Chapter 50

2 0 0
                                    

Gregorio's Pov

"Mamaya ka sa akin."bulong ko kay May na kinangiwi lang niya.

Aba! Napahiya kaya ako. Kapag ako nakaganti tatawanan ko talaga siya. Just kidding haha.

"At saan ka pupunta?" taas kilay na tanong ko ng akmang aalis na siya. Tapos narin kasing magturo si Miss kaya okay ng umalis lalo na at breaktime.

"Kakain. Ikaw? Hindi ka kakain?" oh! oo nga pala.

"Kakain syempre I need to maintain mu sexy body duh!" echoserang sabi ko tsaka nauna ng lumabas sa kanya na may pakembot pa.

Narinig ko siyang humagikgik at naglakad na rin kasunod ko. Napalingon ako sa kanya. Masaya parin siya kahit na ganun ang trato sa kanya ni Papa--- ahem ni Jiminne pala. Kapag ako ginanon aba! Sasapakin ko nalang siya at sasabihing hindi naman siya kawalan.

Pero sa lagay kasi ni May mukhang malakas talaga tama niya sa lalaking iyon. Pilit pa niyang sinasabi na gusto lang niya si Jiminne, kung hindi ko kilala ang babaeng ito maniniwala na ako eh pero anlayong gusto pang niya talaga dahil sa nakikita ko....mahal niya ito.

Mahal na mahal na mahal na mahal. Na kahit anong taboy sa kanya ni Jiminne babalik at babalik parin siya para rito.

Sana naman imulat na niya ang mata niya at makitang wala talaga siyang pag asa sa lalaking iyon. Pwede naman siya magkagusto sa iba.

Yung mabait, gwapo, kaya siyang ipagtanggol, aalagaan siya,makikinig sa lahat ng problema at tutulungan pa. Parang ako.

Maganda rin siya. She's kind, well..sometimes funny, caring. Yung kahit hindi ka niya lubos na kilala andiyan parin siya para sayo. Handa kang tulungan kahit anong mangyari. Matalino din siya pero mukhang tanga sa pag ibig tss.

"Gregorio nakikinig ka ba sa akin?"napakurap kurap naman ako at napatingin sa kanya. Nakaupo narin pala kami.

We're actually here. Damn!Gaano ba ako katagal nag space out? Kaloka!

"A-ano ba yung tanong mo?" tinapunan naman niya ako ng masamang tingin.

"Hindi ko alam kung nagagandahan ka lang ba sa akin kaya ka nadidistrak o di kaya nagkakagusto ka na sakin."

"Kapal!"

"Sus! Kung alam ko lang talaga."

"Ano ha? Na gusto kita? Aba bakla ka mandiri ka naman teh!"mataray na sabi ko. Napangiti naman siya kaya medyo napatikhim ako.

Huli na ba ako?

"Alam ko haha. Niloloko lang naman kita. Ang pangit mo pag oa."kinurot ko siya sa kamay na nasa mesa kaya nailayo niya iyon agad sa akin.

"Aray ko ha! Halata ka talagang bakla!"she rant.

Magsasalita pa sana ako ng tumayo siya at pumunta sa pwesto nila Jiminne.

Shit!

"May!"tawag ko dito pero nagtuloy tuloy lang siya sa paglalakad.

Wah! Anong gagawin ko? Bakla mag isip! Ano? Ano?!!!

"Magandang umaga sa inyo."bati ni May sa mga ito kaya napataas naman ng tingin sila Papa hottie---  I mean Emjey at Justin habang kumakain parin si Jiminne na parang walang narinig.

Naglakad na ako palapit sa pwesto nila at tumabi kay May. Napatingin sa akin ang dalawa kaya kinindatan ko sila.

"Good morning Mayyang. Anong kailangan?"si Emjey.

"Kakausapin ko sana si Jiminne. "napatingin naman sa kanya si Jiminne. No emotion.

Buti at hindi na niya tinatawag na Jiminne dodong ko ito tss. That's kinda cheesy kase lalo na at pangalan din naman yang dodong ko pero dinugtungan pa nitong si May ng pangalan ni Jiminne.

Mahal kita, alam mo ba...(Mayyang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon