Mayyang 'Ganda' Pov
Nilagay na nila sa tamang pwesto lahat lahat ng gagamitin sa set para sa comersiyal. Pinalibot ko ang tingin ko...
Merong mga bulaklak sa gilid gilid na iba iba ang kulay at meron ding mga ekstra na tao para siguro props hehe. Ibinigay narin sa akin ang pabango na i-e-endorse ko...ingles yan ah!
Tinitigan ko muna itong pabango na nasa kamay ko at hinawakang mabuti dahil babasagin ito at mukhang mahal ah. Bibili naman kaya ang mga tao kapag ako ang gumamit nito? Siguro nga. Alangan naman kukunin ako ni bakla---ni Klaire kung gusto niyang maraming bumili ng pabango na ito..siguro nalaman niyang sikat yung kompanyang pinagtatrabahuan ko at nakita niya ang mga bali balita.
Baka nga alam din niya na hiwalay na kami ni Jiminne dodong ko...
"Mayyang come here."tawag sa akin ni Klaire sa medyo may kalayuan sa pwesto ko.
Nakaupo siya sa isang itim na hindi ko alam pangalan. Tumayo na ako at nagsimulang maglakad papunta sa kanya. Mabait naman pala ang baklang ito akala ko kasi kanina masungit dahil sa kilay niya hindi naman pala.
Baka nga sa mga magaganda lang siya mabait at sa mga pangit hindi na. Ay! maganda pala ako kaya siguro mabait siya sa akin.
"Ano po yun?"sabi ko ng nakalapit na ako sa pwesto niya.
"Ito ang mga sasabihin mo...basahin mo na lang iyang script ah."tsaka niya inilahad sa akin ang isang mahabang kulay puting papel. Kinuha ko naman ito.
Binasa ko at medyo konti lang naman kaya kaya ko na siguro ito. Pero habang binabasa ko hanggang pababa ay may napansin ako. Iniangat ko ang aking ulo para makita si Klaire.
"Ahmm Klaire..."agaw atensyon ko sa kanya. Meron kasi siyang kausap na kasama yata sa pagpa plano nitong mga gagawin. Lumingon naman siya sa akin.
"What is it?"
"Sino po itong magiging kasama ko?"kunot noong sabi ko. Kinuha naman niya sa akin ang puting papel at tinignan ito. Agad na umaliwalas ang mukha niya.
Okey.....anong meron?
"Siya ang makakasama mo sa shooting..."meron akong kasama?
"Gwapo po?"
"Ah hahaha. Syempre naman alangan namang kukuha ako ng pangit edi nalugi na ako."naginhawaan naman ako sa sinabi niya. Akala ko kasi panget ang magiging kapareho ko.
Sino kaya iyon? si Daniel Padilla? si James Reid? O baka naman si Enrique??
___
"Ganito ang gagawin mo...tutal kabisado mo naman na ang mga lingya mo. Maglalakad ka tapos kapag nasa part ka na ng mausok na lugar aamoyin mo ang damit mo tapos kunwari nabahuan ka kaya dumiretso ka na ng lakad tapos merong lalapit sayo na babae at i aabot ang pabango, kukunin mo ito at i-spray sa katawan mo. Pagkatapos non maglalakad ka ulet at meron kang makakasalubong na lalaki pero hindi mo siya papansinin..........."madami pa siyang sinabi at nakatitig lang ako sa bibig niya na gumagalaw galaw dahil sa sinasabi niya ang gagawin ko mamaya.
Maubusan ka sana ng laway! Chos!
Tatango tango nalang ako sa mga sinasabi niya. Hindi kasi ako mapakali kung sino ang makakapareho ko. Eksayted nga kasi ako!
"Ready....lights...picture is up!....camera!...action!"hudyat na yun kaya naman nagsimula na akong maglakad pero kinakabahan ako kaya medyo hindi ako nakapag konsintreyt.
Hindi ko narin alam kung ano bang susunod kong gagawin pero dineretso ko na lang ang lakad ko.
"Cut!!"narinig kong sigaw ni Klaire na director. Nakaupo parin siya sa itim na upuan at merong para kuha sa mga gagawin ko at meron din sa mga gilid ko ang mga ilaw para makita parin ang ganda ko.
BINABASA MO ANG
Mahal kita, alam mo ba...(Mayyang)
Teen Fiction[Completed] (First to read.) "Know your worth, and stop giving discounts to others."