Mayyang 'Ganda' Pov
Wala na akong sinayang na oras dahil pagkalabas na pagkalabas ko sa abandonadong bahay na yon agad akong pumara ng masasakyan.
Buti nalang nadukot ko yung wallet ni Daniel ng hindi niya napapansin.
Hindi ako magnanakaw wala lang talaga akong pera.
Pagkatapos ng ilang oras ay nakarating na ako sa probinsiya namin. Humihikab na akong bumaba dahil hindi ako masyadonh nakatulog sa bus. Umaga narin kasi ng dumating ako.
Agad akong pumara ng tricycle.
"Manong sa Barangay Libliblobloblib." pagod na ngiti lang ang ibinigay ko.
Agad naman siyang sumakay para makapagmaneho kaya pumunta narin ako para maupo.
Napapatingin ako sa paligid habang tumatakbo ang sasakyan. Meron na akong nakikitang naglilinis sa kani kanilang bakuran meron din yung mga maagang naglalaba, mawawala ba naman ang mga tsismosa.
"Singkwenta ading " sabi ni manong kaya agad naman akong kumuha sa pitaka ni Daniel.
Napatigil ako dahil libo libo ang pera niya! Aba putek! Yaman ah! Nag aalinlangan kong ibinigay ang isang libo. Napalaki naman ang mata ni manong sa iginawad kong pera.
" Ading ammom nga bigat pelang awan pay ti pangbaryak. " kakamot batok na sabi niya. Huminga ako ng malalim.
(Translation: Alam mo namang umaga palang wala pa akong pambarya.)
"Sandali lang manong ha? Hihingi lang ako ng pera kila nanang." paalam ko na tinanguan lang niya.
Dali dali akong pumunta sa bahay at kinatok ang pintuan. Magsasalita na sana ako pero agad natigilan ng makita kung sino ang nasa loob.
"Roel? Anong ginagawa mo dito?" gulat na sabi ko.
Napatigil naman siya sa pagwawalis. Oo nagwawalis siya. Aba! Kung hindi ninyo natatanong maraming gawaing bahay ang alam niya. Siya yung syota ko dati.
Natigilan naman siya at kagaya ko nagulat ng makita ang kagandahan ko.
"Mayyang?"
"Ako nga. Ano ngang ginagawa mo dito?"
"Naglilinis. Inutusan kasi ako nila nanang mo dahil may pupuntahan daw sila ng tatang mo." ngiting sabi niya.
"May pera ka pa diyaan? Papalitan ko mamaya." mamaya ko na siya tatanungin kung saan nagpunta sila nanang. May motibo na ako kung saan pero ayaw ko lang paniwalaan.
"Ah meron. Ilan ba kailangan mo?" tanong niya at kinapkap ang bulsa.
"Singkwenta. " agad naamn niyang binigay kaya lakad takbo akong lumabas sa bahay at ibinigay kay manong yung bayad.
Agad naman siyang umalis kaya bumalik na ako sa loob.
"Saan nagpunta sila nanang?" lumingon naman siya sa akin.
"Sabi nila pupunta lang raw sila sa bayan." mukhang wala siyang kaalam alam. Huminga ako ng malalim at ng akmang aalis na ay pinigilan niya ako gamit ang kamay niya.
"Kadadating mo lang ah. Idtoy ka pelang. "
(Translation : Dito ka muna.)
"Gustuhin ko man Roel pero kailangan ko lang puntahan sila nanang." at aalamin ko kung tama ba ang kutob ko.
"Sige. Pero balik ka agad ah? Mailiw nak kanyamun." napangiwi naman ako at pilit na ngumiti bago umalis.
(Translation: Miss na kita eh.)
BINABASA MO ANG
Mahal kita, alam mo ba...(Mayyang)
Teen Fiction[Completed] (First to read.) "Know your worth, and stop giving discounts to others."