Mayyang 'Ganda' Pov
Naka tingin lang ako kay Psst na sumasayaw sayaw sa harapan ko ng makarena gamit ang dalawang pakpak niya at kinekembot kembot pa niya ang buntot niya sabay sa indayog ng tugtog.
Hiniram kasi niya ang selpon ko na touch screen ....yung malaki na selpon ko hindi yung keypad na maliit.
Nagulat pa nga ako kanina dahil alam niyang gumamit ng selpon, pinanood ko pa siya kanina habang kinakatikot niya yung selpon ah. Parang alam niya lahat iyon at ekspertong pinindot pindot niya ito. Pero syempre tinanong niya kanina kung ano ang password ng selpon ko...sinabi ko naman dahil wala naman akong tinatago diyaan eh. Halughugin pa niya.
Habang sumasayaw siya nasa lapag din ang selpon kagaya niya, ako kase nasa kama habang nakadapa at yung ulo ko ipinatong ko sa kamay ko. Bale nakaharap ako sa kanya.
Sinabi pa niya kanina na sabayan ko siya sa sayaw pero tumanggi ako dahil wala ako sa sarili ngayon. Tinatanggap palang ng kamay ko ang katotohanang wala na talagang pag asa sa amin ni Jiminne dodong ko...sa susunod naman itong paa ko ang tatanggap sa katotohanan, tapos itong balakang ko, tapos itong buhok ko, tapos itong dibdib ko, tapos itong ulo ko, tapos itong utak ko, tapos lahat ng internal organ ko..lahat lahat doon. Kaya matagal tagal ang proseso nitong pagtanggap ko.
Kinaumagahan may pumunta dito sa bahay...si Tiya ang nagbukas at tinawag lang ako dahil ako daw ang kailangan. Tumayo naman ako at inayos muna ang gulo gulo kong buhok at lumabas na sa aking kuwarto.
Natutulog pa si Psst. Kabaliktaran talaga ng ibang manok iyong si Psst imbes na siya ang nauunang gumising at dapat gigisingin ako hindi eh dahil ako pa ang nauuna sa paggising at paminsan minsan ko pa siyang ginigising.
Pagkalabas ko ay agad akong natigilan. Ang kausap ngayon ni Tiya sa sala ay si Klaire yung direktor ko na bakla sa komersyal. Nakangiti siya sa akin na halos magpakita na ang gilagid yiks!
Agad siyang lumapit sa pwesto ko at agad hinagkan kaya nagulat ako. Pero ng sinabi niyang saksespul daw ang ginawang komersyal ay agad akong natuwa at ginantihan siya ng sapak--- ng yakap pala.
Nalaman din agad ni Tiya at ni Utol na kakalabas palang ng kwarto habang buhat buhat si Massie na may kinakain. Agad din akong niyakap saglit ni Utol dahil sa nalaman niya at tuwang tuwa talaga sila. Sinabi pa ni Klaire na dahil saksespul ang komersyal kailangan daw na magselebreyt kaya agad akong pumayag.
Pumayag din naman si Utol...himala nga at pinayagan niya akong lumabas ng gabi. Tinanong ko pa nga kung bakit pinapayagan niya ako ang sabi niya okay lang daw at kahit ngayon lang daw ba na hindi siya mahigpit sa akin.
Tuwang tuwa naman ako ag nakurot ko pa ang pisngi ni Massie dahil sa sobrang tuwa. Umiyak nga si beybi eh kaya ayun nakatanggap ako ng batok kay Utol at sermon naman kay Tiya habang si Klaire eh humahagikgik lang sa tabi.
Pasalamat siya nasiyahan ako sa balita niya.
__
Naka stiletto ako na medyo may kataasan. Tapos naka dirty white fitted dress ako....
Oh!
Nakaingles ako ng damit ano? Wag mag alala dahil sinabi lang sa akin ni Klaire iyan. Ito daw kase dapat ang isusuot ko. Wala daw siyang tiwala sa gusto kong damit. Naku! yung baklang yun talaga. Kung hindi ko lang direktor yun matagal ko na siyang kinalbo.
Tapos itong damit kase na binigay niya ay may desenyo sa harap ko na sa taas ng dibdib ko merong kalakihan ang butas niya pero sa leeg ko naman ay merong tela. Medyo hindi rin ako komportable dahil nakikita ang hiwa ng dibdib ko.
Tinataas ko pero nalalag lag parin talaga. Bumuntong hininga nalang ako at tumingin sa salamin. Ang ganda ko talaga.
Mamaya pag agawan pa ako doon sa bar nito eh. Nag pose ako sa harap ng salamin na hindi nakangiti at nakahawak ang isa kong kamay sa beywang ko. Ayan!
Ang ganda ganda ko talaga! Walang tatalo!
"Tiktilaok...tiktiktiktilaok."pagsasalita ni Psst na nakatingin pala sa akin ngayon. Lumalaki laki ang mata niya na parang sinasabing napakapiling ko.
"Sus! Inggit ka lang! Hindi ka kase makaka suot ng ganto kase manok ka hahaha."natatawang sabi ko. Inismiran lang niya ako at pakembot kembot na pumunta sa higaan ko...sandali...higaan ko?
Higaan ko?!!!
"Hoy! Anong ginagawa mo diyaan sa higaan ko ha!"taas kilay na sabi ko habang nakahalukipkip sa harapan niya.
"Tiktiktilaok."matatagalan naman daw ako doon sa bar kaya doon muna raw siya.
Tumango tango naman ako." Hmm mm"
"Ok."punta na raw ako.
"Eto na oh! Napaka talaga ng manok na ito. Papahigain kita diyaan pero wag mong dumihan yan. Makakatikim ka talaga sa akin."halos manliit ang mata ko habang nagsasalita.
"Ork!"yeah wateber daw!
Napapikit nalang ako ng mariing at padabog na umalis sa kwarto. Baka hindi ako makapagtiis talagang makakatikim sa akin iyon Naku!
Naka meyk ap din kasi ako. Konti lang naman yung mahahalata lang na may kulay ang mukha ko,yung maibabagay talaga sa akin. Hindi na kailangan ng makapal na meyk ap. Tsaka itong buhok ko ay kinulot lang ng konti para mas maibagay sa akin ang ayos ko.
Meron din naman akong hikaw pero hindi masyadong halata dahil maliit lang naman at isang relo sa kamay ko na pang babae talaga.
Nag taksi lang ako papunta sa bar na sinasabi ni Klaire dahil iyak daw ng iyak si Massie sabi ni Utol kaya hindi ako naihatid. Sabi ko naman okay lang kaya ko naman sarili ko. Sinabihan lang din naman niya ako na wag masyadong magpagabi dahil baka daw mapaumaga ako. Ha?
Pagkapasok ko sa loob ng bar ay agad sumalubong sa akin ang maingay na tugtog at maiingay na tao na halatang nagsasaya. Napakurap kurap pa ako dahil sa mga iba't ibang kulay na ilaw. Nagpatuloy na ako sa paglalakad habang ang aking isang kamay ay nakasangga sa mga maiilaw na ilaw.
Nakita ko na sa medyo may kalakihang mesa sina Klaire at iba pang kasamahan sa set noon. Nagkakasiyahan narin sila kaya agad na akong lumapit doon. Agad naman akong nakita ni Klaire kaya kumayaw siya sa akin kumayaw din ako.
Ng makalapit ay agad na kaming nagkakabatian. Halos kilala nila akong lahat habang ako hindi masyado pero ngumingiti parin ako at kunyaring kilala sila.
"Umiinom ka ba?"tanong sa akin ni Klaire ng nakaupo na kami.
Nasa kaliwa ko siya habang ang nasa kanan ko naman ay hindi ko kilala. Siguro siya yung babaeng nagbigay sa akin ng pabango sa set. Baka nga.
"Oo naman. Akin na."tsaka ko agad kinuha ang inialok niyang baso. Umiinom naman ako eh pero konti lang.
Ayaw pa nga akong payagan noon ni Utol pero sinabi kong kaya ko tsaka nasa tamang edad naman na ako. Kaya ayun wala na siyang nagawa sa gusto ko.
"Last mo na ba talaga ito Mayyang?"tanong ng katabi ki na babae kaya agad akong ngumiti at tumango.
"Oo. Kasi ayaw na ni Utol na ako yung magtrabaho. Sabi niya siya na lang daw at kailangang magpokus ako sa pag aaral."
"Oo nga naman. Ilang taon ka na ba?"
"Disi nwebe. Kukunin ko sana ay ang pagiging guro."sabi ko tsaka ako kumuha ulit ng wine at inilagay sa aking baso. Agad din itong nilagok at medyo napapikit pa ang isa kong mata dahil sa biglaan kong pag inom.
BINABASA MO ANG
Mahal kita, alam mo ba...(Mayyang)
Teen Fiction[Completed] (First to read.) "Know your worth, and stop giving discounts to others."