Mayyang 'Ganda' PovNasa gate na ako ng may humila sa pulsuhan ko at inilabas sa skwelahan,nasa may dulo na kami.
"Anong kailangan nyo?" Ako. Tinignan nila ako ng masama kaya napalunok ako,naka sumbrero sila ng itim at may takip sa bunganga kaya 'di ko makita mukha nila.
"Pera" yung medyo maliit na lalaki.
"Pera?" Ani ko."Teka lang"tsaka ako nagkalkal ng pera sa bag ko,may nakita akong piso kaya binigay ko iyon.
"Pinagloloko mo ba kami?!" Galit na sabi ni medyo matangkad na lalaki.
Inagaw nung matangkad na lalaki yung hawak na piso nung medyo maliit na lalaki. "Piso?!anong gagawin namin sa piso lang?eh pang candy lang toh ah?!" Tsaka nya pinakita sa akin ang binigay kong pera nung matangkad na lalaki.
"Aba p*ta ka ha!Hoy mama wag mong nila-lang yang piso pasalamat ka binigyan pa kita,tsaka pera rin naman yang piso ah?yung iba nga pahirapan pang makakuha ng pera tapos kayo?kayo na nga itong binibigyan kayo pa magrereklamo?!" Sermon ko sa kanila at dinuro duro pa.
"Ano bang-------" si matangkad na lalaki.
"Sige nga mama kung walang piso hindi mabubuo ang isang daan,isang libo o di kaya isang milyon. Ngayon nyo sabihin sa akin na walang kwenta ang piso?!"
"Ikaw na babae------" si medyo matangkad na lalaki.
"Ano?anong sasabihin nyo?! Alam nyo bang----" ako.
"Pwede ba pagsalitain mo muna kami?!" Medyo naiinis na sabi nung matangkad. Tumango ako.
"Good. Alam mo ba na holdaper kami?"
"Hindi,pero ngayon alam ko na. Sinabi nyo eh" sabi ko. Napatampal naman sila ng noo.
"Bakit ba ang bobo mo?!"
"Aba mama hindi ako bobo ,magaling kaya toh" pagmamalaki ko.
May kinuha si matangkad na lalaki sa gilid ng pantalon nya.
O_O
Kutsilyo?!uwaahhhhh!!!
"Gusto mo nito?!" Pananakot nya sa akin kaya napalunok ako. "Sandali" sabi ko kaya napakunot noo sila.
May kinuha ulit ako sa bag ko ."Yan ang gusto ko mamang holdaper mabait naman pala kayo eh"tsaka ko inagaw sa kanya yung kutsilyo.
O_O----->silang tatlo.
d>>_<<b
"M-mansanas?" Parang di makapaniwalang sabi nila,tumango naman ako."Oo nga ,kanina pa ako hanap ng hanap ng kutsilyo meron pala kayo,salamat ha?"tsaka ko hinati hati ang mansanas. Tinignan naman nila ako na parang gutom na gutom.
"Alam ko na" ako."Mang ho-holdap kayo dahil gutom kayo diba?"tumango sila,ngumiti ako.
"Hati nalang tayo dito,gusto nyo?" Ako tsaka ko pinakita yung mansanas sa kanila.
"Pwede ba?" Parang nahihiya na sabi nila. Natawa naman ako.
"Oo naman" tsaka ko hinati ang mansanas ng apat."Para sayo,sayo,sayo at sa akin"nakangiting sabi ko.
"Thank you....ano pala pangalan mo?"
"Mayyang ...Mayyang nalang" nakangiting sabi ko."Ahm pwede bang tanggalin nyo yang nakatakip sa bunganga nyo at sumbrero?"
"Oh sure,this is mask" yung matangkad na lalaki at ipinakita sa akin ang mask raw,parehas rin naman yun eh pangtakip sa bunganga tss.
"Ahkey"yung dalawa. Tinanggal narin nila yung nakasuot sa kanilang mask raw at sumbrero,napaawang ang labi ko.
BINABASA MO ANG
Mahal kita, alam mo ba...(Mayyang)
Teen Fiction[Completed] (First to read.) "Know your worth, and stop giving discounts to others."