Chapter 8

15 0 0
                                    

Mayyang 'Ganda' Pov

"Sexy ng ginawa mo bakla,sige pose ka narin ng mga tinuro ko" bulong nya kaya nag ready na ako.

Natauhan naman ang lahat kaya nagsimula na ang posing.

"In three..two...one...*click*...nice" fears ang ginawa ko at nakatingin kay Jiminne dodong ko na ngayon ay hindi parin makapaniwala ,napalunok pa sya ng magsalubong ang tingin namin. Paulit ulit lang ang sinasabi ng photographer kaya pose lang din ako ng pose pero lahat ng iyon ay nakatingin ako kay Jiminne dodong ko.

"Okay ...I hope the next day will be such a perfect one too Miss?...anong pangalan mo pala?....yun na kasi sana ang ilalagay naming screen name mo" sabi ng photographer kaya ngumiti ako....

"Mayyang po mamang photographer"

"Mayyang?wala na bang ibang pwedeng pangalan mo?"

"Why don't you say your real name Owenne?"

dO_Ob

Napalaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Jiminne dodong ko...paano na nya nalaman ang totoong pangalan ko?

Utol!!!t*ngina talaga ng lalaking yun napakadaldal.

Halos hindi ako makagalaw sa pwesto ko dahil doon.Hindi!!!

Hindii toh pwedee!!

Sinamaan ko sya ng tingin."Owenne?wow it's a unique name..yun nalang"sabi ni photographer magrereklamo pa sana ako kaso umalis na yung photographer.

Bumaling ako kay Jiminne dodong ko at sinamaan sya ng tingin. Hinila ko sya at pumunta sa wala masyadong taong lugar. At halos magdilim ang paningin ko.

"Ano bang problema mo ha?!bakit mo sinabi sa mamang photographer na yun ang totoong pangalan ko?" Medyo hindi na ako nakatiis pa kaya nasigawan ko sya.

"Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay ang sinasabi ang totoo kong pangalan!"sigaw ko pa.Halos manginig na ang boses ko sa pagsigaw sa kanya.

"Hey easy...ano bang kinagagalit mo?sinabi ko lang ang totoo mong pangalan mas maganda pa 'yun kaysa sa Mayyang na pangalan mo" sabi nya pero parang lahat ng iyon ay parang hindi ko na marinig.

Mas lalong nanlisik ang mata ko at tinignan sya,ng tignan naman nya ako ay parang nagulat sya sa mata kong galit na.

"H-hey...why are you looking at me like that?" Medyo kinabahan na sya.

Hindi ko na napigilan at biglang nanlambot ang dalawa kong tuhod kaya napaupo ako sa sahig na-alarma naman si Jiminne dodong ko at lumapit sa akin at umupo rin sa sahig para magkapantay kami.

"Hey what's wrong?kung about yun sa sinabi ko sa photographer don't worry sasabihin kong ayaw mo nun" pag-aalo nya sa akin tinignan ko sya sa mata. Tumingin din sya.

Bigla akong napaluha kaya agad nya itong pinunasan sa pamamagitan ng dalawa nyang daliri . "Hey baby don't cry" sabi pa nya ,mas lalo akong naiyak.

"Ayokong mawala ka Jiminne dodong ko" sabi ko na nagpakunot naman ng noo nya. Ah-oh.

"Ha?ba't naman ako mawawala?" Umiwas ako ng tingin,hinawakan nya ang baba ko at iniharap ulit sa kanya."Tell me...makikinig ako"

"W-wala."bumuntong hininga ako at tinitigan sya ng nakikiusap. Hindi ko natiis na may malaglag na naman na butil sa akin mata.

T*ngina naman oh! Ayaw pang makisama ng mata ko bwisit!

"Shhh.... Kung ayaw mong magkwento ayos lang.I'm sorry don't worry papakiusapan ko nalang yung photographer at second name mo nalang ang sasabihin ko....if that's okay with you?" Tumango nalang ako dahil nakayakap ngayon sa akin si Jiminne dodong ko at ang bango bango nya waahhhh!

Mahal kita, alam mo ba...(Mayyang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon