paabutin ng tatlo dahil malilintikan ka talaga sa akin." wala pang segundo ay nakaupo na siya at naka simangot ang labi.

Halos matawa ako sa itsura niya pero pinigilan ko at ibinigay sa kanya ang gamot at tubig. Agad niya naman itong kinuha at ininom.

Walang sali salita siyang nahiga ulit at pumikit ang mga talukap ng mata.

Ngumiti ako ng tipid at pinaglandas ko ang aking kamay sa buhok niya. Nilaro laro ito sa paraang makakatulog siya ng mahimbing.

Alam kaya niyang lumabas parin ako at sumama sa syota ko dati?

Nakagat ko ang ibabang labi dahil na ko-konsensiya na naman ako! Ang sarap dagukan ng ulo ko.

Dapat kase tinignan ko muna kung may lagnat talaga siya o wala. Dapat din kase hindi ko inabuso ang mga gawain sa kanya at ngayon pati katawan niya bugbog sarado na.

Kasalanan din naman kase niya!

Kung sana nagreklamo siya edi sana hindi na siya nahirapan pa. At hinintay na sana lang niya na wala ng ulan noong nagbuhat siya ng tubig.

Nakabusangot kong pinagmasdan ang gwapo niyang mukha. Hindi na niya inilagay ang kumot dahil naiinitan narin naman na raw siya. Pinabayaan ko na dahil mukhang hindi siya yung tipong matagal kung magkalagnat.

Mas okay na yun ano.

May pumasok sa isipan kong hindi kaaya aya habang pinagmamasdan siya mula ulo hanggang paa.

Wag mong gagawin Mayyang.

Wag!

Wag mong gagawin sinasabi ko sayo.

Mabait ka. Mahinhin at maganda. Dalagang pilipina ka.

Nakagat ko nalang ang aking labi ng parang may sariling buhay ang aking kamay dahil naglumikot na agad ito. Napapalunok ako at pinipigilan ang kamay ko pero ayaw parin.

Anak ng tinapa naman oh.

"Mayyang wag. Maganda ka at hindi pokpok. Ha? Pokpok? Gago birhen pa ako. " pagsasalita ko sa sarili ko.

Mahal kita, alam mo ba...(Mayyang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon