Chapter 21

6 0 0
                                    

Lawrence 'Tangkad' Pov

"P*tangina tabi!!!"sigaw ko sa kasamahan ko kaya naman agad syang dumapa kaya agad kong binaril ang dapat na babaril sa pwesto namin.

Bulls eye!

Agad na natamaan sa ulo ang lalaki kaya napangisi ako. Wala namang binatbat ang mga tao dito tss.

"Come on Tangkad marami pa sila!"si Jeush pero mas kilala sa Liit.

Maliit nga sya pero sya naman ang pinaka malakas sa amin kumbaga sya ang depensa namin habang si Benedict o mas kilala sa Medyo sya naman ang para hack ng mga cctv,computer etc. anything that have an evidence to our plans.Habang ako naman sa mga armas naman ako magaling katulad nalang nitong baril ko even a sword kaya ko.

Agad akong nagtago sa isang pader ng may magpaulan ng bala sa pwesto ko. At ng masiguro ko na hindi na sya magpapaputok agad akong tumakbo papunta sa kinaroroonan nya at umi- slide sa sahig at ng makita ko ang pagmumukha nya agad kong tinutok sa katawan nya ang baril kaya naman agad syang natumba ng kinalbit ko ang gatilyo nito.

"Sa likod mo"narinig ko ang boses ni Benedict sa tainga ko kaya agad naman akong umikot at agad binaril ang dapat babaril sa akin.Naka ear-piece kasi ako at nakakonekta ito kay Benedict na nasa isang room at nakikita nya lahat ng mga nangyayari dito sa pwesto namin.

Meron kasing cctcv sa room kung asaan sya at sya ang para sabi sa amin kung may hindi kami nakita na babaril sa amin at sya ang magbibigay ng warning sa amin.

dO_Ob

Pagkaharap ko ay syang kamao ang nangsalubong sa mukha ko at hindi ko yun napaghandaan kaya naman napaupo ako sa sahig dahil doon.

"P*taaanginamooo!!"tsaka ko kinasa ang baril ko at pinaputukan sya ng ilang beses dahil p*ta binigwasan nya ang gwapo kong mukha.

Hindi ko sya mapapatawad!

Mayyang 'Ganda' Pov

Sininghot ko ang hangin na napakasarap sa pakiramdam at pumikit  habang hinahayaan kong tangayin ng hangin ang aking buhok.

Hindi ako makatulog kanina kaya naman lumabas muna ako sa hotel at nagpapahangin ako ngayon dito sa tabi ng dagat.

"Gabi na ah,hindi ka pa ba inaantok?"biglang may nagsalita sa tabi ko kaya naman napamulat ako ng mata at tinignan kung sino iyon.At ng mapagtanto ko kung sino ay bumalik ako sa pagpikit .

"Hindi ako inaantok eh.Ikaw ba't ka andito?"tanong ko pabalik at nagmulat na para makausap sya ng masinsinan.

"Same as you.I can't sleep too."napatango tango nalang ako sa kanya.Niyakap ko ang aking sarili dahil nakalimutan ko pala kanina na mag jaket.

Agad akong napatingin sa kanya ng biglang may ipinatong sya sa akin at ng tignan ko ay jaket pala at alam kong sa kanya ito dahil amoy panglalaki ang pabango at kaamoy nya haha.

"Salamat."tipid syang ngumiti sa akin at tumingin sa dagat kaya naman napatitig ako sa gwapo nyang mukha.

"Alam mo bang  lagi kaming pumupunta dito sa dagat kasama ang pamilya ko?Nung mga panahon na hindi pa kami mayaman.Yung sakto lang ang pangkain namin ng tatlong beses sa isang araw.Nakakamiss din kasi ngayong lumago na ang negosyo nila Dad medyo wala na silang time para sa amin."pagkukwento nya kaya napaayos ako ng upo at pinakinggan lahat ng sinabi nya.Mahirap na noh!dagdag kaalaman din yan para kay kras!hahaha.

"Ayaw mo nun?Mayaman na kayo mabibili mo lahat ng gusto mo.Ako nga itong hanggang tingin lang sa mga bagay na kahit gustong gusto ko hindi ko makuha dahil 'di ko abot"napalingon sya sa akin at nagsalita.

Mahal kita, alam mo ba...(Mayyang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon