Chapter 32

3 0 0
                                    

Mayyang 'Ganda' Pov

Pagkatapos ng pagbisita namin sa burol ng asawa ni Utol bumalik na kami dito sa bahay. At tungkol naman sa bata , kinuha na sya ni Utol at sinabing responsibilidad nyang alagaan si Massie.

Tsaka sya nalang din naman daw ang naiwan sa kanya ng mahal nya. Paminsan minsan nakikita ko paring malungkot si Utol pero sa tingin ko naman naghihilom na yung sugat nya sa puso dahil narin siguro sa anak nya.

Tumigil narin muna si Utol sa pagtatrabaho at mas binigyang pansin ang anak nya. Alam nadin ito nila nanang at tatang pero hindi sila nakapunta sa burol ng mahal ni Utol dahil narin mahina pa si tatang.

At ako naman tuloy parin sa pagtatrabaho bilang model ng C.O.B lalo na at sumisikat na ito.

"Gregorio......"mahinang nasambit ko ng lumapit sya sa akin.

Nasa paaralan kasi kami ngayon at hindi pa kami nag uusap ni Gregorio. Tsaka ngayon lang din sya pumasok. Matunog padin ang ginawa nya sa pango na airplane at alam nyo ba? May pans klab na itong baklitang ito.

Bakla nga ba?

Ayst!

"Hey May."nakangiting sabi nya na parang walang ginawa noong nakaraan.

"Huy."sabi pa nya ng mapansin na nakatingin lang ako sa kanya kaya napakurap kurap muna ako.

Ewan ko kung kokomprontahin ko siya oh ano. Baka kasi mabastusan siya dahil niligtas na nga niya ako ganun pa ang tanong ko. Bumuntong hininga ako at pumikit ng mariin.

Napalunok ako at nagsalita.

"T-tungkol sa--"

"Nako naman bakla ka!"tili nya kaya nagulat ako.

"Baket?"

"Kung iniisip mo na straight na akong lalaki nako! Tsurbanes akech ah. Sayang lang ang ganda akech. Tsaka ginawa lang naman ng baklita iyon dahil sa ngetpa na lalaking iyon."

dO_Ob

"Ano? speechless na ang ganda mo? Natulaley sa ganda ko?"tsaka sya kunwaring may mahabang buhok na plinip.

"A-kala ko kase lalaki ka na."naguguluhang sabi ko.

Aba! biglaan ba namang kabugin ng makapadugo ng ilong na baklang salita.

"Bola man ang aking ehem atleast may ring paren NYAHAHAHA."tsaka na sya humagalpak ng tawa.

Tek nut pangbaklang tawa talaga ang ginawa nya. Ngayon naintindihan ko na. Bakla talaga sya at nagpanggap lang na lalaki sa harapan ni pango na airplane para maipagtanggol ako.

Awww!

Ang sweet nya talaga.

"Pero paano mo sya nalabanan?"tanong ko.

"Ay baka hindi mo alam na nag aaral din ako ng taekwondo para sa self defense ng bakla."ahhh...

Lumapit ako sa kanya at kumapit sa braso nya. Napalayo naman sya ng konti at tinulak ng kamay nya ang noo ko na parang nandidiri sa akin.

"Hoy bakla ka. Hindi tayo talo ha."paala pa nya.

"Alam ko eto naman. Meron sana akong hihilingin."nagpakyut na ako sa lagay na yan ah.

"Hindi ako si starla para tuparin yang hiling mo."maarteng sabi nya. Ngumuso naman ako at nagkunyapit ulit sa braso nya.

"Sige na Gretchen~~~~"

"Ay! Ngayon mo lang ako tinawag sa ganyan ah?"

Ngumiti naman ako ng malapad.

"Gretchen~~~"mas nilambingan ko pa ang boses ko.

Mahal kita, alam mo ba...(Mayyang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon