Mayyang 'Naguguluhan' Pov
"Isang babae na walang kaalam alam sa mga nangyayari. Alam mo kung sino?"nakangising tanong ni Daniel at ang paningin nasa sa akin.
Nagagandahan na naman toh sa akin tsk.
"Sino"kunot noong tanong ko.
"Walang iba kundi---"
"Tosino."
"Ha?"naguguluhang tanong niya. Di ko alam may pagka shunga din pala ang isang toh.
"Hakdog."
Mukhang nakuha na niya kaya nagsimula na siyang mairita.
"Ikaw ba kakausapin ako ng matino o hindi."
"Hindi."
Inis na hinawakan ako sa leeg nito kaya medyo napaubo ako. Naalerto naman sila Utol dahil sa ginawa ng ugok na ito.
"B-bitawan...m-mo ako.." medyo nahihirapan na sabi ko.
"Ipangako mong makikinig ka sa lahat ng sasabihin ko." sunod sunod na tango ang isinagot ko kaya agad naman siyang humiwalay sa akin at nakapamulsang tinignan ako at sila Utol.
"Do you know him?"turo nito kay Gregorio kaya nakakunot akong tumango. Abnormal nga ang animal.
"Oo naman siya si Gregorio kaibigan ko."hindi ko alam pero bigla akong kinabahan dahil biglang napayuko si Gregorio ng sinabi ko iyon. Anong....meron?
Natatawang bumaling si Daniel kay Gregorio.
"Hindi ko alam na kaibigan pala ang turing mo kay Mayyang,Gregorio. "
"You don't know anything. "napatigalgal ako dahil bumalik ang Gregorio na nagligtas sa akin noon kay pango na airplane. Bumalik ang panglalaking boses niya.
Anong ibig sabihin nun?
"Ah ah ah."umiling iling na sabi ni Daniel. "Alam ko lahat. Lahat lahat." tumingin si Daniel sa akin.
"Do you know? Na ang kaibigan na sinasabi mong Gregorio ay hindi talaga totoong kaibigan mo?" nangunot ang noo ko.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Wag kang maniwala sa kanya May."hindi ko pinansin si Gregorio at tuon na tuon ang pansin ko kay Daniel.
"Sa pagkakaalam ko siya ang pinagkakatiwalaan mo lalo na sa mga sikreto mo. Guess what...Lahat ng mga sikretong sinabi mo sa kanya ay alam ng lahat. Pinagsasabi niya sa lahat ng kasamahan niya ito. Now tell me may ganyan bang kaibigan na pati sikreto ipinagsasabi?" natahimik ako at parang ayaw rumihistro lahat ng sinabi niya sa utak ko.
"You a**hole!!"narinig kong sigaw ni Gregorio at akmang susugod na sila ng isang kisap mata lang nasa likod ko na si Daniel at nakatapat na sa gilid ng leeg ko ang isang patalim.
Ganon siya kabilis?
"Subukan niyong lumapit hinding hindi ako magdadalawang isip na patayin siya."pagbabanta na sabi pa nito. "You wanna know all their secrets? " pabulong na sabi pa niya sa akin kaya lumunok ako at tumango.
Kung kailangan malaman ko lahat handa akong makinig. Sa ginawa palang ngayon ni Gregorio para na akong dinudurog.
Ang sakit lang kasi. Pinagkakatiwalaan ko siya tapos yun pala isa lang rin siyang peke! Ngumisi si Daniel at nagsalita habang nakatutok parin sa leeg ko ang patalim na kapag isang maling galaw lang nila Utol malalagutan na ako ng hininga.
"Those four...Dave, Tangkad,Liit, at Medyo. Alam mo bang ginagamit ka lang nila. "
"Wag kang makinig sa kanya Owie!" protesta ni Utol pero hindi ko siya pinansin at tinignan ko ng dahan dahan si Daniel.
BINABASA MO ANG
Mahal kita, alam mo ba...(Mayyang)
Teen Fiction[Completed] (First to read.) "Know your worth, and stop giving discounts to others."