Chapter 28

4 0 0
                                    

Mayyang 'Ganda' Pov

Pinagmamasdan ko lang ngayon ang gwapong pagmumukha ni Jiminne dodong ko habang nag aaral sya. Bale nasa laybrari kami ngayon at magkaharap kami.

Kanina pa sya naka konsentreyt sa pagre-rebyu dahil malapit na ang eksam pero ako hindi ako makapagrebyu dahil talagang hindi ko matanggal ang tingin ko sa kanya. Nakakaakit, at hindi parin ako makapaniwala na jowa ko na sya ngayon. Akalain mo? Noon habol ako ng habol sa kanya tapos ngayon kami na.

Waahhh!

Bigla kong naisip pano kaya kapag may magtangkang umagaw sa kanya sa akin?? Biglang kumuyom ang kamao ko at nandilim ang paningin ko. Subukan lang nilang agawin sakin ang lalaking ito pag uuntugin ko sila sa harapan kong malalaki--juk!

Mukhang napansin nyang may nakamasid sa kanya kaya agad syang nag angat ng tingin at dumapo yun sa maganda kong mukha.

Kumunot ang noo nya na parang sinasabi na anong tinitingin tingin mo sa gwapo kong mukha?? Natawa naman ako ng bahagya sa naisip ko kaya naman mas lalong kumunot ang noo niya.

"What's funny?"

"Mag tagalog ka nga."yan na naman kasi sya sa pa ingles ingles nya eh.

Inirapan lang nya ako at nagpatuloy ito sa pagbabasa. Tumagilid ng onti ang mukha ko at mas pinagmasdan pa sya.

Nagulat nalang ako ng isinara nya bigla ang librong binabasa nya at tumingin sa akin na akala mo kakainin ako ng buhay. Hmmp!!

"Tigil tigilan mo nga yang pagtitig titig mo sa akin."

"Hindi naman kita tinititigan ah."inosenteng sabi ko.

Bigla nalang sya dumukwang kaya naman napalayo ng konti ang mukha ko. Waahhh anlapit nya!!!

"Stop staring at me baby you might fall harder and deeper, ikaw rin baka di kita masalo."napakurap kurap ako sa sinabi nya at parang may bumara sa lalamunan ko.

Nanikip bigla ang dibdib ko. T*ngna ito ang ayaw ko sa lahat eh. Yung sabihin sayo mismo na hindi ka nya masasalo. Amputs!!

Umiwas ako ng tingin. At alam kong napansin nya ang pag iiba ng mood ko kaya naman agad nyang hinawakan ang baba ko gamit ang isa nyang kamay at ipinaharap ito sa akin. Nakangiti na ito ng matamis at makikita mo sa mata nya na masaya sya.

Aba!! At masaya pa talaga syang nasasaktan ako!! Busit na lalaking toh! Mabaog ka sana! Ay wag nalang pala sayang naman ang lahi nya hihi.

"Kung hindi mo rin ako sasaluhin mag hiwalay na tayo."naiinis na sabi ko pero tinawanan lang nya ulit. Ampupu!

"I know that i can't catch you when your falling for me because alam kong sa sarili ko na parehas tayong mahuhulog sa isa't isa."

dO_Ob

Napakurap ako ng tatlong beses bago narehistro sa utak ko ang sinabi nya.

Waahh!!

Hindi ko mapigilan na pamulahan sa sinabi nya kaya napaiwas ako ng tingin.

Nak ng pusa naman kase!! Sana naman nagsabi syang babanat sya ng mapaghandaan ko naman! Pero alam ko ring sa sarili ko na kahit paulit ulit nya akong banatan sigurodanong sa sementeryo ang bagsak ko-- de juk lang haha syempre kilig tu da maksimum lebel na naman ang mukha ko noh.

"M-mag aral ka na nga lang jan."sabi ko para pagtakpan ang kilig sa buo kong sistema.

"Ako yung inistorbo storbo mo tapos ngayon naman pinapabalik mo agad ako sa pag aaral. Saan ang hustisya doon ha? Saan?"kunwaring pag a-akting nya kaya natawa ako.

Mahal kita, alam mo ba...(Mayyang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon