Mayyang 'Ganda' Pov
Paggising ko bumangon ako agad,naglakad ako patungo sa beranda at sumigaw.
"Magandang umaga Mayyang!!" Napahikab ako ulit. Pumunta na ako sa banyo para maligo.
Hindi pa ako naka uniporme dahil kakabili palang ni Tiya Isabel. Lalabhan lang muna nya ito raw. Bumaba na ako para mag agahan.
"Magandang umaga Tiya" nakangiting sabi ko."Oh?ganda ng gising ha?.."si Tiya Isabel.
"Syempre Tiya ...maganda ako eh" pagmamalaki ko kaya natawa sya.
"Hanggang ngayon mahangin ka parin talaga Owie" nabigla ako sa biglang nagsalita sa likod ko kaya unti unti akong lumingon doon.
O_O
"P*kshet!!Uwaaaahhhhhh!!!!" Sigaw ko at agad ko syang tinakbo..."Utol!!"tsaka ko sya tinalon kaya ngayon buhat buhat na nya ako.
"Hanggang ngayon nagmumura ka parin. Ang bigat mo na rin." reklamo nya kaya napababa agad ako sa kanya,sumimangot ako. "Ang sama mo parin sa akin Utol"
Ginulo nya ang buhok ko." Haha don't worry mas mabigat parin naman kahit papano si Kalaw haha"tukoy nya sa kalabaw namin sa probinsya.
"Naman eh....matanda na sya" reklamo ko kaya pinisil nya ang pisngi ko magkabilaan.
"Ano ba!" Reklamo ko pero tumawa lang sya."Tama na yan...kumain na kayo lalo ka na Mayyang may pasok ka pa"biglang singit ni Tiya kaya napaayos kaming dalawa.
"Oh?may pasok ka pala eh halika na kain ka na at ako ang maghahatid sayo" presinta ni Utol kaya napalawak ang ngiti ko."Salamat Utol"tsaka ko sya niyakap.
Pagkatapos naming kumain nagpaalam na kami kay Tiya Isabel dahil mahuhuli na ako sa klase.
"Angkas na" sabi ni Utol sa motor nya,pangkaraniwan lang ang motor nya dahil hindi naman kami mayaman masyado sakto lang."Kailan ka umuwi dito?"tanong ko.
"Kahapon pa pero nag sleep over ako sa kaibigan ko kaya hindi agad ako nakapagpakita sayo pero don't worry sa bahay ni Tiya Isabel ako maglalagi muna." Paliwanag nya kaya napangiti ako.
"Yehey!" Nagagalak na sabi ko. Pinaandar na nya yung motor kaya napayakap ako sa kanya.
"Kapit mabuti Owie!!" Sigaw nya dahil nasa daan na kami." Oo!"sigaw ko rin.
Pinarada na nya yung motor dahil sasamahan nya raw ako papasok gusto nyang makita ang skwelahan namin pero bago pa kami makapasok hinarangan na kami ni Manong Guard.
"Sandali po Sir hindi po kami nagpapapasok ng outsider dito"
"Ah ganon ba?sige hanggang dito nalang ako Owie ingat ka ha?tawagan mo ako kung uuwi ka na para makatipid ka sa pamasahe" habilin ni Utol kaya ngumiti ako.
"Sige Utol ingat" tsaka ko sya niyakap.May nagkunwaring ubo sa likuran namin kaya napatanggal agad ako sa yakap at tinignan kung sino ang mga yun,naku naman hanggang ngayon binibwesit parin nila ako.
"Is that your boyfriend?" Taas kilay na sabi ni makapal ang pula sa labi. Magsasalita sana ako pero inunahan na nila ako.
"Not bad gwapo sya swerte ka sa kanya" si makapal ang pula sa pisngi.
"Pero malas sya sayo haha" si makapal ang kulay sa kilay tsaka sila nagtawanan. Napabuntong hininga nalang ako tsaka hinarap si Utol.
"Sige na una ka na" pilit ngiting sabi ko,kumunot ang noo nya tsaka tinignan yung mga kampon ng make up."Hindi"napamulagat ako sa sinabi nya."Lagi ba silang ganyan sayo?"tanong pa nya kaya napayuko ako....naman eh ayaw kong may magkagulo.
BINABASA MO ANG
Mahal kita, alam mo ba...(Mayyang)
Teen Fiction[Completed] (First to read.) "Know your worth, and stop giving discounts to others."