Mayyang 'Ganda' Pov
Nag-iimpake na ako para bukas dahil bukas na raw yung punta namin sa tagaytay. Isang back pack lang ang dala ko dahil tatlong araw lang naman kami doon.
Tsaka may pera narin ako. Kakakuha ko ng sweldo ko kahapon kapag hindi nila ibinigay ang sweldo ko siguradong nganga ako sa tagaytay.
Medyo nakakaipon narin ako para sa opera ni tatang dito sa manila siguro isang buwan nalang at mapapa-opera ko na sya. Si Utol hindi ko na sya masyadong nakikita dahil nung nagkasakit yung asawa nya agad syang lumuwas papunta sa mag-ina nya. Sana nga lang maging ligtas yung pagbubuntis ng asawa ni Utol para narin makita ko na sila at ang magiging inaanak ko haha.
Bale tatlong bus ang inarkila ng skwelahan dahil medyo marami rami din ang gustong pumunta para narin mag-enjoy. Basta ako nagpapasalamat ako sa nagbayad para sa akin siguradong mabait yun gusto ko na tuloy syang makita ng personal,malay ko ba kung gwapo edi tiba tiba na haha. Landi mo Mayyang.
Pagkatapos kong inayos ang gamit ko ay itinabi ko muna ito sa baba ng papag at deretso na akong natulog.
*Peep Peep Peep*busina ng bus.
Buti nalang tapos na akong naligo ginising ako kanina ni Tiya Isabel kaya nakapaghanda agad ako. Tinignan ko ang orasan at saktong alas sais na. Kinuha ko na yung bag ko at bumaba na.
Naabutan ko si Tiya na nagkakape at may hawak na dyaryo. Napalingon dito sa akin si Tiya.
"Tiya una na ako. Ingatan nyo po sarili nyo ha?wag mag papagutom"natawa sya sa sinabi ko kaya napasimangot ako.
"Oo na. Dapat ikaw sinasabihan ko dyaan eh. Hala sige na alagaan mo yang sarili mo ha?ang dyaan na rin yata yung sundo nyo. Agan-anad ka" tumango ako at niyakap sya.
(Translation: mag-ingat ka)
"Paalam Tiya. Tsaka nga pala Tiya wag po ninyong gawing fried chicken si Psst ah pakainin nyo lang po.Naku!!kapag pagbalik ko dito nakain nyo na kayo ang isusunod kong iluluto" sabi ko pa pero tumawa lang si Tiya at tumango .Lumabas na ng bahay agad ko namang nakita ang sasakyan namin. Nakita ko sa labas ng bus si Gregorio at kumakaway sa pwesto ko kaya kumaway din ako. Inayos ko ang pagkakabuhat sa dala kong bag at naglakad papunta na doon.
"Halika na May" tsaka na kami pumasok sa loob ng bus.
Magkakasama sa isang bus ang mga babae at sa isang bus naman ang mga lalaki. Sa isa pang bus ay doon naman ang mga maestra. Kung nagtataka kayo kung bakit ang dito sa bus ng para babae si Gregorio ay dahil nagpumilit sya at sinabing binabae sya haha.
Wala naring nagawa ang mga maestra kaya pinayagan na eh sa kakulitan ba naman kasi ni Gregorio talagang mapapa-oo ka.
Magkatabi kami ng upuan ni Gregorio dahil alam ko namang ayaw sa akin ng mga babae dito eh ang sasama nga ng tingin nila sa akin eh.
Medyo nahirapan pa kaming pumasok dahil meron ding maleta sa loob puno na raw kasi sa baba. Seryoso?isang maleta talaga dala nila hindi lang basta maleta kundi malaking maleta ,tatlong araw lang naman kami doon akala mo naman isang buwan doon kung kumuha ng mga gamit.
___
"Meym naman sige na. Magkakwarto na kami pretty please...." Pagmamakaawa ni Gregorio kila maestra.
Ayaw kasi nila maestra na magkakwarto kami ni Gregorio dahil kahit bakla raw ito pagbaliktarin man ang mundo lalaki parin sya. Mahigpit kasi na pinagbabawal na hindi pwedeng magkakwarto ang lalaki at babae kahi mag syota pa kayo.
Mahirap na raw baka magka-ano sila. Ewan ko ba kung ano yung magka-ano sila tinanong ko kanina kay Gregorio sabi nya hindi ko daw maiintindihan dahil maganda ako...joke dahil daw haha meron pa akong medyo pagka inosente tss.
BINABASA MO ANG
Mahal kita, alam mo ba...(Mayyang)
Teen Fiction[Completed] (First to read.) "Know your worth, and stop giving discounts to others."