Chapter 42

2 0 0
                                    

"Kamusta ang pagbabantay?"yun agad ang lumabas sa bibig ko kaya napatigil sila sa pagkain at tumingin sa akin pati na si Boss.

Tinignan ko sila Tangkad kaya napaayos sila ng upo at nagsalita..

"Ayos naman at wala pa kaming nakikitang kahina hinala."si Liit ang nagsalita kaya napatango tango naman ako.

"Hindi ba masyadong mahigpit na ang ginagawa mo sa kapatid mo Dave."napalingon naman ako kay Boss.

"Kung para sa kaligtasan niya Boss,Oo. Baka kapag may nangyari na sa kanyang masama baka nga mas rarami pa ang magbabantay sa kanya." napabuntong hininga nalang siya at umiling iling.

"Sa tingin ko'y may phobia ka na."nangunot ang noo ko sa sinabi nya.

"What do you mean Boss?"

"You're afraid that what happened to your wife maybe it will happen to your sister...am I right?"nasapul agad ako sa sinabi niya kaya umiwas ako ng tingin.

Tahimik din halos ang lahat at nakikinig lang sa pag-uusap namin...

"Y-yes....boss" mahinang sabi ko.

"Don't worry alam kong hindi pababayaan ng mga in-assign mo na bantayan ang kapatid mo."ngumiti naman ako ng tipid.

"Yes...I promise that no matter what happen gagawin ko ang lahat mailigtas lang si Mayyang.."napalingon naman ako kay Cov sa sinabi niya. Kumindat pa siya kaya natawa naman ako ng bahagya.

"Cov.. baka naman sa akin ka na lang at partner tayo."nagtaas baba pa ang kilay ni Liit habang sinasabi niya iyon.

"Loyal ako noh."mataray na sabi naman ni Cov.

"Sus! Di lamang naman na mas gwapo ako kay Dave."

"Saang banda? Ang pangit pangit mo nga katulad niyang partner mo."napatingin naman ang partner ni Liit....isa itong aso na lalaki.

"Hoy manok ka! Tignan mo yang sinasabi mo at baka makain kita." si Mack...siya yung partner ni Liit.

"Paano ko makikita yung sinasabi ko? Ano yun magic na lumulutang."pilosopo na sabi ni Cov kaya naaliw naman halos kaming lahat dito sa hapag kainan dahil sa sumbatan ng dalawa.

"Pilosopo..."

"Pilosopa ako gaga."

"Gago ako hindi gaga."

"Edi inamin mo rin na gago ka HAHAHAHA."

"Tumigil ka na riyan na manok ka baka hindi kita matantsa bukas ikaw na ang ulam namin."nakangising sabi ni Mack.

"Atleast ako masarap kung kakainin eh ano ka.....kadiri kung kakainin hahaha."

"Walang kakain sa akin dahil baka mabawasan ang gwapong aso dito sa mundo."nakangising sabi ni Mack.

"Paano na yan...gusto kitang kainin."nawala naman ang ngising sa labi ni Mack dahil sa sinabi ni Cov.

Iba rin bumanat itong si Cov ah.

"Yack! Napaka mo."

"Maka yack naman ito kala mo kagwapohan eh bulldog ka nga."

"Kahit bulldog ako marami parin nagkakagusto sa akin. Baka isa ka na doon."

"Isang malaking ASA."

"Ang bilis mo naman gusto mo na agad akong maging ASAwa..."napatingin naman kaming lahat kay Cov dahil hindi siya nakapagsalita sa banat ni Mack.

"A-ang piling mo. Mag aasawa na nga ako sayo pa na bulldog. Mas madami naman diyaan na manok na gwapo."

"Pero ang pagkakaalam ko hindi mo type ang kalahi mong mga manok dahil ibang hayop ang gusto mo. "

Mahal kita, alam mo ba...(Mayyang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon