Mayyang 'Ganda' Pov
Nagpaliwanag narin si Jiminne kahit alam ko na ang totoo. Naiintindihan ko siya,nagawa lang niya iyon dahil kila Jenevie. Yung impaktitang iyon!
Kahit naman ako gagawin ko rin iyon ano.
Umalis narin ang iba dahil may gagawin paraw sila. Ang mga naiwan lang ay sila tatang, nanang, Nikki, Gregorio, at si Jiminne.
Ewan ko kung bakit nagpaiwan ang tatlong ito. Baka nagustuhan ang probinsya namin o di kaya nagagandahan na sa akin.
Masakit yung mga nalaman ko pero dahil nag paliwanag na sila sa akin gumaan narin ang pakiramdam ko. Mas mabuti na iyon ganito.
"Nikki iha okay lang ba kung magkakwarto muna kayo ni Mayyang?" napalingon naman kami kay nanang na pababa sa hagdanan naming kahoy.
Nasa sala kami ngayon at magkaka harap harap. Nagpapahinga.
"Yes po. Okay lang naman po. Mas gusto ko nga po iyon para makapag usap pa kami ni Mayyang at bonding narin."nakangiting tugon ni Nikki kay nanang.
Pinagmasdan ko siya. Kung hindi dahil sa kanya hindi gagaan ngayon ang pakiramdam ko. Kung wala siya sa tabi ko baka nga bumigay na ako. Buti nalang hindi dahil kung magpapakamatay ako maraming lalaki ang iiyak.
Nag iisa pa naman itong kagandahan kong ito.
Kahoy lang din naman ang mga upuan namin at sa harap ay meron kaming maliit na tv.
Ang nakukuha lang eh abs-cbn pero dahil wala na nga hindi na namin binubuksan pa. Namiss ko tuloy si meme Vice at yung mga nasa showtime. Yun lang talaga ang pinapanood ko dahil kapag nanonood ako nun lagi akong natatawa at nagiging maganda ang araw ko.
Okay lang sana kung nakukuha rin ng tv namin iyong GMA pero wala talaga eh. Pasensya na mahirap lang.
"Jiminne at Gretchen doon muna kayo sa kwarto ni Dave tutal wala naman siya. Sigurado namang hindi mo re-rape pin si Jiminne ano Gretchen? " natawa kami dahil sa sinabi ni nanang.
Bumusangot naman si Gregorio.
"Duh Mommy! Hindi ko siya type. Iba ang gusto ko." aba!maka mami ah!
"Aba'y sino naman iyan?"
"Secret po baka ma-showbiz ."
"Ikaw talaga. Oh sige na kain na tayo at ng makapagpahinga na ang lahat."
Kanya kanya naman kaming tayo at pumunta sa hapag kainan.
"Pagpasensiyahan niyo na ang ulam ha. Yan lang kasi ang kaya eh." si tatang na ngayon ay hinihintay na kami sa pagkakaupo.
"Ahmm it's okay lang po." magalang na sabi ni Nikki.
Sus! Kung alam ko lang nagiging mahinhin lang ito kapag kausap sila nanang. Pero ang totoo parehas kaming shu shunga shunga.
Kukuha na sana ng pagkain si Gregorio ng agad kong tinampal ang kamay niya.
Nasa kanan kasi niya ako habang sa kaliwa ko naman si Nikki. Tapos sila nanang at tatang naman sa kabila katabi si Jiminne.
Hindi masiyadong umiimik si Jiminne tapos kapag tumitingin ako sa kanya nahuhuli ko siyang nakatitig sa akin pero kapag naman nahuli ko na agad titingin sa ibang direksiyon.
"Ano ba!"angil ni Gregorio sa ginawa ko pero kaming dalawa lang ang nakakarinig.
"Magdadasal muna shunga ka." mukhang hindi niya iyon inaasahan.
Baka hindi sila nagdadasal kapag kakain na. Dito kasi sa bahay dito sa probinsya ayaw na ayaw nila tatang na hindi kami magdasal bago kumain dahil daw grasiya ito para sa amin at kailangang magpasalamat.
Agad kong hinawakan ang kamay ng dalawang katabi ko kaya naman ginawa rin nila ito kila nanang. Nag abot ang mga kamay at ang magdadasal ngayon ay si nanang nag boluntir siya.
At kapag si nanang na ang nagdasal siguradong mahaba ito kaya agad na akong nagsalita.
"Nanang ako na lang po ang magdadasal tutal ngayon nalang ulit ako nakadalaw dito." ngumuso naman si nanang dahil magsasalita na sana siya habang napahagikgik naman si tatang dahil alam niya kung bakit ko pinigilan si nanang.
Nakita naman ito ni nanang kaya agad niyang tinampal ang braso ni tatang kaya napatigil narin siya at itinikom ang labi.
"Maraming salamat po sa biyayang ibinigay niyo sa amin panginoon. Salamat din at okay na ang lahat at wala ng pro-problemahin pa. Tuluyan niyo po kaming patnubayan sa lahat lahat. Maraming salamat panginoon."
Pagkatapos ng dasal ay agad na akong kumuha ng kakainin. Merong adobong palakang bukid, pinakbet, hilaw na monaman at laplapit. Nasa suha ang mga isda kaya mas lalong masarap.
Lahat kinuhanan ko dahil takam na takam na ako dahil ngayon na lang ulit ako makakakain nito.
Napansin kong nakatingin lang ang tatlo sa akin habang sumusubo at kumakain na. Tinignan ko ang pinggan nila at kanin palang ang andoon. Napangisi ako.
Agad akong nagsandok ng lahat at inilagay sa pinggan nilang tatlo. Magproprotesta sana sila pero agad kong nginuso si nanang na naghihintay na kainin ng tatlo ang luto niya.
Ngumiti naman ng peke ang tatlo at tumingin sa kani kanilang pinggan na napapalunok pa.
"Is this edible tita?" kagat labing nahihiyang tanong ni Nikki.
Tumango naman si nanang. " Masarap yan. Tikman niyo dali."
Walang nagawa ang tatlo at tinusok tusok muna nila ang pagkain bago kumuha.
Tumingin si Nikki sa akin pero tinataas baba ko lang ang kilay ko habang ngumunguya ng palaka. Nakabusangot na siya ngayon at walang nagawa kundi kainin iyon. Alam kong ayaw nilang masaktan si nanang kapag inayawan nila ang pagkain.
Napangiti ako ng lihim dahil ginagawa nila ngayon ang pagkain ng hindi nila alam na nakakain sa tanang buhay nila para lang kay nanang. Ang saya pala magkaroon ng totoong kaibigan.
"Masarap? Masarap ba?" nag aabang na sabi ni nanang at nakangiti na ngayon sa kanilang tatlo.
"Y-yes po sobraaa. " napipilitang nasasarapan na sabi ni Gregorio habang itinaas pa niya ang daliri sa pagpindutan.
"Buti naman bukas maghahanda ako ng maraming hilaw na isda lalo na at maraming nahuli ngayon si Rohelyo." parang tinakasan ng dugo ang tatlo dahil sa sinabi ni nanang dito.
Napailing nalang ako. Baka hindi pa nagtatagal ang tatlong ito mamatay na.
"Nang. Ako na lang po ang magluluto bukas. Hindi po sila sanay sa mga hindi naluluto na isda baka mategi pa sila." mukhang nakahinga naman ng maluwag ang tatlo dahil sa sinabi ko.
"Ah ganon ba. Sige. Sana sinabi niyo. Lalabas pala kami bukas ng tatang mo Mayyang ikaw muna bahala sa mga kaibigan mo ha."
"Saan kayo pupunta nanang?"
"Kinausap kami ng utol mo at sinabi niyang pumunta daw kami sa pinagkakautangan dahil nabayaran na raw niya ito ang kailangan nalang ay kunin ang mga nagpapatibay na bayad na nga kami. Yung utol mo talaga. Salamat sa kanya at wala na tayong pro-problemahin pa." tumango ako at masaya sa balitang sinabi.
Buti naman at binayaran na ni Utol. Talagang kukutusan ko yun kung hindi niya babayaran lalo na't nalaman ko naring dalawa ang trabaho niya.
Binilin niya rin na wag ipagsasabi sa iba dahil delekado ang trabaho niya. Hindin rin alam nila Nikki at nila tatang kaya okay na. Naitatahimik ko naman ang bibig ko kapag sikreto na.
"Sige po nang. Pag andoon na kayo pungutem jay buok jay babae ah ." ngingisi ngising sabi ko. Tinaliman naman ako ng tingin ni tatang.
(Translation: hilahin mo ang buhok ng babaeng yun ah.)
"Mayyang masama yan." si tatang. Tinampal naman ni Nanang si tatang.
"Anong masama!Tama lang yun! Akala niya makakaligtas siya sa akin. Aba ikaw na gwapo kong asawa ang kinalantari niya." walang nagawa si tatang kundi tumahimik dahil kapag sinumbatan pa niya si nanang magiging ratatat yang bibig at baka sa labas pa ng kwarto nila nanang siya matulog.
Kaya mabuti ng itikom.
BINABASA MO ANG
Mahal kita, alam mo ba...(Mayyang)
Teen Fiction[Completed] (First to read.) "Know your worth, and stop giving discounts to others."