Chapter 38

2 0 0
                                    

Mayyang 'Ganda' Pov

"Napakadugyot talaga ng mga babae dito hayst. Kung anong kinayaman nila ganun din sila kinayaman sa dumi mga animal talaga bwisit. Babae pa ba ang mga yun.."salita lang ako ng salita habang brinabrash itong sahig na madumu dumi na.

Aba!Kung wala lang sign doon sa pintuan na pangbabaeng kubeta toh mapagkakamalan kong kubeta ng mga hayop toh.

Akalain nyo meron pa akong nakita napkin na nakasuksok sa gilid ng lababo dito. Meron naman kasing basurahan hindi pa ilagay agad doon. Anong akala nila makakalakad nalang ng basta basta yang napkin nila?

Ano yun may majik ganon? Pag sinabi mong pumunta ka sa basurahan pupunta ba yun? Langya!

Nasisira ang ganda ko dito.

"Panghuling kubeta na toh sa babae Mayyang kaya mo yan."pagka-usap ko sa sarili ko.

Aba! Kailangan ko rin kausapin sarili ko ngayon at ng hindi ako maboring tss.

Nakatali na din kasi itong buhok ko at nakatupi itong pantalon ko dahil baka mabasa pa. Inipit ko muna sa kili kili ko yung walis tingting para tignan kung anong oras na ba.Tinignan ko ang orasan sa keypad kong selpon.

Mag a-alasdos palang naman. Aba! Hindi biro dito ah pumasok ako dito kaninang ala-una tapos matatapos ko ngayong alas dos.

Ang dumi ba naman. Nasa pangalawang palapag palang ako. Hindi pa tapos sa pangatlong palapag.

Lalaki pa hayst.

"Anak ka ng pangit oh!"nainis ako sa nakita ko dito sa kubeta.

Langya!

Hindi ba sila marunong pumindot nitong flush? Kung matigok nalang kaya sila?

Napaka dilaw nitong kubetang pang huli naku!

Ng mapindot ko na ay agad kong binitbit ang isang walis tingting ,brush, at mop. Doon naman ngayon ako sa mga lalaki dito sa pangalawang palapag.

dO_Ob

Pagkapasok ko palang napanganga na ako at nagulat.

Agad ulit akong lumabas at baka nagkamali ako ng pinasukan pero talagang panglalaking kubeta ito eh. Baka naman nagbaliktad ng kubeta ang mga lalaki at babae?

Pano ko nasabe?

Aba!

Ang linis dito sa panglalakeng kubeta. Baka nga pwede ng panalamin ang sahig eh. Langya! Dinaig pa nila ang mga babae dito sa pangalawang palapag.

Kung pwede nga lang na dito na matulog ginawa ko na. Gusto nyo pa dilaan ko yung sahig. Chos!

Kung ganito ba naman kalinis mga babae dito edi sana maayos ayos pa ang mukha ko.

Nakabusangot akong pumunta sa pangatlong palapag dahil hindi ko naman na kailangan linisin yung panglalaki doon dahil malinis na.

Pagkapasok na pagkapasok ko palang sa pang babaeng kubeta naabutan ko na doon yung tatlong kampon ng mga make-up .

Napalingon naman sila sa akin at tinaasan ako ng kilay at ng makita nila ang mga hawak ko agad silang ngumisi.

"Ah...bagay mo naman palang maging janitor bakit hindi nalang yun ang kunin mo keysa mag aral ka pa."pang i-insulto sa akin ni Jenevie na may ngisi sa labi.

"Bagay mo rin maging clown ba't hindi nalang yun ang kunin mo na trabaho rin kaysa mag aral ka pa."panggagaya ko sa maarteng pagsabi nya at ngumisi rin pabalik.

Nawala naman ang ngisi nya at tinaasan ako ng kilay.

Aba!

Hindi ako magpapatalo ano tinaasan ko rin sya ng kilay.

"Tss such a loser. Let's go gurls!"tsaka sya unang nag martsa paalis dito sa cr.

"Di palang kasi sabihin na nabarado yung bibig nya kaya sya aalis tss."bubulong bulong na sabi ko.

Hindi din naman narinig nung dalawa kaya sila nagtuloy tuloy sa pag labas. Pero bago sila lumabas nginitian ako ni Nikki pero inirapan ko lang sya.

Akala siguro nya papalampasin ko yung nalaman ko kay dean.

A-S-A!!

Medyo lang naman ang dumi dito sa kubeta namin kaya mabilis lang akong natapos. Dala dala ang mga gamit ay agad akong pumunta sa panglalaking kubeta.

Pagkapasok ko palang...

dO_Ob

d>_<b

"WAAAHHHHHHH!!!!"sigaw ko at nalaglag lahat ang mga hawak ko.

Napalingon naman halos lahat sila sa akin at kagaya ko napalaki rin ang mga mata. Nagsitakbuhan yung mga iba sa banyo nila at yung iba naman kanya kanyang hablot ng mga twalya.

Tinakpan ko pa ang mukha ko ng dalawa kong kamay dahil hindi matanggap ng mga inosente kong mata ang mga nakahain na pandesal--este hubad nilang katawan.

Tumalikod pa ako at napapikit ng mariin dapat kasi kumatok muna ako eh! Wala ka talagang silbing utak ka!

Nakakahiya!!

Wahhhh!! Nanang ko!!

"T-tapos na ba kayo?"nahihiyang sabi ko.

"Ah eh tapos na Miss. Dapat kasi kumatok ka muna yan tuloy nakita mo ang dapat hindi makita. Nag hi ba sayo mga junior namin? HAHAHA."napalunok pa ako at mag kumabog yung dibdib ko.

"Eh hindi ko naman alam na nakahubad kayo!"sigaw ko pero nakatalikod parin ako. Mahirap na baka may makita ulet ako at mangyari yang sinabi nung nagsalita at may mag hi nga sa akin.

"HAHAHA hindi mo ba alam na banyo ito ng mga basketball player?"anong alam ko jan?

Eh hindi ko naman alam tss.

"Hindi...tsaka dapat kasi nag sasara kayo ng pintuan bwisit."

"Hindi naman namin alam na may papasok na pangit dito eh."

dO_Ob

ANO RAW??!!!

PANGIT??

AKO?!!!

Napaharap ako ng wala sa oras at agad tinakbo kung sino man yung nagsalita na lalaki. Aba ewan ko kung sya ang nagsalita pero kasi sya yung nasa likuran ko kanina na nakangisi at yung iba nakaupo naman.

"Aray!! Ano ba ang sakit."reklamo nya pero sinabunutan ko parin sya.

"WALANGHIYA KA!! HINDI AKO PANGIT!! MAGANDA AKO ANIMAL KA!." sigaw ko pa kaya natawa naman yung mga nanonood sa amin habang itong lalaking toh nakangisi lang na parang hindi masakit yung pagsabunot ko sa kanya.

"Hahaha Miss mukhang ni re-rape mo na sya ah."

"Duma-damoves ang putek.."

"Langya haha."

"Dapat nakikita ito ni Jiminne eh."

Nabalik agad ako sa wisyo ng marinig ko ang irog ko. Napabaling naman ako sa pwesto namin dalawa ng animal na ito at napalaki ang mata ko.

WAAHHH!!

LANGYA!!NAKAKAHIYA!!

Nakahiga sya at ako naman nakapatong sa kanya pero nakaupo ako sa tsan nya. Kuha nyo?

"What the hell?!!"napalayo ako ng wala sa oras sa lalaking iyon ng may magsalita galing sa pintuan yata dahil nakatalikod ako sa pintuan.

Mahal kita, alam mo ba...(Mayyang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon