Chapter 15

5 0 0
                                    

Mayyang 'Ganda' Pov

Nakaupo ako sa isang upuan sa parke. Mag-isa .

Pinagmasdan ko yung mga nag lalaro na mga bata at napangiti dahil naalala ko sa kanila ang mga kaibigan ko sa probinsya namin.

Binuksan ko yung binili ko kanina. Chichirya sya. Sinimulan ko ng kumain. Habang kumakain ako may biglang lumipad patungo sa lamesa na nasa harap ko. Bale andito rin yung pagkain ko.

dO_Ob

Manok?!!

At bat may manok dito?!!!

Akala ko ba sa probinsya lang meron nito?

"Shuu!!" pagtataboy ko sa manok na nakatingin lang sa akin at tumingin agad sa pagkain ko.

Agad ko namang niyakap ang mga pagkain ko dahil balak pa yata nyang agawin sa akin hmmp!

"Shuu sabi eh."sabay wasiwas pa ng kamay ko kaya napa ilag ilag sya pero hindi padin natinag at nakatingin lang sa akin.

"Ano? Nagagandahan ka sa akin? Patawad ka na lang hindi tayo talo!"napairap naman sya sa sinabi ko at walang pakunda kundangang lumipad kung saan papunta sa puno.

Tinignan ko lang ito na naglalakad na patungo sa hindi ko alam. Aba! Wala na akong paki alam sa manok na yun.

Habang nag iisip ako inaayos ko narin itong nagulo ng manok na yun na pagkain ko. Buti na nga lang hindi sya kumupit eh. Pag nangyari yun lagot sya sa akin at gagawin ko syang prayd tsiken.

Pinag patuloy ko na ang pagkain. Habang kumakain ako may isang kamay na nasa harapan ko at hawak nyon ay isang shake. Ng tignan ko ang mukha nya. Si Jiminne dodong ko!!!

"Here. Wala kang inumin" tsaka nya iniabot ang shake na hawak nya.

"S-alamat" sabi ko. Pinagmasdan ko syang umupo sa tapat ko. Merong mesa na nakapagitan sa amin.

Ininom ko iyon. Napangiwi ako sa lasa hindi ko type.

Agad kong iniluwa iyon sa bunganga ko at pinunasan ang bibig ko. Mukhang nagulat din si Jiminne dodong ko.

"Ang pangit ng lasa." Reklamo ko. Kinuha naman nya iyon sa kamay ko.

"Patingin nga" napalaki ang mata ko dahil uminom din sya sa shake na binigay nya. Hindi lang yun uminom sya sa stro na ininuman ko rin kanina!!!!

Napalunok ako dahil habang humihigop sya nakatingin sya sa akin. Ano bang nangyayare!!

"It taste good. Lalo na galing sa labi mo" nakangising sabi nya. Umiwas ako ng tingin dahil naiilang ako sa tingin nya.

"A-ah gusto mo?" Pag-iiba ko ng usapan.

Mamaya sa iba pa tumungo ang usapan namin. Alam nyo naman si Jiminne dodong ko ang kaharap natin dito eh.

"Sige ba basta ikaw ang mag susubo sa akin" nakataas ang sulok ng labi nya habang sinasabi nya iyon. Tinaas ko ang aking kilay.

"Ano ka walang kamay? Kumain ka ng sarili mo noh" sabi ko. Natawa lang sya at kumuha na rin sa wakas sa pagkain na kinakain ko.

"Ayaw mo ng apple?" tanong nya na parang interesado. In teresado nga ba??

"Ayoko pangit ng lasa eh"tsaka ako umiling.

"Now I know" sabi nya at tumango tango na parang timang.

"Eh ikaw anong ayaw mo?"

"Ang ayaw ko sa lahat yung aagawin ka ng iba sa akin" napahinto ako sa pagsubo dahil sa sinabi nya.

Mahal kita, alam mo ba...(Mayyang)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon