Mayyang 'Ganda' Pov
"So...ano na nga bakla?" Kanina pa ako kinukulit ng baklang toh. Hindi ko kasi nakwento sa kanya noon yung nangyari akala ko pa man din nakalimutan na nya hays.
Kinuwento ko lahat simula sa paghalik sa akin ni Jiminne dodong ko na hindi naman nya alam kung bakit nya ako hinalikan,ang pagsampal ko sa kanya,ang pag-iwas ko. Lahat lahat buong detalye sinabi ko.
dO_Ob--- > sya.
"Waahhh bakla ka!!!" Sigaw nya ng matapos akong magkwento.
"Ano?!"
"Ang ganda mo gurl" tsaka nya hinawakan ang buhok ko. Agad ko namang tinampal ang kamay nya na nasa buhok ko.
"Pwede bang wag mong sabihin lahat ng sinabi ko sayo ah"
"Syempre noh ako pa. Don't worry mapagkakatiwalaan mo ko" napangiti ako sa sinabi nya.
"Salamat ha?"
"Walang anuman. Halika na simula na ng pictorial mo" tsaka nya ako hinila palabas sa kwarto.
"Eto ang suot mo ngayon kaya walang maarte kundi kukurutin ko singit mo" pagbabanta nya sa akin kaya napasimangot ako. Kahit labag sa loob ko sinuot ko parin dahil wala akong pagpipilian.
Kulay black sya na nag x sa likod ko. Sa harapan ko naman may line sa gitna ng dibdib ko kaya kahit naiilang ako sinuot ko na.
(A/n:check on the multimedia. Picture is not mine)
Umupo ako sa isang pabilog na upuan at pinagcros ang hita ko. Nilagay ko ang isang kamay ko sa baba ko at ang isa naman ay nakapatong sa hita ko. Fierce ang una kong ginawa at ngumingiti naman kapag yun ang sinasabi ni mamang photographer.
Wala dito ngayon si Jiminne dodong ko dahil may importante daw syang gagawin,nagpaalam pa sa akin kaya naman kinilig ang buong katawan ko haha.
Ng matapos na kami ay agad akong kumuha ng roba at isinuot iyon. Umupo muna ako at kumuha ng tubig dahil nauhaw ako bigla. Hindi madali yung ginagawa ko dahil sa nahati na ang oras ko,sa pag-aaral at pag tatrabaho para may pang opera si tatang.
Biglang tumunog ang selpon kong keypad sa lamesa na nasa gilid ko. Agad ko iyong kinuha at sinagot ang tawag dahil si nanang pala.
"Oh nanang napatawag ka?"
"Anak may pera ka pa dyaan?naubusan na kami kasi ng gagamitin at pagkain dito sa bahay." Napalunok ako. T*ngina kakabayad ko lang para sa sunod sunod na project namin,paano toh...walang wala ako ngayon hindi ko naman pwedeng hindi padalaan sila nanang dahil alam kong mamumulubi sila at yun ang ayaw kong mangyari.
"Ahhh" ani ko."M-meron naman nanang i-ilan po ba ang kailangan n-yo?"napapikit ako ng mariin dahil nautal pa ako pakening shit.
"Mga limang libo sana anak. Pasensya na ah hindi ako makakapagtrabaho dahil walang mag aalaga sa tatang mo." Kinagat ko ang pang ibabang labi ko at huminga ng malalim.
"Papadalaan ko po kayo nanang tsaka wag po kayong mag-alala alagaan nyo nalang si tatang at ako na po ang bahala sa lahat ng gastusin hindi rin po kasi ako matutulungan ni Utol eh maseselan daw po kasi ang pag bubuntis ng asawa nya"
Narinig kong bumuntong hininga si nanang alam kong mabigat sa loob nya na ako ang nag hahanap buhay para sa kanila pero wala na syang magagawa.
"Anak pasensya na talaga. Basta mag-ingat ka dyaan ha?" Napangiti ako.
"Oo naman po. Sige nanang papadalaan ko nalang kayo,alagaan nyo po sarili nyo tsaka pakamustahan mo nalang ako kay tatang,nanang"
"Oo naman anak sige bye"
BINABASA MO ANG
Mahal kita, alam mo ba...(Mayyang)
Teen Fiction[Completed] (First to read.) "Know your worth, and stop giving discounts to others."