Chapter 12

4 0 0
                                    

Mayyang 'Ganda' Pov

"Ah oo KAIBIGAN ko sila" tumingin ako kay Jiminne dodong ko ng sabihin ko ang 'kaibigan' ng madiin. Umiwas naman sya ng tingin.

"Pakilala mo na kami" excited na sabi ni Liit,ang daldal talaga nito.

Bumuntong hininga ako at pinakilala sila isa isa.

"Tangkad,Liit,Medyo sila si Justin ,Emjey at......at Jiminne dodong ko" bulong nalang ang ginawa ko sa 'dodong ko'.

"Justin,Emjey at Jiminne dodong ko sila si Tangkad ,Liit at Medyo"ngumiti ako.

"Seriously?yun talaga ang pangalan niyo?" Tanong ni Emjey yan....yan ang role ni Emjey ang magtanong ng magtanong haha.

"No" si Tangkad ang sumagot,napakunot ang noo ko. Ano raw?hindi?

Hindi ba yun ang ipinakilala nila sa akin? Ano naman ba toh?

"Eh diba yun naman talaga ang pangalan nyo?" Nakangusong sabi ko. Natawa naman sila ng bahagya.

"Haha hindi Mayyang" si Liit na ang sumabat."Sinabi lang namin na yun ang pangalan namin dahil ikaw....ikaw ang prinsesa namin. But ang totoo namin pangalan ay ako si Jeush,si Medyo ay si Benedict habang si Tangkad sya naman si Lawrence"

Hindi padin ako makapaniwala."Seryoso? "

"Oo nga " natawa ng bahagya si Medyo---si Benedict pala.

"But don't worry kung yung nickname namin ang gusto mo paring tawag okay lang" napangiti ako sa sinabi nila.

"Salamat" tsaka ko siya niyakap.

"Ehem" agaw pansin nila Justin kaya napakalas agad ako sa yakap at tumingin sa kanila,nawala sa isip ko sila waahh!

"Ah k-kayo pala Justin anong sa atin?"

"Lahat daw ng mga studyante pupunta sa Tagaytay for a vacation mga 3 days daw tayong mag-e-enjoy doon" si Justin. Bumaling siya sa akin.

"Ano sama ka?"

"Wag na. Kayo na lang" tanggi ko kaya napatingin silang lahat sa akin. Hindi narin siguro dahil wala akong pera na pangbayad sayang lang kung sasama ako at iwawaldas ko ang pera.

Para kay Tatang ang pera ko kaya tinanggihan ko na.

"Ha? Hindi ka sasama?wala ka namang babayaran doon...meron na kasing nagbayad ng sayo" nakangising sabi ni Justin napakunot ako.

"Sino raw?"interesado kong tanong.Tsaka mamaya gwapo yung nagbigaw eh di tiba tiba na haha.

Juk lang!Loyal kaya ako kahit alam kong wala syang gusto sa akin hayss.

"Wag na baka raw mag back out ka kung sasabihin" napasimangot ako sa sinabi nya. Tumingin ako kay Jiminne dodong ko dahil titig na titig sya sa akin. Sya ba?sya ba ang nagbayad?Hays Mayyang wag ka na ngang assuming alam mo namang 'di ka gusto nyan.

"So ano?sasama ka?" Si Emjey na parang inaasahan na papayag ako.

"Sige na sumama ka na. Pupunta rin naman kaming tatlo eh" si Liit. Halos kumbinsihin nila ako sa mga titig nila lalo na itong si Liit kaya naman napahinga ako ng malalim tsaka tumgin sa kanya.

"Sige na nga" napipilitang sabi ko. Napa 'yes' naman sila kaya tumawa ako ng bahagya.

Siguro naman maganda doon dahil hindi pa ako nakakapunta.

"Sila lang pala makakapagpayag sayo" bulong ni Jiminne dodong ko pero narinig ng dalawa kong tainga kaya lumingon ako sa kanya. Tumaas ang kilay ko sa kanya. Bkas din kasi ang iritasyon sa boses nya.

Mahal kita, alam mo ba...(Mayyang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon