Mayyang 'Ganda' Pov
Waaahhh nabasa na ako ,sa akin napunta yung pagkain nya. Tumingin ako sa kanya pero umiwas lang sya ng tingin. Napahinga ako.
"S-sandali lang ha Jiminne dodong ko....n-nabasa kasi ako tsaka amoy kulay pula na bulate na ako magpapalit lang ako hehe" tumawa na lang ako kahit iba ang nararamdaman ko. Hindi sya tumingin sa akin kaya naglakad nalang ako papalabas sa music room na nakayuko dahil lahat sila nakatingin na sa akin.
Paglabas na paglabas ko may kumalabit sa akin sa likod ko kaya lumingon ako.Ah si Anton pala.
"Bakit?" Nakangiting sabi ko. Tinignan lang nya ako at may ibinigay na paper bag sa akin kaya napakunot noo ako.
"Para saan toh?" Ani ko."May nagpapabigay...at kung gusto mong malaman wag na magsasayang ka lang ng lakas mo"tsaka sya tumalikod at naglakad papasok sa music room.
dO_Ob
Ang weird nya tss.
Ako naman natulala dahil sa sinabi nya at unti unti kong tinignan ang paper bag na hawak ko na ngayon.
"Ano kaya toh" sabi ko sa sarili ko. Ng buksan ko isang pink na damit at pantalon. Saan naman kaya galing toh?hayaan na kung sino man ang nagbigay nito salamat nalang dahil hindi na ako babalik pa sa bahay para mag palit.
Dumiretso na ako sa banyo para magpalit. Pagkatapos nun dumiretso na ako sa room namin dahil time na. Doon ko lang napansin na gutom na pala ako,hindi pala ako kumain kanina dahil sinindan ko si Jiminne dodong ko.
Umupo na ako . "May nagpapabigay sayo oh " nakangising sabi ni Justin sa akin ng tignan ko kung ano yun pagkain pala. "Sino raw?"
"Haha wag mo ng alamin baka mamatay ka sa kilig"
"Edi wag...amin na nga gutom na ako eh" tsaka ko kinuha sa kanya yung pagkain. Natawa lang sya sa ginawa ko.
"Anong nangyari sa pagsunod mo kay Jiminne?" Biglang tanong nya kaya muntik na akong mabululan,uminom muna ako bago nagsalita." Ayun kinain nya yung pagkain na binigay ko"sige magsinungaling ka Mayyang.
"Eh bakit iba na damit mo?"
"Kasi pinawisan ako sa paghabol kay Jiminne dodong ko kaya nagpalit na ako" sinungaling pa more.
"Ah ganun ba?sige kung yun nga ang dahilan"pero alam kong alam nyang nagsisinungaling ako.
Pagkatapos kong kumain ay syang dating naman ng Mestra namin. Tumayk kami para bumati at umupo rin agad.
"Our lesson for today is about blah blah blah" hindi ko na napakinggan ang sinasabi ni Mestra dahil biglang may nangbato sa akin ng papel. Ng tignan ko kung saan yun nanggaling wala naman akong nakita ng kahina-hinala sa kanila kaya pinagmasdan ko muna yung papel tsaka ito binuksan dahil nalukot lukot ito.
'Ang pangit mo' aba sino ang may sulat nito?para namang maganda kung sino man yun....baka mas maganda pa ako.
Nilukot ko ulit iyon at tinapon sa basurahan.
___
Nag-taxi lang ako pauwi noong pinagtripan ako ni Jimmine dodong ko na may poyson yung binigay ko pero wala naman talaga. Tss buti nalang may pera akong dinala.
Papasok na ako sa loob ng paaralan namin,hinatid ako ni Utol. Habang naglalakad ako nakasabay ko si Jiminne dodong ko ,hinarap ko sya at huminto ako pero sya hindi man lang ako tinapunan ng tingin at deretso lang na naglakad. Napasimangot ako.
Kinuha kaya nya yung regalo ko?hays ano ka ba Mayyang tinapon na nga nya diba?masyado raw mura yun at hindi sya tumatanggap ng mga ganung ka tsep na regalo,mayaman kasi sya. At sa ginawa naman nya kahapon. Nasaktan ako sa sinabi nya totoo iyon,umuwi ako nun na ganun parin ang ayos nagulat nga si Utol eh. Tinanong ako kung ano daw ba ang nagyari sa akin sinabi ko wala pero hindi naniwala. Biglang may tumawag sa kanya at pagkatapos nun biglang nandilim ang paningin nya at bigla nalang umalis tinanong ko ng kung saan pupunta pero hindi sya nagsalita.
BINABASA MO ANG
Mahal kita, alam mo ba...(Mayyang)
Teen Fiction[Completed] (First to read.) "Know your worth, and stop giving discounts to others."