Mayyang 'Ganda' Pov
Papunta na ako sa canteen at hinahanap ko ngayon kung saan si Jiminne dodong ko.
Nagpalinga linga ako at....boom...nakita ko na sya kasama nya yung dalawang kaibigan nya kumakain na rin sila.
Nagdiretso ako sa pila at ng makakuha ako ng pagkain dumiretso ako kung saan sila Jiminne. Nilapag ko sa harapan nila ang tray na laman eh pagkain.
"Pwedeng makiupo?"
"No" deretsong sabi ni Jiminne dodong ko na may kunot sa noo pati narin yung isa pa na si Emjey,si Justin nakangisi lang sa akin.
"Salamat" sabi ko at umupo na sa tabi nya na nakakunot noo parin.
"Diba sabi ko no" sabi na naman nya na mas lalong nangunot ang noo.
Sa halip na sagutin ko ang sinabi nya."Alam mo ba sabi sa akin ni Utol na papangit ka raw kung nakakunot ang noo mo?" Sabi ko." Dapat ganto lang"
Tsaka ko hinawakan ng dalawa kong kamay ang noo nyang nakakunot . Hinaplos ko yun kung kaya't nawala ang pagkakunot,napatawa naman yung dalawa dahil sa ginawa ko habang gulat naman na ngayon ang mukha ni Jiminne dodong ko.
"What do you think your doing?" Medyo nahimas masan na sya at bumalik na sa dati ang itsura nya.
"Tagalog...pwede?" Ngumiti ako ng pilit.
Sa halip na sagutin nya ako ay sinamaan lang nya ako ng tingin at kumain na.
"Haha ano yung Utol Mayyang?" Tanong ni Justin kaya tumingin ako sa kanya at sinimulan ng kumain.
dO_Ob
Anak ng tinapa naman oh! Tao pa ba ang mga toh.
"Utol?....ahmm tawag ko kasi yun sa isang lalaki na sobrang importante sa akin hehe" hindi ko sinabi ibig sabihin ng utol sila nalang bahala mag hanap noh.
"Ha?"
"Wala kain ka nalang dyan"
Nagkibit balikat nalang sya at itinuloy ang pagkain.
"So tell us---- i mean magkwento ka naman sa buhay mo" biglang sabat ni Emjey.
"Eh?...okay,ako si Mayyang" tinaasan nila ako ng kilay sa sinabi ko. Hindi ako masyadong palakwento tungkol sa buhay ko haha joke.
"Yun lang?sino Papa mo?sino Mama mo?" Tanong na naman ni Emjey...pansin ko palatanong tung lalaking toh samantalang palatawa naman si Justin....
"Ah Papa ko si Tatang Rohelyo at ang Mama ko naman si Nanang Kristina" ngiting sabi ko. Naalala ko na naman ang magulang ko. Lagi kasi silang naglalambingan sa bahay hehe. Siguro naglalambingan na naman sila ngayon.
"Probinsyana ka?" Tanong ni Emjey.
"Ah oo tsaka alam ko ring magsalita ng ilocano" sabi ko napamaang naman sila sa sinabi ko.
"Sige nga magsalita ka ng ilocano" parang na e-eksayt na sabi ni Emjey.
"Magsabi ka ng words at sasabihin ko ng ilocano"napataas ng kamay si Justin kaya natawa ako.
" Oh?"
"Anong ilocano ng...." Nag isip pa sya. "Ah alam ko na 'mahal kita'" napatawa naman ako sa sinabi nya. Kadami dami pwedeng tanungin yun pa talaga.
"P*tangina yan talaga?" natatawang tanong ko. Tinignan ko sila at halos silang lahat natameme at napakurap kurap sa sinabi ko.
"Anak ng! "
"Ano? natameme na kayo sa ganda ko haha."
"Nagmumura ka?"tanong nila.
"Hindi, nagmamahal."irap kong sabi. Umayos naman sila ng upo.
BINABASA MO ANG
Mahal kita, alam mo ba...(Mayyang)
Teen Fiction[Completed] (First to read.) "Know your worth, and stop giving discounts to others."