Dave Pov
"Tiktilaok!"nangunot ang noo ko sa sinabi nya dahil hindi ko maintindihan. Eh si Owie lang naman nakakaintindi dito.
Bilib rin ako sa kapatid kong iyon paano nya naiintindihan itong manok na ito. Samantalang sa agency namin kailangan na kapag may kasama ka or partner dapat may nakakabit sa leeg nila para matranslate at maintindihan namin ito.
Yeah... im not just a doctor but also a member of an agency. Hindi basta bastang agency na kilala dapat ng public. Our agency is private kailangan walang nakakakilala sa amin when it comes to our mission.
At ang sinasabi kong partner dapat namin ay mga hayop...yeah you read it right it should be an animal.
Noong una hindi ko gusto na maging partner si Psst---nasanay narin kasi ako na ganun tawag ko dahil sa pinangalan sa kanya ng kapatid ko.
Iba rin pala taste nya sa pagpangalan ng kung ano. Buti na lang at wala sya noong pinanganak ni Jeane ang anak namin na si Massie mamaya makikipag argumento pa si Owie at sya ang magpangalan mahirap na...baka maging ponsyo pilato pa ang pangalan ng anak ko.
"Here wear it."sabi ko at inilagay sa leeg nya ang translator na parang kwentas sa leeg nya.
"Ehem....anong gagawin??"sabi ni Psst sa akin at tsaka sya naglakad papunta sa coah dito sa kwarto namin..
Dito parin naman sa agency ang kwartong ito yun nga lang at kada kwarto dapat ang kasama mo ay yung partner mo.
Bumuntong hininga ako at tumingin sa kanya, nakatayo parin ako kaya nakatingala sya ngayon sa akin.
"Meron ka bang napapansin na umaaligid kay Owie?"tanong ko.
"Meron..."naging interesado ako sa sinabi nya kaya agad akong umupo sa tabi nya. Umiling iling naman sya sa gesture na ginawa ko.
"Sino? yung kalaban ba? "
Umiling sya. " Hindi."
"'Di sino?"
"Si Jiminne."tumaas naman ang kilay ko sa sinabi nya.
"At ba't nya sinusundan ang kapatid ko? Diba wala na sila?"
"Yun din ang pala-isipan ko kung bakit pa niya binabantayan at sinusundan ng palihim si Mayyang , hiwalay na sila pero kung makatingin sa kapatid mo parang gusto nya pa ito."paliwanag nya.
Pinapasundan ko si Psst kay Mayyang ng hindi nalalaman ng kapatid ko dahil mahirap na at baka makahalata iyon at maghinala sa mga kilos namin.
"What's the reason behind their break up?"I'm still curious kung bakit sila naghiwalay ng kapatid ko.
"Ang alam ko may ginawa yung mga babae para makipaghiwalay si Jiminne kay Mayyang but i don't know what's that."napatango tango naman ako sa sinabi nya.
Actually kaya nalaman ko rin na naghiwalay na sila dahil yun ang usap usapan sa showbiz lalo na at model si Owie ng company nila Jimmine.
Pero ang alam ko hindi parin kumakalas si Owie sa trabahong ito dahil gusto niya siya ang magpagamot kay Tatang. Napailing iling nalang ako....kung alam lang ng kapatid ko ang nagyayari...
Kung ako ang tatanungin talagang ayaw ko kay Jiminne para kay Owie dahil alam ko ang ikot ng bituka ng lalaking iyon dahil kaibigan ko sya. Sa tagal ba naming pagsasama.
"Pwede mo bang alamin kung ano yun Agent Cov."tinawag ko sya kung ano sya para ipaalam na seryoso talaga ako dito. Tumayo naman sya sa pagkakaupo pero nakapatong parin sya sa couch.
"Yes Agent Dave."tsaka sya sumaludo gamit ang pakpak nya sa right side.
"Kain na raw."narinig namin na may kumatok sa pintuan kaya naman tumayo narin ako at binuksan ito.
Nakita ko si Gregorio ng buksan ko ang pintuan.
"Sinabi ni Boss kakain na raw. Kailangan nasa hapag-kainan tayong lahat."seryosong sabi nya...gone the acting gay of him. At as usual nakatali na naman ang buhok niya. Hindi ko pa nga nakikita na hindi nakatali buhok niya eh. But it's cool naman bagay niya nagmumukha siyang bad boy.
Yes. He's not a gay at all....I guess so.. Inutusan ko rin syang bantayan si Owie for her own protection dahil ayaw kong mangyari sa kanya ang nagyari kay Jeane...masakit parin pero I know as time goes by maghihilom din ito.
I just have to be careful of what I'm doing at dapat kailangan ko ng ingatan ang puso ko dahil kapag umibig ulit ako mahihirapan lang ang babaeng ito dahil malalagay sa panganib ang buhay nya.
Hindi sa ipinagpapalit ko si Jeane 'cause no matter what happen she's the only girl I love the most at walang makakapagbago nito.
Nagbabakla baklaan din sya sa harap ng lahat para mapaniwala sa mga kalaban na hindi ko sya tauhan at hindi sya involve sa agency namin.
Noong una ayaw talaga niyang magpanggap dahil sa gwapo raw niya bakit ganon pa ang magiging mission niya. Pwede naman daw maging lalaki na lang sa harapan nila at bantayan nalang si Owie but I explain everything to him at doon sya nalinawan.
Ginawa parin nya dahil iyon din ang utos ko.
"Sige susunog na kami ni Psst." nangunot noo naman sya.
"Who's Psst?"natawa naman ako ng bahagya. Muntik ko ng makalimutan.
"Si Cov I mean. You know...nasanay lang ako sa tawag ni Owie sa kanya."paliwanag ko kaya slowly he smile but just a small smile.
"She's weird but I like her.."ako naman ngayon ang nangunot ang noo dahil sa sinabi nya.
"What did you just say?"natawa naman siya at umiling iling pa.
"Not a romantically way..I like her as a friend okay? Don't get me wrong."tsaka nya pa itinaas ang kamay niyang dalawa and wave it para sabihin na hindi talaga.
Tumango tango naman ako." Buti at nagkakaintindihan tayo. Ayokong maka asawa siya ng basag ulo."
"Ako? Basag ulo? Lah? Hindi naman ah."
"Tss...Alam kong marami rin sa mga kasamahan natin ang nagkakagusto sa kapatid ko lalo na at naging model pa iyon pero subukan lang nilang pormahan ang kapatid ko makakatikim sila sa akin."napalunok naman sya at umiwas ng tingin.
"Yeah I know...come on let's go."tsaka sya nauna ng naglakad kaya naman nilingon ko si Psst.
"Psst let's go."anyaya ko sa kanya kaya naman lumabas narin sya.
"Can you stop calling me Psst? Where not on your house so shut up. Just call me Cov."inis na sabi niya at umirap kaya natawa naman ako ng bahagya.
Really?
This chicken is really something. Naala ko pa noon na inaayawan ko siyang maging partner dahil sa karami rami ba naman ng hayop na makakapareho ko bakit manok pa?
But now? I guess she's really fit to be my partner. Dahil may ibubuga talaga siya at akalain mo nagkakaintindihan sila ni Owie. Yun nga lang lagi silang nagbabangayan. Hahahah.
Pagkababa namin nakita ko na silang lahat na nakaupo sa hapag kainan at mukhang kaming dalawa nalang ni Psst--- I mean ni Cov ang hinihintay nila.
Nakita ko rin sila Tangkad na nakaupo na at tinanguan ako kaya tinanguan ko rin sila.
Kasamahan rin namin sila Tangkad,Medyo at Liit...at pinapabantayan ko rin sila kay Owie.
Yeah..mukhang over na ako sa rami ng nagbabantay kay Owie pero para sa kaligtasan din naman niya iyon. Nakapagtapos narin sila kagaya ko pero dahil sa mission na ginawa ko kailangan nilang magpanggap na nag aaral palang at isa na doon si Gregorio.
BINABASA MO ANG
Mahal kita, alam mo ba...(Mayyang)
Teen Fiction[Completed] (First to read.) "Know your worth, and stop giving discounts to others."