Mayyang 'Depress' Pov
"Oh? Ang aga mo naman."bungad sa akin ni Utol pagpasok ko palang sa loob ng bahay.
Tinignan ko siyang nakakunot ang noo. Parang na wi-wirduhan na maaga ako. Saan maaga dito? Alas dose naman na. Anong gusto niya umaga na ako bumalik? Iba ren.
Binaba na lang ako kanina ni Gregorio sa harap ng bahay at umalis na agad. Nahihilo parin ako pero kaya ko pa namang maglakad.
"Owie...what?"sabi pa niya ng hindi ako nagsalita man lang. Nakatingin lang ako sa kanya.
Umiwas ako ng tingin dahil sinusuri na niya lahat ng galawa ko.
Hinawakan niya ang balikat ko at hinawakan ang ulo ko para ma-iharap ulit ako sa kanyang paningin. Ngayon mukhang nag aalala na ang mukha niya.
"Owie...tell me what's wrong hmm?"napahikbi na ako dahil sa lambing ng boses ni Utol. Nakakadala talaga itong lalaking ito!
Agad akong yumakap sa kanya ng lumandas na ang luha sa aking mata. Nagulat pa siya pero ginantihan na rin niya ako ng sapak--- ng yakap syempre.
"Ba't ka umiiyak? Nagtatanong lang ako kung anong nangyari eh."pahabol pa niya kaya mas lalo kong hinigpitang ang pagkakayakap ko sa kanya.
"Kuya.....k-kuya" para ng gripo ang luha ko dahil wala na talagang tigil ito. Narinig ko siyang huminga ng malalim at niyakap rin ako ng mahigpit. Na parang sinasabi na ang diyaan lang siya para sa akin. Dahil doon mas lalo pa akong naiyak.
"Alam kong may problema. Tinawag mo na ako sa kuya eh. Wag kang mag alala papakinggan ka ni kuya okay? Iiyak mo lang iyan ang dito si kuya hindi ka iiwan."alo niya sa akin at hinimas himas ang likod ko.
Kahit pala ganito ang lagay ko meron parin nag aalala sa akin. Hindi naman sa wala na talagang nag aalala yun nga lang si Utol ang andito para damayan ako sa kasawian ko sa letcheng pag ibig na yan!
P*kyu kang pag ibig ka!
Mamatay ka ng pag ibig ka!
"K-kuya ba't ang sakit? Ang sakit sakit sakit sakit."mas lalo niyang hinigpitan ang yakap sa akin dahil humihikbi na ako.
"Just...just spill it out Owie."nang aalong sabi niya.
Pumikit ako ng mariin.
Huminga ng malalim.
"Gustong gusto ko siya eh. Pero t*ngina niya hindi ba niya kaya ibalik sa akin iyon? Naguguluhan na ako. Kumikilos siya sa paraang parang may malisya na pero wala pala. Alam mo yun Utol? Yung mga ginagawa niya sayo akala mo may ibig ng sabihin yun pala wala lang. Ba't ba kasi napaka assumera ko? Eh gago kasi siya eh. Hindi naman ako mag a-assumera kung hindi siya paasa."
"Shh. Makakalimutan mo din siya. Just take at a time."
"Teyk at a taym? Ewan ko Utol kung oras lang ba..piling ko nga habang buhay na ito eh."
"I know you're better than this Owie wag kang magpapatalo sa p*tang lalaking iyan. He doesn't deserve a girl like you."
"A girl like me that's not worth it."napahiwalay naman agad sa akin si Utol dahil sa sinabi ko. Nakakunot na ang noo niya animong galit dahil sa sinabi ko.
Totoo naman ah?
Bumuntong hininga siya."Know your worth Owie, and stop giving him discounts."
Nakasimangot parin ako sa sinabi niya kaya nagpatuloy siya...
"Saan ka pa makakakita ng isang madaldal, pangit, walang shape ang katawan, hindi masyado marunong sa pagluluto, hindi alam kumanta at parang tanga kung sumayaw diba?" agad ko siyang kinurot sa tagiliran dahil sa sinabi niya.
Ewan ko kung matutuwa dahil napatawa niya ako o maiinis dahil sa panglalait niya sa akin. Natawa din naman siya dahil sa mga pinagsasabi niya.
"See? Now your smiling."
"Eh kung ano anong sinasabi mo kasi diyaan. Makasingit lang ano?"inirapan ko siya at naupo muna sa malambot na upuan.
Tumabi naman siya sa akin.
"I know mahal mo si Jiminne."napalingon naman agad ako sa kanya at muntik pa akong mabululan sa sariling laway dahil sa sinabi niya.
Ako mahal si Jiminne?
Nah! Hindi.
"Nasisiraan ka na ba ng bait Utol ha? Ako mahal yung hinayupak na yun? Ulol. Nag da-drugs ka ba ha? Oh nakakain kalang ng katol." natawa siya ng bahagya sa sinabi ko.
Nakakatawa?
"Then? Kung hindi mo siya mahal ano lang? crush lang ganun?"
"Hindi ko siya kras kasi nga diba gusto ko siya duh!"nawala narin yata yung pagkalasing ko dahil dito tss.
"Gusto? Meron bang 'gusto' na iniiyakan pa? Meron bang 'gusto' na kung makangawa kala mo naman mahal nila ang isa't isa noon. Meron bang 'gusto' na naglalasing pa para kalimutan siya? Meron bang 'gusto' na---ARAY! ANO BA!"reklamo niya ng hinila ko ang buhok niya.
Napaka epal eh.
Hindi ko nga sabi mahal yun. Gusto ko lang.
"Inaantok na ako."
"Inaantok... baka naman iniiwasan lang dahil na-realize na niya na mahal na talaga niya si Jiminne at hindi lamg gusto."sinamaan ko siya ng tingin pero mapang asar na tingin lang ang ibinigay niya kaya agad ko siyang sinugod ulit at sinabunutan.
"ARAY KO!OWIE! ANG SAKIT UY! JOKE LANG EH!HOY! SIGE KA HIHILAHIN KO RIN YANG BUHOK MO!" sigaw pa niya pero hindi ko siya pinakinggan at mas lalo ko pang hinila ang buhok niya.
Nagulat pa ako ng dinakma din ng kamay niya yung buhok ko at hinila din ito.
Napahiyaw pa ako sa pagsabunot niya pero ng makabawi hinila ko rin yung buhok niya lalo. Halos mabuwal na nga kami dahil sa rambulan naming sabunot.
At dahil sa kakasabunot namin sa isa't isa nahulog na kami sa malambot na upuan at nahulog kami sa sahig pero hindi ko na iyon pinansin dahil siya naman natamaan ng sahig at hindi ako hihi.
"Magsitigil nga kayong dalawang magkapatid diyaan!!"napatigil kami sa pagsasabunutan ng marinig namin ang galit na sigaw ni Tiya.
Nasa sahig parin ang pwesto namin at nakahawak parin sa isa't isa sa buhok. Magaan na ngayon ang hawak namin sa isa't isa dahil sa sigaw ni Tiya.
"Tumayo kayo diyaan para kayong mga bata. Mamaya magising si Massie sa inyo. Gabing gabi na."Sermon ni Tiya kaya agad akong tumayo pero bago ako umalis sa pwesto ni Utol hinila ko muna ng isang beses ang buhok niya kaya napahiyaw pa siya bago ako sinamaan ng tingin.
Hindi nadin kasi siya makakaganti dahil agad akong kumaripas ng takbo sa likod ni Tiya ng nahila ko ang buhok niya.
"Matulog na kayo. Ikaw Dave katanda tanda mo na nakikipag sabunutan kapa ano ka babae ha? May anak ka narin tapos nag iisip isip bata ka pa."panenermon ni Tiya kay Utol kaya naman binelatan ko siya at nag aasar na tingin pa ang ginagawa ko.
Itinaas ko pa ang hintuturo ko at nag sign ng 'halaka'
Sinamaan lang niya ako ng tingin dahil wala siyang magawa. Kala niya ha.
Bigla namang tumingin si Tiya sa akin. Lagot!
"At ikaw naman. Maligo ka muna bago matulog ang baho baho mo amoy na amoy ko pa yang mga ininom mo sa club. Matulog ka narin dahil may pasok ka pa bukas. Bakit ba kasi nagpunta punta ka pa sa mga ganyan alam mo namang may pasok ka pa." nakabusangot na ako ngayon habang si Utol naman na ang nang aasar sa akin.
Nakakainis mukha nito hmp!
BINABASA MO ANG
Mahal kita, alam mo ba...(Mayyang)
Teen Fiction[Completed] (First to read.) "Know your worth, and stop giving discounts to others."