Mayyang 'Ganda Pov
Tinawagan ko na kanina si Jiminne dodong ko at nagpaalam na mawawala ako ng dalawang araw. Tinanong pa nga nya kung saan ako pupunta sabi ko naman mangangabit lang ako ayun minura na naman ako kesyo pag ginawa ko raw yun hiwalay na kami.
Parang si Nikki naman sya na blakmeyler tss. Pag sya nangabit din sisiguraduhin kong mawawalan ng buhok yung babae nya, pati sa baba hindi ko papatawarin.
Medyo malayo layo rin yung bahay ng asawa ni Utol hindi ko pa nga nakikilala eh wala na sya. Sigurado ba talaga si Utol na ginahasa ang asawa nya? Sa tingin ko naman kay Utol wala syang kaaway ang bait bait pa nga nya sa iba eh.
Tsaka kung yung anak na lang nya ang natitira bat pa hindi nya kunin? Dapat nga sya na ang mag alaga doon dahil sya ang ama. Wag nyang sabihin na ipapa-ampon nya yung pamangkin ko! Aba! Talagang malilintikan ang lalaking yun sa akin kapag ginawa nya yun. Hindi ko pa nga nakikita yung bata eh.
Babae kaya sya? Baka naman lalaki? Ay basta! Kahit anong kasarian pa nya talagang magugustuhan ko sya. Yung magugustuhan na parang kapatid ah hindi yung parang kay Jiminne dodong ko na gusto ko sya bilang lalaki. Hekhok.
Alam nyo naman ako mahilig ako sa mga bata. Dahil narin siguro mas gusto ko ang mga bata kesa sa mga ka-edad ko dahil alam kong hindi plastik ang mga bata kesa naman sa mga ka-edad kung makipag plastikan wagas.
Diba? Kapag may hindi gusto sayo ang mga bata sasabihin agad nila samantalang sa mga katulad ko na dalaga't binata eh kunwaring mabait kapag kaharap ka pero kapag nakatalikod ka na kung anong mga masasamang salita ang lumalabas sa bibig nila tungkol sayo.
"Ano na Owie?Antagal mo naman jan. Dalawang araw lang naman tayo doon baka namang mag maleta kapa sa lagay na yan ah."narinig kong sabi ni Utol sa labas ng kwarto ko sabay tugtog pa dito.
"Oo na sandali na lang."sabi ko tsaka inayos na ang lahat ng gamit ko.
Bale isang bagpak lang ang gamit ko dahil dalawang araw lang naman kami doon. Iiwan ko narin siguro si Psst dito sa bahay. Lalagyan ko nalang ng pagkain ang pagkaka inan nya.
Isinukbit ko na ang bag ko at lumabas na ng kwarto. Naabutan ko sila Tiya at Utol na nakaupo sa upuan at mukhang ako na lang ang hinihintay nila.
Tumingin naman sila sa pwesto ko ng marinig yata nila ang yabag ko. Tumayo na rin silang dalawa.
"Tayo na. Tiya ako na ang bahala sa gamit nyo."sabi ni Utol tsaka nya kinuha ang isang bagpak din ni Tiya kaya dalawa na ang bitbit ni Utol.
Lumingon sya sa akin. "Ikaw Owie hindi mo ba dadalhin si Psst?"napakunot noo naman ako.
"Kailan pa ba syang dalhin? Eh pabigat lang sya."
"Titilaok!"narinig kong protesta ni Psst na nasa sala narin pala. At ang sama pa ng tingin sa akin. Sinamaan ko rin sya ng tingin.
"Langya kang manok ka! Wag mo kong tarayan."sabi ko na tinawanan lang ni Utol na nakatingin pala sa amin na parang aliw na aliw.
"Tittittilaokkk!" aba! sinabi ba naman ako na ako raw ang pabigat at hindi sya.
"Hoy! Ikaw ang pabigat at hindi ako. Alaga lang kita at pinapalamon pa kaya wag mo kong inisin."
"Tilaok!"
"Heh!! Tigil tigilan mo nga ako."
"Nagkakaintindihan kayo?"manghang sabi ni Utol kaya napatingin kami ni Psst sa kanya.
"Oo!!"
"Tilaok!!"
Sabay na sabi namin ni Psst kaya nagkatinginan kami at nagka irapan.
BINABASA MO ANG
Mahal kita, alam mo ba...(Mayyang)
Teen Fiction[Completed] (First to read.) "Know your worth, and stop giving discounts to others."