Mayyang 'Ganda' Pov
"Explain this."halos manginig ako na tumingin sa kaniya.
Halata sa mukha nya ang iritasyon at piling ko rin may panghuhusga sa mukha nya. Sya pa ba.
"M-maglilinis sana ako ng kubeta."mahinang sabi ko na nakayuko. Alam kong narinig din ng lahat dahil kahit isa sa kanila walang nagsasalita.
Puno ng tensyonado ang buo kong pagkatao ngayon.
"Kasama ba sa paglilinis ang panglalandi ng mga players."inis akong tumingin sa kanya.
Anong akala nya sa akin ganun? Aba! Iba rin ang lalaking ito ah. Pasalamat sya gusto ko sya kung hindi baka hindi ko matantsa ang pagmumukha nya matadyakan ko sya ng wala sa oras.
"Hindi ko sila nilalandi. "
Ngumisi sya."Ah talaga? Then kindly explain what i just saw earlier. "
"Sinabunutan ko sya dahil tinawag nya akong pangit. Aba! Kung hindi lang naman singkapal ng mukha nya ang mukha mo baka nga natadyakan ko na sya."
"Sinasabi mo bang makapal ang mukha ko?"
"Ano sa tingin mo?"hamon ko sa kanya.
"Kakasabi mo lang kanina."
"Yun naman pala eh. Edi alam mo ng makapal ang mukha mo."
"Bawiin mo yang sinabi mo"matigas na sabi nya.
"Ba't ko pa babawiin narinig mo na eh."halatang nainis sya sa sinabi ko kaya napangisi ako. Akala siguro nya porket gusto ko sya hindi ko na sya papatulan.
"Wag mo kong hintayin na patulan ka."
Ngumisi ako."Edi patulan mo na ako para tayo na ulet."
"Wooaahhh that's smooth. "
"Iba ren bumanat ah."
"Magaya nga sa ex ko yan."
"Tol wala kang ex ang pangit mo. Walang pumapatol sa pusit"
"Aba gago toh ah."
Palihim akong napatawa dahil sa mga sinabi nila...pero agad din nawala ng makita kong nangangamatis na yung tainga ni Jiminne dodong ko.
"Oh? Ba't ka kinikilig?."ngising sabi ko.
Agad naman syang napaiwas ng tingin at humarap sa pintuan.
Aba bastos to ah!
Kinakausap pa tumalikod na.
"Umalis na kayong lahat dito at iwan nyo si Mayyang para makapaglinis na sya. Walang maiiwan na kasama nya kundi puputulin ko ang mga buto nyo."ma awtoridad na sabi nya kaya naman agad nagbihis ang lahat at agad na lumabas.
Yung iba pa nga tinatapik ang braso ko sabay sabing 'kaya mo yan'
Ano naman kaya yun? Yung paglilinis ko? Easy!
Nang makalabas na silang lahat ay nakatutok lang ang aking mata sa likod ni Jiminne dodong ko na nakatayo parin doon at hindi pa umaalis.
Ano kayang hinihintay nito?
"Ano pang ginagawa mo? Lumayas ka na dito tsupi!"pagtataboy ko sa kanya kaya napaharap sya bigla.
Halata sa mukha nya ang iritasyon. Ano na naman kaya ang ginawa ko para magkaganyan ang mukha ng animal. Siguro nga nagandahan sa akin.
Hayst ang ganda mo kasi Mayyang, gandang hindi kumukupas.
"Wag mo kong paaalisin. Aalis ako kung kailan ko gusto."sabi nya tsaka tumalikod ulit sabay labas tsaka isinara ang pintuan.
BINABASA MO ANG
Mahal kita, alam mo ba...(Mayyang)
Teen Fiction[Completed] (First to read.) "Know your worth, and stop giving discounts to others."