Chapter 54

0 0 0
                                    

Nikki's Pov

Naabutan kong nakaupo lang sa dahunan si Mayyang. Ng sinabi niyang puntahan ko siya hindi na ako nagdalawang isip pa at agad agad akong pumunta.

Alam kong mabigat ang pinagdadaanan niya ngayon dahil nalaman ko lang din na sinabi na nila lahat lahat. Imagine carrying all that pain. Pag ako yun nagpakamatay na ako. Just kidding.

"Mayyang..."napalingon naman siya sa akin at agad nagliwanag ang kanyang mukha.

Tumayo siya at mabilis na pumunta sa akin para yumakap. Napabuntong hininga nalang ako ng yumugyog na ang kanyang braso.

She's crying....on my shoulder.

"Nikki ang sakit." ginantihan ko siya ng yakap at hinigpitan ito. Ipinaparamdam na she's not alone. Because I'm here.

"Mayyang may...m-may sasabihin ako."medyo nautal pa ako pero nakayanan ko namang sinabi .

I'm sorry Mayyang pero kailangan sabihin ko narin sa iyo ito para isang bagsakan na lang ang sakit para sayo. If you'll kick me out I won't go,I won't leave you.

Because I promise that no matter what happen now. I will be by your side.

Marami ka ng ginawa sa akin kaya ako naman ngayon.

Naghihintay ang tingin niya sa akin. Kumalas narin siya sa yakap at hinihintay ang sasabihin ko. Bumuga muna ako ng hangin at pinatatag ang sarili para hindi maduwag na ipagsabi sa kanya.

I know I will give her more pain but I have to say it baka mahuli pa ako at maunahan nila Jenevie. Ayoko ng magpaloko.

Bumuka na ang bibig ko at lahat lahat sinabi ko sa kanya simula sa plano nila Jenevie na siraan sila ni Jiminne hanggang sa naging kasabwat na nila ako. Lahat lahat sinabi ko hindi ako nagtira ng kahit kaunti para hindi ito ipagsabi sa kanya.

She deserves to know.

Kitang kita ko kung paano nadaragdagan ang sakit sa kanyang mata at sa pag iyak niya'y parang sobra sobra na na parang hinidi na niya kaya.

Lalapitan ko sana siya para aluhin at mag sorry pero itinaas niya lang kabilang kamay para pigilan ako.

Napayuko ako dahil hindi ko na kaya ang sakit na nararamdaman niya. Doon narin unti unting bumuhos ang luha ko dahil sa hinanakit niya.

Unti unti siyang tumalikod sa akin at hinarap ang malaking espasyo na nasa harapan namin ngayon. Na kahit magsumigaw ka okay lang dahil malawak ito.

Walang kabahayan, malayo sa mga tao. Walang makakaistorbo kung iiyak ka man dito.

Nakita kong kumuyom ang kamao niya kaya mas lalo akong naiyak. Hindi ko pinarinig sa kanya ang paghikbi ko dahil alam kong dadagdag lang ako sa kanya.

"P*tanginnnnnaaaaaaaaaa!!!! Anong ginawa ko na masama para mangyari ang lahat ng ito sa akin! Ginawa ko naman lahat para maging isang mabuting anak, kapatid, kaibigan at studyante ah! Karma ko na ba ito sa laging pagmumura ko! Eh putcha naman pala!!! Sana sinabi niyo para sa una pa lang hindi na ako nagmumura! Hindi ako nagreklamo sa lahat!Kahit isang beses hindi ako sumuko! Pero...pero bakit ganito...."punong puno ng hinagpis ang bawat salitang lumalabas sa kanyang labi.

Lahat isinigaw na parang doon gagaan ang loob niya. I hope so.

I didn't hesitate to walk fast at her and grab her arms and hug her tight.

"Mayyang.....sorry, sorry for everything. I know this is our fault kaya ka ganito pero sana wag kang susuko."

Tumingin siya sa akin at medyo nagulat pa dahil sa itsura ko ngayong umiiyak na rin.

Mahal kita, alam mo ba...(Mayyang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon