Chapter 34

1 0 0
                                    

Mayyang 'Ganda' Pov

Babalik pa sana ako sa kubeta ng makita ko sila Jenevie at Mariel na papasok doon. Maglalakad na sana ako ng makita kong isinara nya ang pinto kaya daglian naman akong pumanhik doon at idinikit ang tainga ko sa pintuan.

Hindi ako tsismosa ah kyuryos lang ako hmmp!

Pilit kong pinapakinggan yung mga sinasabi nila ang kaso....hindi ko madinig!!! Nagbubulungan pa yata yung dalawa.

Anduga naman! Dapat naririnig ko eh. Paano na kung sikret nila yun tapos malalaman ko na. Edi may pang blakmeyl na ako sa kanila haysst.

"Hahaha."eh? ba't yung tawa lang yung narinig ko?

Mukhang mangkukulam pa yung tawa nila bagay na bagay sa mukha nilang andaming kolorete haha.

Sama ko ba? Dati na.

Ng mainip na ako ay naglakad na ako paalis doon. Mahirap na mamaya makita pa ako kalbuhin pa ako ng dalawang yun.

Ng makapunta ako sa harapan ng sasakyan ni Nikki nakita kong may kausap sya sa telepono kaya naman nagdahan dahan akong pumunta sa likuran nya.

"Sige gawin nyo."yun lang ang narinig ko at agad nya itong binulsa.

"Bulaga!!"

"Waahhhh!!!"hiyaw din na sabi nya ng pagkaharap nya eh agad ko syang ginulat napahawak pa sya sa dibdib nya haha.

Ang epik ng pagmumukha nya kapag nagugulat haha.

"Ang bilis mo namang magulat ."ngising sabi ko pero sinamaan nya ako ng tingin.

"That's not funny Mayyang muntik na ako doon ah."

"Anong magagawa ko ang bilis mong magulat lagi eh."

"Yah. Ahmm m-may narinig ka ba kanina?"nakaiwas ang matang tanong nya.

Tinignan ko naman sya at tinaasan ng kilay.

"Meron."agad naman syang napatingin sa gawi ko at sunod sunod ang paglunok nya na parang kinakabahan.

Ginagawa ng babaeng ito? Eh ano ngayon kung may marinig ako?

"Ano y-ung narinig mo??"halos magkanda buhol buhol narin yung salita nya kaya napatawa na ako.

"BUWAHAHAHAHAHA."napahampas pa ako sa hangin dahil sa sobrang natawa ako sa pagka utal nya. Jinojoke ko lang naman kasi sya.

"Why are you laughing? "

"Joke lang kase HAHAHHAAH. Wala naman akong narinig yung huli lang narinig ko tae sana nakita mo mukha mo na parang mauutot na dahil sa kaba HAHAHAHA---aray!!!"reklamo ko dahil agad nya akong kinurot sa tagiliran habang tumatawa ako.

Tinignan ko sya at parang nakahinga narin ng maluwag pero ansama parin ng tingin sa akin. Kasalanan ko bang mabilis syang maniwala sa akin haha.

"Let's go na nga naiinis na ako sayo. Kanina mo pa ako pinag tritripan hmmp!"tsaka sya pumasok sa sasakyan nya. Agad din naman akong sumakay at ng papaandarin na nya ang sasakyan ay may kumatok sa bintana.

Sa banda ko. Napatingin naman ako doon pati narin si Nikki. Agad kong binaba ang bintana sa pwesto ko.

Eh?

"Anong ginagawa mo dito irog ko?"nakangiting sabi ko. Syempre nagpapa kyut na ako sa lagay na ito ah.

Ang gwapong nilalang ng nasa harapan ko eh.

"We need to talk."

"Ahmm anong pag uusapan natin? Pwedeng bukas na lang? May deyt kami ngayon ni Nikki eh."nakangusong sabi ko.

Mahal kita, alam mo ba...(Mayyang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon