Chapter 60

0 0 0
                                    

Mayyang 'Ganda' Pov

Maaga akong nagising dahil ang sabi ni Jiminne ay umaga palang aalis na kami kaya ngayon nagkukumahog na akong pumili ng damit ko.

Sa sobrang saya ko ay ako na halos ang naglinis sa buong bahay mula sa bakuran, sa loob ng bahay, sa pagluluto at paghuhugas. At mukhang pansin na ni nanang ang mga ginagawa ko.

"Mukhang masaya tayo ngayon ah? Anong meron?"

"Nanang naman wala toh." pakyut na boses na sabi ko may kasama pang maarteng kunwaring sampal sa braso ni nanang.

"Asus! Bumalbalasang tuy anak kon. Dim kayat mapan maki ay-ayam ken dagijay ubbing? " naalala ko rin iyon pero mas importante sa akin ngayon ang deyt namin ni Jiminne.

(Translation: Dalaga na ang anak ko ah. Ayaw mo na bang maglaro sa mga batang kaibigan mon?"

"Sa susunod na lang nang. May deyt kami ngayon ni Jiminne eh." tsaka ako napatili kagaya din ni nanang.

Mukha narin siyang dalaga na nililigawan. Nagpakita din sa akin ang bungi na ngipin ni nanang pero maganda naman siya. Yun nga lang mas maganda ako.

"Saan kayo mag de-deyt? "eksayted na sabi ni nanang humawak pa siya sa kamay ko.

"Ewan ko. Basta kasama ko siya kahit saan kami magpunta ayos lang sa akin." agad namang umasim ang mukha ni nanang.

"Siraulo kang bata ka. Napakarupok mo talaga. Akala ko ba papahirapan mo muna?"taas kilay na sabi niya may kasama pang batok.

Hinimas ko ang leeg kong binatukan niya. "Saan ba ako nagmana ha nang? Diba sayo rin naman." hindi rin ako nagpatalo ano tinaas ko rin ang kilay ko.

"Aba! Edi apir tayo jan. Samahan to ng mga marurupok." at nag apir nga kami at parang tangang natawanan.

Pagkatapos kumain ay pumunta na ako sa kwarto nila Jiminne dahil hindi pa siya kumakain baka nga naligo na agad at hindi na makapaghintay na i-deyt ako.

Nalimutan pang kumain dahil eksayted din siya katulad ko.

Nakaayos narin ako at nag meyk ap ako ng konti para naman magka kulay ang mukha ko.

Kumatok na ako pero wala parin kaya naman binuksan ko na ng dahan dahan ang pintuan at halos lumaylay ang balikat ko sa nadatnan.

"Akala ko ba may deyt tayo ha?" inis na sabi ko pero nakapikit parin siya. Sarap na sarap sa tulog ang animal.

"Sabi mo maaga tayo kaya maaga akong nagising at nag ayos tapos ikaw ni wala pang ligo at nakahandusay lang jaan sa kama ha?!"

"Ano? Gumising kang animal ka."

Unti unti siyang nagmulat at tumingin sa akin. Nagpapakyut amp*ta. Halos mangunot ang noo ko.

"I'm s-sorry Ow... Gusto kong l-lumaba-s tayo pero ngayon pa ako d-dinatnan ng lagna-t." tsaka pa siya nagkunwaring mahina ang boses!

Halos pumutok ang butchi ko sa palusot niya.

"T*ngina mo! Kung paraan mo toh para maghiganti sa mga ginagawa ko sayong pag hihirap aba bumabawi ka pang animal ka!"

"No..."

"Kung ayaw mo sa akin umalis ka na at wag na wag kang mag papanggap na nilalagnat na gago ka." narinig ko pa ang tawag niya sa akin pero nagtuloy tuloy na ako sa paglalakad palabas sa bahay.

Nadatnan ko doon si nanang na nakaupo sa duyan.

"Oh? Asaan na si Jiminne? "

"Wala. Aalis na ako nang."

Mahal kita, alam mo ba...(Mayyang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon