Mayyang 'Ganda' Pov
Napakurap kurap ako ng ilang beses bago ako umiwas ng tingin.
"Halika na nga."tsaka ko sya hinila na para iwasan ang kakaibang tingin nya sa akin.
Pagpasok palang namin ay napatunganga na ako dahil sa raming pag lalaruan meron pang mga sakayan na halos lumuwa ang mata ko dahil sa taas nila.
Pumunta na ako dito ang kaso doon lang ako sa mga upuan. Tanda nyo ba? Nung oras na binigyan ako ni Jiminne dodong ko ng apple na inumin?
Kung hindi nyo matandaan bahala kayo sa buhay nyo..de joke lang haha.
Habang abala ang mata ko sa pagtitingin tingin may umakbay sa akin at ng maamoy ko ang pabango nya na sobrang gustong gusto ko alam ko na kung sino sya.
"So..saan tayo?"tanong nya at nakangiti na nakatingin sa akin. Ang gwapo talaga ahmmp!
"Kain muna tayo."natawa naman sya ng bahagya.
"Talagang hindi mo malilimutan ang pagkain noh."napanguso naman ako.
"Talaga!"nagmamalaki na sabi ko. "Pud is layp eh."
"Tumaba ka jan ah."
"Baket? Kapag ba tumaba ako hindi mo na ako gusto...."napakurap kurap sya sa sinabi ko at napaawang ang bunganga nya.
dO_Ob
Huli na ng maproseso ko ang sinabi ko sa kanya. Babawiin ko sana ang kaso nagsalita na sya.
"Syempre kahit sobrang mataba ka na magugustuhan parin kita. Ikaw yan eh"
dO_Ob
Napalaki ang mata ko sa sinabi nya.
"H-ha?"
"I like you Ow."halos tumalon ang puso ko sa narinig ko.
dO_Ob
"B-iro ba yan? Hindi nakakatawa ah."
"I'm not joking."seryoso nga ang mukha nya tae!
d>>_<<d
Namang oh!
"Ah.. kain na tayo"naiilang na sabi ko.
Bago pa ako makalakad ay hinawakan na nya ang braso ko. Yung ang dahilan kung bakit ako nahinto.
"Don't you like me too??"halos lumuwa na ang mata ko sa sinabi nya .
"A-ah...."
d>>_<<b
Ano bang sasabihin ko!! Wag kang marupok Mayyang. Sinasabi ko sayo wag kang bibigay agad!
Mayyang! Wag marupok.
Wag marupok.
"Gusto rin kita."halos batukan ko na ang sarili ko dahil sa tugon ko sa kanya. Sinabing wag marupok eh!
Lah nah!!
Finish na!
Lumawak ang ngisi nya at napalitan ito ng matamis na ngiti na maka-laglag panti. Ahmmp! Mayyang yang panti mo mahulog hawakan mong maigi!
"So....liligawan na ba kita?"nakangiti paring sabi nya.
"Ha?"aniko. "Akala ko ba tayo na?"kamot batok kong sabi.
"Haha.Ayaw mong magpaligaw?"
"Magpapaligaw pa ba ako??Eh sayo rin naman ang bagsak ko. Maghihirap ka lang."
"Masyadong advance utak naten ah?hahahha"tsaka nya ako inakbayan kaya naman napangiti ako.
"Ako pa."
BINABASA MO ANG
Mahal kita, alam mo ba...(Mayyang)
Teen Fiction[Completed] (First to read.) "Know your worth, and stop giving discounts to others."